Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Saturday, 24 June 2017 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
Region CAL Submenu
Latest News
News Headlines
Foto Releases
One Luzon
PIA Star
120201-cal-citation

BRGY. SAN FRANCISCO TANODS CITED. General Trias, Cavite Mayor Luis 'Jon-Jon' Ferrer IV (2nd from left) together with Police Superintendent Gregorio Evangelista Jr, Chief of Police of the town, Cavite Councilor's League (CCL) Federation Prexy Morit Sison and Sangguniang Bayan members posed with Members Bantay Bayan of Barangay San Francisco after commended for the exemplary performance solving crimes in the locality during the simple ceremony held at municipal grounds in town proper. (Photo by Dennis Caparas-Abrina)
Calabarzon Sub-Region

PIA Press Release
Tuesday, January 31, 2012

Tagalog news: Malalaking proyekto para sa taong 2012, inihayag ng DENR-Calabarzon

CALAMBA CITY, Laguna, Enero 31(PIA) -- “Maganda ang naging resulta ng performance ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ng nakaraang taon hindi lang sa rehiyon ng Calabarzon pati na ng buong DENR at ito ay nakikita sa magandang feedbacks at mga opinion polls.”

Ito ang naging pambungad na pahayag ni Reynolfo A. Juan, officer-in-charge Regional Executive Director ng DENR Calabarzon sa programang “Talakayan sa PIA-4A” na ginanap noong Enero 27, 2012 sa tanggapan ng PIA sa lunsod na ito.

Sa nasabing programa ibinahagi ni Juan ang ilan sa mga malalaking proyekto ng kanilang departamento para sa taong 2012. Kabilang sa mga proyekto ang implementasyon ng ‘National Greening Program (NGP)’ na isa sa mga pangunahing prayoridad ng Pangulong Benigno S. Aquino III at DENR Secretary Ramon J.P. Paje.

Ayon pa kay Juan sa taong ito ay lalo pang paigtingin ng DENR ang programa sa NGP na kung noong nakaraang taon ay nasa ‘4,000 hectare’ lang ang naging target ng kanilang tanggapan, sa ngayon ay umabot ito sa ‘10,823 hectares’ ang ibinigay na target at ito ay dinagdagan pa at ginawa nang ‘11,861 hectares’. “Ang nasabing proyekto ay may kaakibat na inisyal na pondo na nagkakahalaga ng kulang-kulang sa isandaang milyon ang gagastusin ng gobyerno para maipatupad ang NGP,” dagdag ni Juan.

Samantala, isa pang malaking programa ng DENR na ilulunsad sa taong ito ay ang tinatawag na ‘cadastral survey’ na ang layunin ay magsagawa ng survey sa mga lupain ng ating mga kababayan na maaaring mabigyan ng iba’t-ibang klase ng mga ‘patents’ o pagbibigay ng titulo sa mga lupain na kanilang pag-aari.

“Mayroon po tayong regular na iniisyu na ‘free patents’ o libreng pagpapatitulo ng lupa sa ilalim ng ‘Republic Land Act’ (RLA). Ito po ay batas na kakapasa lamang at ito ay tinatawag na ‘Residential Free Patent Law’ sa ilalim ng ‘Republic Act’ 10023 (RA 10023) kung saan ang ating mga kababayan na nakatira sa mga poblacion, munisipyo ay puwede nang mabigyan ng mga titulo ang kanilang mga lupa sa mababang halaga,” paliwanag ni Juan.

Kaugnay nito, ipinaliwanag naman ni Francisco E. Milla, regional technical director for Land Management Service ang mga dokumento na kakailanganin sa pag-aaplay para sa pagpapatitulo ng lupa.

Sa kabilang dako, dahilan sa sunod-sunod na nangyaring trahedya dahil sa landslide sa ilang bahagi ng ating bansa ay naitanong ng media kay Juan kung ano ang posisyon ng DENR ukol dito. Aniya, ipinapatupad ng kanilang tanggapan ang tinatawag na ‘responsible mining’ na ang ibig sabihin ay mayroon sila na pwedeng igawad na mga permiso sa lugar na pwede lang sa pagmimina. Kanya pang idinagdag na lahat ng lugar na nasasakupan ng ‘protected areas; mga ‘proclaimed watersheds’ at ‘proclaimed tourists areas’ ay mahigpit na ipinagbabawal ang pagkakaroon ng pagmimina. “Ang mga lugar na pwedeng pagmiminahan ay dadaan pa ito sa isang proseso na tinatawag na ‘environmental impact assessment’ at ito ay kailangan ng konsultasyon sa mga lokal na sangay ng gobyerno,” paghahayag pa ni Juan.

Kabilang din sa pagtutuunan ng pansin ng DENR ay ang mga ’protected areas’ dito sa buong Calabarzon at kasama na ang ‘Taal Volcano Protected Landscape’ na kung saan ay may malaking isyu ngayon ukol sa pagiging aktibo nito.

Sa pagwawakas, sinabi ng Director na ipapatupad ng DENR ang matapat, mabilis at matuwid na pagseserbisyo sa bayan, ang kailangan lamang nila ang kooperasyon ng bawat mamamayan para sa ikauunlad ng sambayanan.

Umabot naman sa 31 ang mga nagsipagdalo at nakibahagi sa nasabing programa na dinaluhan ng mga media mula Laguna, Batangas at Quezon. Kasama rin si DENR Manuel T. Escasura, regional cordinator for NGP; Forester Mercado ng Protected Areas and Wild Life; Audie De La Cruz, chief RPAO at Zaul Pa-a ng Philippines News Agency (PNA). (AFD/PIA-Calabarzon)

 
Latest Stories
  • Tagalog news: Malalaking proyekto para sa taong 2012, inihayag ng DENR-Calabarzon (CAL)
  • Business incubation program for Quezon small entrepreneurs, set for launching in February (CAL)
  • Tagalog news: Philhealth, 17 taon na sa pagbibigay ng de-kalidad na serbisyo (CAL)
  • Quezon agriculture office holds upland rice management training (CAL)
  • PNP-Laguna launches 'Oplan: Angry Bird' (CAL)
  • Tagalog news: Proyektong pang-imprastraktura sa Batangas, patuloy na ipinatutupad (CAL)
  • La Laguna Festival 2012, slated April 20-29 (CAL)
  • Tagalog news: Paghahanda sa anumang kalamidad, prayoridad ng Batangas (CAL)
  • PNP, patuloy sa paglaban sa kriminalidad (CAL)
  • Tagalog news: P85.6-M 2012 badyet ng Taal, aprobado na (CAL)
  • Tagalog news: Flood-prone at landslide-prone areas sa Batangas, tinukoy (CAL)
  • PCCI, FFCCCII turns over school buldings to Carmona- LGU (CAL)
  • PCCI, FFCCCII turns over school buldings to Carmona- LGU (CAL)
  • Tagalog news: La Laguna Festival 2012, ilulunsad ng pamahalaang panlalawigan (CAL)
  • Tagalog news: Laguna Red Cross convention, tagumpay (CAL)

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines