Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Monday, 20 August 2018 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
Region NCR Submenu
Latest News
News Headlines
Foto Releases
One Luzon
120129-ncr-partners

Parañaque City Mayor Florencio Bernabe, Jr. (second from left) is awarded a water-themed painting by Artist Ivan Acuña; the MWSI Special Partnership Award; and a plaque of recognition from Maynilad officials (from left) President and CEO Victorico P. Vargas, Chairman Manuel V. Pangilinan, Chief Operations Officer Herbert M. Consunji and Chief Finance Officer Randolph T. Estrellado during the 5th Anniversary Celebrations of the Maynilad Water Services Inc. which was held recently at the SM Mall of Asia. The Special Partnership Award was given in recognition of the contribution of the Parañaque City Government and Mayor Jun Bernabe for the continued expansion of MWSI water services in the city. (Photo By: Jun Budlat)
National Capital Region

PIA Press Release
Thursday, January 05, 2012

Tagalog News: Basura pwedeng gawing materyales pang-konstruksyon

ni Jerome Carlo R. Paunan

QUEZON CITY, Jan. 5 (PIA) -- Pwede palang gawing materyales pang-konstruksyon ang basurang hindi na maaaring maresiklo, ito ang ibinunyag ng isang opisyal ng National Solid Waste Management Commission nitong Huwebes.

Sa programang "Talking Points" na ginanap sa Philippine Information Agency, sinabi ni executive director Emy Aguinaldo na ginagawa ng mga "hollow block" at "floor tile" sa ilang bahagi ng Metro Manila ang ilang patapon na nakokolekta ng mga barangay.

Ani Aguinaldo, malaking tulong ito hindi lamang upang mapanatili ang kalinisan ng kapaligiran, kundi para makapaghatid din ng kita sa mga residente ng komunidad.

Aniya, hindi magkukulang sa raw materials ang mga magnanais sumubok sa ganitong negosyo dahil sa Metro Manila pa lamang ay umaabot na sa 8,500 toneladang basura ang nakokolekta araw-araw, kung saan mga kalahati rito ang nabubulok o "biodegradable" tulad ng pagkain at dumi ng hayop; 17 porsyento ang papel; 16 porsyento ang plastik, at ang natira ay mga hindi na magagamit pang bakal, ceramic, goma, at balat.

Sa ngayon, sinabi ng opisyal na tuloy-tuloy ang pagtuturo ng kanilang ahensya ng iba't ibang teknolohiya at pamamaraan sa mga barangay upang higit na mapakinabangan at mapagkakitaan ang basura alinsunod sa Zero Waste Management program ng administrasyon ng Pangulong Benigno S. Aquino III.

Sa kanilang datos, umabot rin sa 8,000 barangay sa buong bansa ang nakasunod na sa RA 9003 o Ecological Solid Waste Management Act of 2000 at nakapaglagay ng kanilang sariling Materials Recovery Facility (MRF). (RJB/JCP-PIA NCR)

 
Latest Stories
  • Tagalog news: Metro Manila mayors tutugunan ang hamon ng climate change (NCR)
  • “Gabi ng Parangal” culminates Microinsurance month (NCR)
  • DPWH chief bats for long term solutions vs flooding, disasters (NCR)
  • ‘Asenso P’que Job Fair 2012’ set on February 7 (NCR)
  • Marikina launches project for small entrepreneurs (NCR)
  • NAPOLCOM clarifies issue on non-release of 2011 police entrance, promotional exams (NCR)
  • Coast Guard to get P1.6 billion more for new equipment (NCR)
  • DENR, BFAR intensify drive vs. marine pollution (NCR)
  • DA says sugarcane 'outperforms' other crops in 2011 (NCR)
  • PNP extends condolences, financial assistance to families of bomb blast victims (NCR)
  • National Archives, kailangan ng bagong gusali (NCR)
  • DA, LBP extend initial P400M Loan to rice farmers (NCR)
  • Makati opens 'SMART' summer program on Feb. 13 (NCR)
  • Coast Guard to beef up sea, air assets (NCR)
  • Marikina to host third leg of Philippine Water Runs (NCR)

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines