PIA Press Release Monday, January 30, 2012Tagalog News: Bagong pinuno ng Palawan media org, nahalalby Vicky S. MendozaPUERTO PRINCESA CITY, Palawan, Enero 30 (PIA) -- Nahalal kamakailan si Edgardo Javarez, Program Director ng RGMA-Super Radyo DYSP bilang pinakabagong ng presidente ang Alyansa ng Palaweñong Mamamahayag, Inc. (APAMAI). Pinalitan ni Javarez si Damian Lacasa, reporter ng Radyo ng Bayan, sa pagka-presidente ng asosasyon. Nahalal din ang mga bagong Board of Director ng APAMAI sina Jeffrey Quilog ng UNTV/Go Palawan bilang Bise Presidente, Katherine Santos ng Puerto Princesa Water District bilang Sekretarya at si Ludy Bello ng RGMA-Super Radyo bilang Ingat-Yaman. Ang APAMAI ay binubuo ng mga lupon ng mga lokal na mamamahayag sa lalawigan at nairehistro sa Securities and Exchange Commission (SEC) noong 2009. Ang naturang eleksyon ng APAMAI ay ang kauna-unahang naganap simula ng taon na iyon. Magsisimulang magsilbi ang mga nahalal na opisyales pagkatapos ng kanilang induction at panunumpa na nakatakda sa susunod na buwan. Sa kasalukuyan, ilan sa mga miyembro ng APAMAI ay nagmula sa mga 16 media entities na kumakatawan sa telebisyon, radyo at pahayagan sa Puerto Princesa City. (LBR/VSM/PIA-Palawan) |