Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Thursday, 19 September 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
Region CAR Submenu
Latest News
News Headlines
Foto Releases
One Luzon
120129-car-logo

Best Logo. Aeronne Paul Coronel of Benguet State University, with his winning design for the 'Save Balili River, Count Me In! Logo design contest of the Balili River System Revitalization Coalition (BRSRC) during the awarding program cum Kapihan media forum at the Benguet State University, Thursday. The handing of cash prize and certificate of recognition were La Trinidad Mayor Greg Abalos and Raffy Tallocoy of the Baguio CityMayor's Office. (Photo By Lito Dar/PIA-CAR)
Cordillera Administrative Region

PIA Press Release
Wednesday, January 25, 2012

Tagalog news: Kalinga PESO inatasang kumpletuhin ang listahan ng mga OFW sa mga bayan

TABUK CITY, Kalinga,Jan. 25(PIA) -- Inatasan kamakailan ni Department of Labor and Employment(DOLE) Kalinga Chief Dr. Avelina Manganip ang mga Public Employment Service Office (PESO) Managers na kumpletuhin ang listahan ng kanilang mga overseas Filipino workers (OFW) sa kanilang lugar para sila madokumento at maisama sa listahan ng baseline data ng lalawigan.

Sa nakaraang pagtitipon ng mga PESO, sinabi ni Manganip na mahalaga ang naturang datus hindi lamang upang magkaroon ng baseline data kundi para lalong mapadali ang pagbibigay serbisyo ng pamahalaan sa mga OFW at ang kanilang mga pamilya sa lalawigan.

Ito rin ay magsisilbing directory para mahanap ang mga OFWs sakaling magkaroon ng problema sa bansang pinaghahanap-buhayan nila.

Pinamamadali ni Manganip ang pagpapatupad sa survey para ma-profile pareho ang mga ‘documented’ at ‘undocumented’ na OFWs sa mga bayan. Aniya dapat maisama rin ang mga hindi dokumentado para matulungan rin sila lalo na kung magkakaroon ng krisis sa bansangkinalalagyan.

Ang mga OFWs dokumentado man o hindi aniya ay pare-parehong sa gobyerno unang humihingi ng tulong kung nagkakaroon ng problema.

Ang naturang survey aniya ay makakatulong din bilang OFW database para sa mga Community Based Monitoring Systems (CBMS) ng mga lokal na pamahalaan.Kailangan din ang profiling upang maiwasan ang mga problema sa pagbibigay ng malingimpormasyon ng mg OFW sa kanilang mga application tulad ng paglalagay ng hindi tamang address o tirahan.

Aniya kung minsan ginagamit na address ng mga aplikante ang tinitirhan nila sa mga syudad kung saan sila nag-apply ng trabaho. Dahil dito nagkakaroon sila at nang kanilang mga kaanak ng problema na makakuha ng mga programang pang-OFW sa kanilang mga bayan.

Kailangan aniyang gamitin ng OFW ang tamang home address dahil karamihan sa mga dokumentong kailanganin upang maka-kuha ng tulong mula sa pamahaalan ay makukuha lamang sa kanilang lugar tulad ng barangay clearance.

Ayon kay Manganip, sa taong ito, ipagpapatuloy ng DOLE ang pagbibigay serbisyo na mga manggagawa sa labas ng bansa bilang isang pangunahing programa.Para mapabilis ang pagbibigay ng mga naturang tulong, kailangan aniyang ipag-ibayo ang tamang pagdu-dukumento sa mga OFW.

Mas mainam aniya ang maging isang dukumentadong OFW dahil mas marami silang pagkakataon namakakuha ng tulong mula sa pamahalaan. Ang mga serbisyong ito ay kinabibilangan ng scholarships para sa mga kapamilya ng OFW, re-integration programs para sa mga nagbabalik na OFWs tulad ng livelihood, loan assistance, counseling, skills training, at referral para sa wage employment. Ang mga displaced workers naman ay maaring maka-kuha ng comprehensive program package.

Para naman maiwasan na maging biktima ng illegal recruitment, ang mga aplikante ayon kay Manganip ay kinakailangan komunsulta sa kanilang mga lokal na PESO para masigurado kung accredited at sertipikado ang mga recruitment agency na kanilang pinag-aaplayan. (JDP/GGD-PIA CAR,Kalinga)

 
Latest Stories
  • LGU issues guidelines on use of municipal filling station (CAR)
  • Kalinga nutrition congress moves to reduce malnutrition (CAR)
  • NCIP joins 4Ps planning workshop in Baguio city (CAR)
  • Kalinga holds 1st Health Forum (CAR)
  • Kaelco proposes 24-hout power service (CAR)
  • 30 micro-firm owners take management & shop floor seminar (CAR)
  • Competitive exams for fisheries scholarship program on March 17 (CAR)
  • DepEd USec inspects school projects in Ifugao (CAR)
  • Tanudan migrant workers group to hold medical mission in home town (CAR)
  • Ifugao town organizes committee on anti-trafficking, VAWC (CAR)
  • NCCA sustains SLTs in preserving Benguet's cultural heritage (CAR)
  • DPWH assures better road in time for Panagbenga (CAR)
  • Baguio city mayor reiterates call for waste segregation, commits to obey SC order on use of Irisan dumpsite (CAR)
  • “Lames Festival” brought more fun, as La Paz celebrates town fiesta (CAR)
  • CSC- Abra encourages more nominations for awards program (CAR)

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines