Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Monday, 23 September 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
Region NCR Submenu
Latest News
News Headlines
Foto Releases
One Luzon
120129-ncr-partners

Parañaque City Mayor Florencio Bernabe, Jr. (second from left) is awarded a water-themed painting by Artist Ivan Acuña; the MWSI Special Partnership Award; and a plaque of recognition from Maynilad officials (from left) President and CEO Victorico P. Vargas, Chairman Manuel V. Pangilinan, Chief Operations Officer Herbert M. Consunji and Chief Finance Officer Randolph T. Estrellado during the 5th Anniversary Celebrations of the Maynilad Water Services Inc. which was held recently at the SM Mall of Asia. The Special Partnership Award was given in recognition of the contribution of the Parañaque City Government and Mayor Jun Bernabe for the continued expansion of MWSI water services in the city. (Photo By: Jun Budlat)
National Capital Region

PIA Press Release
Tuesday, January 03, 2012

Tagalog News: Bagong panuntunan sa mga billboard ipatutupad na - MMDA

ni Lucia F. Broño

QUEZON CITY, Enero 3 (PIA) –- Mahigpit nang ipatutupad sa susunod na linggo ang isang bagong panuntunan para sa sa paglalagay ng mga billboard at iba pang advertising signs sa mga pangunahing kalsada upang maging kaayaaya ang skyline ng Metro Manila.

Ang panuntunan ay aprobado ng 17 mayor ng Metro Manila at nakapaloob dito ang isang uniform standard para sa mga nasabing billboard.

“Ibababa na namin ang bagong guideline sa susunod na linggo at mahigpit na ipatutupad ang nakasaad na dapat na laki at taas ng billboard,” pahayag ni MMDA chairman Francis Tolentino.

Nakapaloob sa unang set ng guideline ang mga tuntunin sa pagbibigay ng structural at locational clearances sa mga billboard operators. Sinabi ng MMDA na kanilang ipatutupad ang mga probisyon ng National Building Code sa mga pangunahing kalsada na nasa ilalim ng kaniyang hurisdiksyon.

Nakahiwalay naman ang panuntunan para sa laki at taas ng mga billboard.

Sa bagong guidelinen nakasaad dito na lahat ng mga billboard ay dapat may laking 60 x 40 feet at dapat ay 100 metro ang layo nito sa iba. Tatanggalin naman ang mga billboard na hindi susunod sa nakatakda.

Nagbigay kautusan ang MMDA na simula ngayong Enero ay kanselado na ang mga dating permit at clearances. Lahat ng may-ari ng mga billboard ay mag-aaplay ng panibago sa kanikanilang mga lokal na pamahalaan. Kanilang isusumite ang mga dating permit at clearance para sa beripikasyon at balidasyon.

Ang mga may-ari at operator naman ng mga billboard sa EDSA, C-5, Roxas Boulevard, at Macapagal Avenue ay kukuha ng clearance sa MMDA.

Layunin ng MMDA na matanggal ang mga 424 na billboard mula sa 2,000 kasalukuyang nakatayo dahil sa mga paglabag sa building code at locational clearance.

Nakahanda naman sa isang maayos na usapan si Tolentino sa mga kasapi ng Outdoor Advertising Association of the Philippines (OAAP) na nagsampa ng kaso sa Makati City Regional Trial Court (RTC) laban sa pagpapatupad ng mga billboard guidelines.

Samantala, nagsimula na ang pagpilot test ng MMDA ng mga digital traffic light sa ilang piling intersection sa Metro Manila. Layunin ng programang ito na makatipid sa operating cost at manpower.(RJB/LFB-PIA NCR)

 
Latest Stories
  • Tagalog news: Metro Manila mayors tutugunan ang hamon ng climate change (NCR)
  • “Gabi ng Parangal” culminates Microinsurance month (NCR)
  • DPWH chief bats for long term solutions vs flooding, disasters (NCR)
  • ‘Asenso P’que Job Fair 2012’ set on February 7 (NCR)
  • Marikina launches project for small entrepreneurs (NCR)
  • NAPOLCOM clarifies issue on non-release of 2011 police entrance, promotional exams (NCR)
  • Coast Guard to get P1.6 billion more for new equipment (NCR)
  • DENR, BFAR intensify drive vs. marine pollution (NCR)
  • DA says sugarcane 'outperforms' other crops in 2011 (NCR)
  • PNP extends condolences, financial assistance to families of bomb blast victims (NCR)
  • National Archives, kailangan ng bagong gusali (NCR)
  • DA, LBP extend initial P400M Loan to rice farmers (NCR)
  • Makati opens 'SMART' summer program on Feb. 13 (NCR)
  • Coast Guard to beef up sea, air assets (NCR)
  • Marikina to host third leg of Philippine Water Runs (NCR)

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines