Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Saturday, 16 December 2017 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
Region CAR Submenu
Latest News
News Headlines
Foto Releases
One Luzon
120129-car-logo

Best Logo. Aeronne Paul Coronel of Benguet State University, with his winning design for the 'Save Balili River, Count Me In! Logo design contest of the Balili River System Revitalization Coalition (BRSRC) during the awarding program cum Kapihan media forum at the Benguet State University, Thursday. The handing of cash prize and certificate of recognition were La Trinidad Mayor Greg Abalos and Raffy Tallocoy of the Baguio CityMayor's Office. (Photo By Lito Dar/PIA-CAR)
Cordillera Administrative Region

PIA Press Release
Thursday, January 19, 2012

Tagalog news: Emergency employment malaki ang naitulong sa mga mahihirap

PASIL, Kalinga, Jan. 19 (PIA) -- Malaki ang naitulong ng gobyerno sa pamamagitan ng Emergency Employment Program (EEP) ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga nasalanta ng nakaraang bagyo dito.

Ayon kay Pasil Public Employment Service Office (PESO) Manager Venancio Magangat, karamihan sa mga nakibahagi sa programa sa Pasil ay mga mahihirap na magsasaka na umaasa sa kanilang mga maliliit na sakahan upang mabigyan lamang ng makain ang pamilya sa araw-araw. Ang pagdating ng kalamidad tulad ng nakaraang Typhoon Pedring at Quiel sa mga magsasakang ito aniya ay nagdudulot ito ng dagdag kahirapan sa kanilang kalagayan.

Karamihan sa mga napiling magtrabaho sa pamamagitan ng EEP ay madalang kumita sa araw-araw, kaya naging malaking bahagi ang kanilang arawang sahod na P229.45 mula sa DOLE bilang dagdag kita para sa kanilang pamilya. Ang kada trabahador ng EEP ay nakapag-uwi ng P3,441.75 sa kanilang mga pamilya para sa 15 araw na trabaho.

Maliban sa tulong at dagdag kita, ang programa ay nakatulong din sa mga komunidad at mga pampasaherong sasakyan dahil nalinisan at naayos kaagad ng mga EEP laborers ang mga kalsada o mga kanal na sinira ng bagyo. Kadalasan aniya ay ang mga pasahero at mga bumibyahe ang naglilinis at nag-bubukas sa mga kalsada tuwing may landslide dahil sa bagyo.

Ayon kay Magangat, 30 mula sa 185 inupahang magtrabaho sa lalawigan ang galing sa Pasil na nahating magtrabaho sa dalawang kalsada sa bayan sa loob ng 15 araw.

Ayon naman kay DOLE Kalinga Chief Dr. Avelina Manganip, ang Kalinga ay isa sa mga napiling tumanggap ng EEP noong 2011 pagkatapos ng mga sunod-sunod na bagyong kinabibilangan ng Bagyong Pedring at Quiel na nakasira sa maraming pangkabuhayan sa lalawigan.

Ang EEP ay isang flagship program ng administrasyong Aquino para tumugon sa mga taong lalong naghirap dahil sa kalamidad sa pamamagitan ng pansamantalang trabaho habang gumagawa sila ng paraan upang maibangon uli ang kanilang pangkabuhayan.

Ang mga naupahang magtrabaho ay natukoy sa tulong ng mga lokal na pamahalaan para maglinis ang maayos ng mga pampublikong struktura, kalsada at mga lagusan ng tubig na nasira dahil sa kalamidad.

Naibigay na kamakailan ang cash na sahod ng mga naturang trabahador para agaran nilang magamit ito. (JDP/GGD- PIA CAR, Kalinga)

 
Latest Stories
  • LGU issues guidelines on use of municipal filling station (CAR)
  • Kalinga nutrition congress moves to reduce malnutrition (CAR)
  • NCIP joins 4Ps planning workshop in Baguio city (CAR)
  • Kalinga holds 1st Health Forum (CAR)
  • Kaelco proposes 24-hout power service (CAR)
  • 30 micro-firm owners take management & shop floor seminar (CAR)
  • Competitive exams for fisheries scholarship program on March 17 (CAR)
  • DepEd USec inspects school projects in Ifugao (CAR)
  • Tanudan migrant workers group to hold medical mission in home town (CAR)
  • Ifugao town organizes committee on anti-trafficking, VAWC (CAR)
  • NCCA sustains SLTs in preserving Benguet's cultural heritage (CAR)
  • DPWH assures better road in time for Panagbenga (CAR)
  • Baguio city mayor reiterates call for waste segregation, commits to obey SC order on use of Irisan dumpsite (CAR)
  • “Lames Festival” brought more fun, as La Paz celebrates town fiesta (CAR)
  • CSC- Abra encourages more nominations for awards program (CAR)

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines