Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Friday, 21 January 2022 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
Region GHQ Submenu
Latest News
News Headlines
Foto Releases
National Capital Region

PIA Press Release
Thursday, January 26, 2012

Tagalog News: Kontribusyon ng mga OFW sa SSS inextend ang deadline

QUEZON CITY, Jan. 26 (PIA) -- Binibigyan ng extension ng Social Security System (SSS) ang mga Overseas Filipino Workers (OFW) upang makapagbayad ng kanilang buwanang kontribusyon.

Batid ng SSS na marami sa ating mga kababayan na nasa ibang bansa ang masyadong abala kaya’t hindi nakakapaghulog sa tamang oras.

Ayon kay SSS OFW Management Chief Joy Villacorta, matagal na nilang ipinapatupad ang ganitong extension. Nagsimula ito noong taong 2005.

Ang mga OFW ay maaaring maghulog ng kanilang 1st, 2nd at 3rd quarter contributions hanggang Disyembre ng nasabing taon. Samantala, pwede naman nilang bayaran ang kanilang 4th quarter contribution hanggang January 31 ng susunod na taon.

Dagdag pa ni Villacorta ang nasabing extension sa deadline ay makakabawas abala sa mga OFWs dahil hindi na nila kailangang magpunta sa mga remittance centers ng regular at nakasisiguro pa ang mga ito na hindi sila mahuhuli sa paghuhulog ng kanilang kontribusyon.

Si Villacorta ay naging panauhin sa programang Talking Points. Ang programang ito ay sumahimpapawid sa People’s Televison Network (PTV4) at sa Radio ng Bayan nationwide.(AVS/PIA-GHQ)

 
Latest Stories
  • Science teaching enhanced in K to 12 curriculum (GHQ)
  • Statement from the Office of the Presidential Spokesperson (GHQ)
  • Single ticketing system scheme approved – MMDA (GHQ)
  • DepEd Media Advisory: Early Registration Day (GHQ)
  • Statement of Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte (GHQ)
  • ASEAN news: First Argentinean Ambassador Presents Credentials to ASEAN Secretary-General (GHQ)
  • Tagalog News: Pagbabaha sa Metro-Manila, gagawan ng permanenteng solusyon (GHQ)
  • Ochoa enjoins public servants to support 'Bayanihan ng Bayan' (GHQ)
  • Tagalog News: Kontribusyon ng mga OFW sa SSS inextend ang deadline (GHQ)
  • OFW contribution deadline extended –-SSS (GHQ)
  • Update SSS records for faster processing of benefits (GHQ)
  • Statement from the Office of the Presidential Spokesperson (GHQ)
  • PTV4 Streaming Broadcast Alternate Channel (GHQ)
  • PNP raises cop recruitment standard (GHQ)
  • PTV4 Streaming Broadcast (GHQ)

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines