Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Saturday, 16 December 2017 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
Region CAR Submenu
Latest News
News Headlines
Foto Releases
One Luzon
120129-car-logo

Best Logo. Aeronne Paul Coronel of Benguet State University, with his winning design for the 'Save Balili River, Count Me In! Logo design contest of the Balili River System Revitalization Coalition (BRSRC) during the awarding program cum Kapihan media forum at the Benguet State University, Thursday. The handing of cash prize and certificate of recognition were La Trinidad Mayor Greg Abalos and Raffy Tallocoy of the Baguio CityMayor's Office. (Photo By Lito Dar/PIA-CAR)
Cordillera Administrative Region

PIA Press Release
Wednesday, January 04, 2012

Tagalog news: Grupo ng kabataan sa Tabuk ipinagdiwang ang unang anibersaryo

ni Gigi Dumallig

TABUK CITY, Kalinga, Enero 4(PIA)-- Ipinagdiwang kamakailan ng mga myembro ng Youth Community Service Club (YCSC) ng lungsod ng Tabuk ang kanilang unang anibersaryo at isang taon na serbisyo upang mapabuti ang kalagayan ng kalikasan sa lungsod na ito.

Sa naturang pagtitipon, ipinamahagi ng YCSC ang kanilang mga nagawa sa loob ng isang taon at nagplano na rin sila para sa kanilang mga pangunahing programa sa 2012. Dumalo rin sa pagtitipon si Gobernador Jocel Baac at alkalde ng lungsod na si Ferdinand Tubban.

Sa report ni YSCS President Rosalyn Lao-ang, ang mga pangunahing nagawa ng grupo ay kinabibilangan ng pagtatag ng opisina ng YCSC sa Old City Hall building, pagtatag ng YCSC nursery, at pagpapatupad ng mga eco-walk at tree planting sa iba’t-ibang bahagi ng lungsod.

Ayon kay Lao-ang, sa suporta ni Tubban at YCSC Organizer na si City Councilor Antonio Bakilan, naitatag ang YCSC Office nuong Enero 20, 2011. Sumunod dito ang pagpapalago ng mga seedlings ng mga punong-kahoy sa YSCS nursery at sa Tabuk City AGRO-farm sa Barangay Balong kung saan libu-libo nang seedlings ang kasalukuyang inaalagaan sa suporta ng YCSC.

Upang maipamahagi ang kanilang pangunahing adhikain na “protect the environment” at makuha ang suporta ng publiko, nagsagawa rin ang grupo ng pagtatanim ng punong kahoy sa mga pangunahing lansangan, mga paaralan at barangay ng Tabuk, watersheds, at naging bahagi rin sila ng national regreening program ng gobyerno.

Ang mga eco-walks ay isinagawa rin upang malinisan ang mga lansangan at nagkaroon din ang YCSC ng ‘after care cleaning activity’ pagkatapos ng pagdiwang sa Kalinga Day Festival at Tabuk City anniversary noong nakaraang taon.

Nagkaroon din ng leadership seminars, training at study tour on environmental protection ang mga myembro maliban sa kanilang partisipasyon sa symposium ng ‘anti-illegal drugs and crime prevention’ na inorganisa ng pamahalaang lungsod para sa kanila.

Ayon kay Bakilan, ang YCSC ay binuo upang mabigyan pansin ang boses ng mga kabataan at magkaroon sila ng pagkakataong makibahagi sa mga programa ng gobyerno lalo na sa mga ‘youth and environmental development programs.’

Ang YCSC ay pormal na itinalaga nuong Desyembre 19, 2010 kung kailan itinalaga ang mga unang opisyales nito na pinangunahan ni Lao-ang bilang presidente. Mula nuong naging aktibo na ang grupo sa pagsisilbi sa lungsod. Sa ngayon ay may 600 myembro na sumali sa YCSC at kasalukuyan pang dumadami. (GGD, PIA-CAR, Kalinga)

 
Latest Stories
  • LGU issues guidelines on use of municipal filling station (CAR)
  • Kalinga nutrition congress moves to reduce malnutrition (CAR)
  • NCIP joins 4Ps planning workshop in Baguio city (CAR)
  • Kalinga holds 1st Health Forum (CAR)
  • Kaelco proposes 24-hout power service (CAR)
  • 30 micro-firm owners take management & shop floor seminar (CAR)
  • Competitive exams for fisheries scholarship program on March 17 (CAR)
  • DepEd USec inspects school projects in Ifugao (CAR)
  • Tanudan migrant workers group to hold medical mission in home town (CAR)
  • Ifugao town organizes committee on anti-trafficking, VAWC (CAR)
  • NCCA sustains SLTs in preserving Benguet's cultural heritage (CAR)
  • DPWH assures better road in time for Panagbenga (CAR)
  • Baguio city mayor reiterates call for waste segregation, commits to obey SC order on use of Irisan dumpsite (CAR)
  • “Lames Festival” brought more fun, as La Paz celebrates town fiesta (CAR)
  • CSC- Abra encourages more nominations for awards program (CAR)

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines