PIA Press Release Thursday, January 05, 2012Tagalog news: Target ng Philhealth 90% ng populasyon ng PalawanPUERTO PRINCESA CITY, Palawan, Enero 5 (PIA) -- Target ng Philippine Health Insurance Corporation ang 90 porsiento ng populasyon ng lalawigan na maging miyembro nito ngayong 2012, ayon kay Palawan Branch Manager Wilfred Hernandez. Ang hakbang na ito ay bahagi ng kautusan mula sa punong-tanggapan ng Philhealth na dapat maging miyembro nito ang 90 porsyento ng populasyon ng bawat lalawigan sa buong bansa. Sa pagtataya ni Hernandez, malapit na sa target ang kanilang na ipa-miyembro sa Philhealth sa tulong na rin ng pamahalaang nasyonal at lokal. Sa ngayon patuloy ang pakikipag-ugnayan ng Philhealth-Palawan sa mga LGUs para kanilang suportahan ang pagpapa-miyembro ng kanilang mga nasasakupan upang tuloy-tuloy nilang mapakinabangan ang mga benepisyong ibinibigay ng Philhealth. Ayon kay Hernandez, tinatayang umaabot na ngayon sa 980,000 ang populasyon ng lalawigan at tinatayang aabot sa mahigit 880,000 ang dapat na ma-rehistro ng Philhealth na maging miyembro nito upang maabot ang target. (LBR/OCJ/PIA4B- Palawan) |