Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Friday, 15 December 2017 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
Region CAR Submenu
Latest News
News Headlines
Foto Releases
One Luzon
120129-car-logo

Best Logo. Aeronne Paul Coronel of Benguet State University, with his winning design for the 'Save Balili River, Count Me In! Logo design contest of the Balili River System Revitalization Coalition (BRSRC) during the awarding program cum Kapihan media forum at the Benguet State University, Thursday. The handing of cash prize and certificate of recognition were La Trinidad Mayor Greg Abalos and Raffy Tallocoy of the Baguio CityMayor's Office. (Photo By Lito Dar/PIA-CAR)
Cordillera Administrative Region

PIA Press Release
Wednesday, January 18, 2012

Tagalog News: Mga paaralan ng Tabuk City panalo sa Division press con

ni Gigi Dumallig

TABUK CITY, Kalinga, Jan. 18 (PIA) -- Nanalo ang dalawang malalaking paaralan sa lungsod ng Tabuk sa idinaos na Kalinga Division Press Conference noong Sabado sa Tabuk Central School.

Ayon sa summary result ng naturang paligsahan, panalo ang Tabuk National High School (TNHS) na may 56 puntos na sinundan ng St. William’s Academy na may 30 puntos sa secondary level. Sumunod ang St. Tonis College, Inc. na may 25 puntos, Rizal National School of Arts and Trades (RNSAT) na may 21 puntos at pang-lima ang St. Michael’s Academy na may 14 puntos.

Ang mga nakapasok sa Top 5 sa elementary level ay pinangungunahan ng Tabuk Central School na may 32 puntos, St. Tonis College Inc. Elementary Department na may 30 puntos, Liwan West Elementary School (ES) na nakakuha ng 27 puntos, Bulanao Central School na may 24 puntos, Pinukpuk ES na may 22 puntos at ang Calaocan ES na may 20 puntos.

Ayon kay Department of Education Supervisor Dr. Marylinda Santos, Division Press Conference Coordinator, ang mga paaralang nakapasok sa top five na nanalo sa individual category ang mga magiging kasapi sa regional press con na gaganapin sa Baguio City. Ang mga kasapi aniya ay magkakaroon ng pagsasanay sa susunod na Sabado.

Ang paligsahan na may temang “Promoting Digital Literacy through Campus Journalism,” ay nagbibigay halaga sa paggamit ng mga makabagong teknolohiya sa paggawa at paglikha ng mga pahayagang pampaaralan, ayon kay Santos.

Ito aniya ay maipapakita sa paligsahan ng newspaper laying out, photojournalism at broadcasting kung saan ang mga kalahok ay inaatasang gagamit ng laptop at digital camera upang maipakita ang kanilang kakayahan sa paggamit sa mga naturang teknolohiya.

At upang tunay na makamit ang adhikaing ito, ang mga school paper adviser aniya ay kailangan ding maging computer literate upang maturuan nang maayos ang kanilang mga mag-aaral.

Ayon kay Santos, kinakailangan din ang tuloy-tuloy na pagsasanay ng mga manunulat ng school paper sa simula pa lamang ng klase. Ang paggawa ng school paper aniya ay dapat isang regular na programa ng paaralan at hindi lamang kung kailan may paligsahan. Sa paraang ito, matututo at magkakaroon ng mas malawak na kaalaman, karanasan at exposure ang mga mag-aaral bilang mga tunay na campus journalist.

Aniya halos lahat ng mga pampublikong paaralan ngayon sa lalawigan ay nabigyan na ng mga computer units upang mabigyang pagkakataon ang lahat ng mga mag-aaral na matutong mag-computer bilang tugon sa Inter Connectivity Technology program ng DepEd na pinangungunahan ng mga punong-guro sa bawat paaralan.

Ang campus journalism, ayon kay Santos, ay katulad ng sports competition na dapat mabigyan pansin sa mga paaralan dahil hindi lamang ito nakakapag-enganyo sa mga mag-aaral na maging matalino sa journalism kundi makakatulong din na mahasa ang kanilang kaalaman lalo na sa mga nag-babalak maging mga manunulat.(JDP/GGD- PIA CAR, Kalinga)

 
Latest Stories
  • LGU issues guidelines on use of municipal filling station (CAR)
  • Kalinga nutrition congress moves to reduce malnutrition (CAR)
  • NCIP joins 4Ps planning workshop in Baguio city (CAR)
  • Kalinga holds 1st Health Forum (CAR)
  • Kaelco proposes 24-hout power service (CAR)
  • 30 micro-firm owners take management & shop floor seminar (CAR)
  • Competitive exams for fisheries scholarship program on March 17 (CAR)
  • DepEd USec inspects school projects in Ifugao (CAR)
  • Tanudan migrant workers group to hold medical mission in home town (CAR)
  • Ifugao town organizes committee on anti-trafficking, VAWC (CAR)
  • NCCA sustains SLTs in preserving Benguet's cultural heritage (CAR)
  • DPWH assures better road in time for Panagbenga (CAR)
  • Baguio city mayor reiterates call for waste segregation, commits to obey SC order on use of Irisan dumpsite (CAR)
  • “Lames Festival” brought more fun, as La Paz celebrates town fiesta (CAR)
  • CSC- Abra encourages more nominations for awards program (CAR)

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines