PIA Press Release Monday, January 30, 2012Tagalog News: Pagpupulong ng mga benepisiyaryo ng 4Ps ng DSWD, idinaosni Dennis M. ManzoODIONGAN, Romblon, Enero 30 (PIA) -- Dinagsa ng mga tao ang isinagawang pagpupulong para sa mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na idinaos ngayong buwan ng Enero sa Odiongan covered court. Dinaluhan ito ng may 1,255 indibidwal mula sa 25 baranggay ng naturang bayan upang maberipika at mabiyayaan ng ayuda ng gobyerno sa pamamahala ng DSWD. Ang mga potensiyal na benepisyaryo ay kailangan munang dumaan sa pagva-validate, kasunod ang pagrehistro sa Land Bank of the Philippines (LBP), bago ito mabigyan ng ID at panunumpa na patunay ng kanyang pagiging miyembro ng 4P’s. Pinangasiwaan ni DSWD Officer Vilma Fos ang nasabing validation katuwang ang ilang tauhan ng lokal na pamahalaan ng Odiongan para mas mapabilis ang proseso ng naturang programa.(LBR/DM/PIA-IVB/Romblon) |