Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Friday, 15 December 2017 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
Region CAR Submenu
Latest News
News Headlines
Foto Releases
One Luzon
120129-car-logo

Best Logo. Aeronne Paul Coronel of Benguet State University, with his winning design for the 'Save Balili River, Count Me In! Logo design contest of the Balili River System Revitalization Coalition (BRSRC) during the awarding program cum Kapihan media forum at the Benguet State University, Thursday. The handing of cash prize and certificate of recognition were La Trinidad Mayor Greg Abalos and Raffy Tallocoy of the Baguio CityMayor's Office. (Photo By Lito Dar/PIA-CAR)
Cordillera Administrative Region

PIA Press Release
Wednesday, January 25, 2012

Tagalog news: PESO nakatulong sa mas maraming taga Kalinga na nakahanap ng trabaho - DOLE

TABUK CITY, Kalinga, Enero 25(PIA) -- Maraming walang trabaho ang nabigyan tulong at nakakita ng bagong pag-asa sa pamamagitan ng Public Employment Service Office (PESO) ng Department of Labor and Employment (DOLE) Field Office sa tulong ng mga lokal na pamahalaan at ng pribadong sektor sa lalawigan noong nakaraang taon.

Ayon kay PESO Kalinga Manager Anthony Luminang, sa pamamagitan ng kanilang job search assistance program, may 13,709 katao ang naitalang nagkaroon ng trabaho mula sa mga rehistradong 18,779 aplikante sa lalawigan nuong 2011. Ayon sa report, 6,245 sa mga ito ay mga regular jobs seekers at 7,464 naman ay mga nakatrabaho bilang mga rural workers.

Ang mga regular job seekers ay sumasahod ng regular, habang ang mga rural workers naman ay ang mga nakapaghanap-buhay sa pamamagitan ng pansamantalang trabaho na ibinahagi ng pamahalaan tulad ng food for work, cash for work at emergency employment program.

Maliban sa mga recruitment activities, nakatulong rin sa mga naghahanap ng trabaho ang pagpapatupad ng counselling services, may 536 na nabigyan ng referral para sa skills training, at may bilang na 670 returning overseas workers ang nabigyan din ng referral parasa mga government reintegration services tulad ng counselling, livelihood, skills training at wage employment.

Nakapag-bigay din aniya ng 22 Career Coaching Activities ang DOLE at PESO sa 3,365 bilang namag-aaral sa may 15 na paaralan sa lalawigan.

Ayon kay DOLE Kalinga Chief Dr. Avelina Manganip, malaki ang naitulong ng mga lokal na pamahaalan sa mga naturang programa sa pamamagitan ng mga lokal na PESO nila. Aniya upang mapadali ang pagtulong ng pamahalaan, kinakailangan aniyang handa rin ang mga naghahanap ng trabaho sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga kinakailangang impormasyon sa kanilang mga PESO para sa mailagay sila sa listahan ng mga naghahanap ng trabaho sa Philjobnet.

Sa mga recruitment activity, ang mga aplikante aniya ay dapat magdala ng mga kinakailangangdokumento tulad ng biodata para makapag-apply sila sa iba’t-ibang ahensya na maaring makapagbigay sa kanila ng mas maraming pagkakataon na makapili ng tamang trabaho.

Mas mainam rin aniya na may hawak silang mga photocopies ng certificates na magpapatunay sa kanilang kaalaman at kapabilidad, passport at ID pictures para mapabilis ang kanilang hiring kung sakaling kwalipikado silang magtrabaho.

Sa taong 2012, ang DOLE Kalinga sa tulong ng mga lokal na pamahalaan ay tuloy na magbibigay daan sa mga recruitment activities. Sa kanilang paghahanap trabaho, kinakailangan na maging listo upang hindi maging biktima ng mga illegal recruiters, ayon kay Manganip.

Ang mga recruitment agencies aniya ay dapat certified at accredited ng pamahalaan at nagpapatupad lamang nga recruitment lalo na para sa trabaho sa ibang bansa sa mga designated recruitment areas tulad ng mga tanggapan ng mga lokal na pamahalaan, PESO at DOLE. (JDP/GGD-PIA CAR, Kalinga)

 
Latest Stories
  • LGU issues guidelines on use of municipal filling station (CAR)
  • Kalinga nutrition congress moves to reduce malnutrition (CAR)
  • NCIP joins 4Ps planning workshop in Baguio city (CAR)
  • Kalinga holds 1st Health Forum (CAR)
  • Kaelco proposes 24-hout power service (CAR)
  • 30 micro-firm owners take management & shop floor seminar (CAR)
  • Competitive exams for fisheries scholarship program on March 17 (CAR)
  • DepEd USec inspects school projects in Ifugao (CAR)
  • Tanudan migrant workers group to hold medical mission in home town (CAR)
  • Ifugao town organizes committee on anti-trafficking, VAWC (CAR)
  • NCCA sustains SLTs in preserving Benguet's cultural heritage (CAR)
  • DPWH assures better road in time for Panagbenga (CAR)
  • Baguio city mayor reiterates call for waste segregation, commits to obey SC order on use of Irisan dumpsite (CAR)
  • “Lames Festival” brought more fun, as La Paz celebrates town fiesta (CAR)
  • CSC- Abra encourages more nominations for awards program (CAR)

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines