Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Saturday, 25 November 2017 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
Region MIM Submenu
Latest News
News Headlines
Foto Releases
One Luzon
PIA Star
Special Issues
120130-mim-award

PUERTO PRINCESA CITY, Palawan (PIA) -- Photos show the pool area (left), guest rooms (right) and a full view of façade (bottom) of the Daluyon Beach and Mountain Resort, which recently received the ASEAN Green Hotel Award. The award is given every two years by ASEAN Member States to hotels that meet excellent environment and energy conservation criteria. The awarding coincided with the ASEAN Tourism Forum held this year in Manado, Indonesia. (Photo by Daluyon / VSM/PIA-Palawan)
MIMAROPA Sub-Region

PIA Press Release
Tuesday, January 31, 2012

Tagalog News: Tapul Reef, ipinapadeklarang fish sanctuary

ni Orlan C. Jabagat

PUERTO PRINCESA CITY, Palawan, Enero 31 (PIA) -- Ipinapadeklarang fish sanctuary ang may 40 ektarya ng Tapul Reef na matatagpuan sa Bgy. Salvacion ng lungsod.

Ito ay sa pamamagitan ng Resolusyon No. 63-2012 na ini-akda ni Konsehal Gregorio “Rocky” Austria na siya ring Chairman ng Committee on Environment Protection and Natural Resources.

Ayon kay Austria, malaking bagay para sa mga residente ng nasabing lugar kung maidi-deklarang fish sanctuary ang 40 ektarya ng Tapul Reef dahil ito ay isa sa mga lugar na tinitirhan ng mga isda at kung sakaling masala-ula at masira pa ang nasabing lugar ay maaaring maubusan ng suplay ng isda ang mga residente dito.

Sa pamamagitan ng pagiging fish sanctuary ng Tapul Reef, ani Austria ay napapangalagaan ang pagiging sustainable nito at malaki ang maitutulong nito sa mga mangingisdang naninirahan sa nasabing barangay sa pagkakaroon ng sapat na suplay ng mahuhuling isda.

Kahapon sa isinagawang sesyon ng Sangguniang Panglungsod ay inaprubahan sa ikalawang pagbasa ang nasabing ordinansa. Ito ani Austria ay matagal nang hinihiling ng mga residente ng lugar. (LBR/OCJ/PIA4B-Palawan)

 
Latest Stories
  • Tagalog News: Tapul Reef, ipinapadeklarang fish sanctuary (MIM)
  • Tagalog News: Exchange Study Program ng Korea at Puerto Princesa, inilunsad (MIM)
  • Tagalog News: Mga grupo ng senior citizen, makakakuha ng pondo mula sa pamahalaan (MIM)
  • Tagalog News: Transparency sa Kapitolyo, ipinatutupad (MIM)
  • Tagalog News: Smoking ban sa mga pampublikong lugar sa Romblon, isinusulong (MIM)
  • Exam for Norwegian marine scholarship set (MIM)
  • BFAR facilities to ensure sustainable development of fisheries sector in Palawan (MIM)
  • PPUR officially one of the 7 New Wonders of Nature (MIM)
  • Tagalog News: Mga di nabayarang buwis, binigyan ng amnestiya (MIM)
  • Tagalog News: DepEd Romblon, ipinatupad ang Nationwide Synchronize Enrollment (MIM)
  • Tagalog News: Pagpupulong ng mga benepisiyaryo ng 4Ps ng DSWD, idinaos (MIM)
  • Tagalog News: Programang pangkabuhayan, ipinagkaloob sa mga senior citizen (MIM)
  • Tagalog News: Honor at horror lists ng mga sasakyan, iminungkahi (MIM)
  • Tagalog News: Bagong pinuno ng Palawan media org, nahalal (MIM)
  • Palawan media org elects new president (MIM)

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines