Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Thursday, 19 September 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
Region NCR Submenu
Latest News
News Headlines
Foto Releases
One Luzon
120129-ncr-partners

Parañaque City Mayor Florencio Bernabe, Jr. (second from left) is awarded a water-themed painting by Artist Ivan Acuña; the MWSI Special Partnership Award; and a plaque of recognition from Maynilad officials (from left) President and CEO Victorico P. Vargas, Chairman Manuel V. Pangilinan, Chief Operations Officer Herbert M. Consunji and Chief Finance Officer Randolph T. Estrellado during the 5th Anniversary Celebrations of the Maynilad Water Services Inc. which was held recently at the SM Mall of Asia. The Special Partnership Award was given in recognition of the contribution of the Parañaque City Government and Mayor Jun Bernabe for the continued expansion of MWSI water services in the city. (Photo By: Jun Budlat)
National Capital Region

PIA Press Release
Thursday, January 05, 2012

Tagalog News: Traffic rerouting ikinasa sa Pista ng Black Nazarene

ni Jerome Carlo R. Paunan

MANILA, Jan. 5 (PIA) -- Pinapayuhan ang mga motorista na magiging mabigat ang daloy ng trapiko sa Maynila sa Lunes, Enero 9, dahil sa inaasahang pagdagsa ng libu-libong deboto para sa Pista ng Black Nazarene.

Pinaniniwalaan kasing mapag-himala ang maitim na imahe ni Hesu Kristo na matatagpuan sa simbahan ng Quiapo.

Sa taya ng mga lokal na opisyal, aabot sa walong milyon ang sasali sa taunang prosesyon, na magsisimula sa Quirino Grandstand at magtatapos sa Quiapo Church.

Sinabi naman ng mga organizer na ibabalik nila ang tradisyunal na ruta ng Nazareno, matapos higit na mas maraming tao ang nagtamo ng sugat nang ibahin ng mga ito ang ruta nakaraang taon.

Aabot naman sa 1,600 na pulis at mga volunteer ang mangangalaga sa kaligtasan ng lugar.

Kaugnay nito, isang traffic rerouting scheme ang ikinasa ng lokal na pamahalaan.

Pinapayuhan ang mga motorista na umiwas muna sa mga lugar na ito sa araw mismo ng prosesyon:

1. Kahabaan ng Roxas Blvd./ Bonifacio Drive mula sa Anda Circle hanggang TM Kalaw north at southbound lane

2. Southbound ng Quezon Blvd. mula Recto hanggang Palanca (Subway-Isetan Recto)

3. Kahabaan ng Lerma mula P. Campa patungong Quezon Blvd.

4. Taft Ave./Finance (westbound lane)

5. Lagusnilad/P. Burgos (westbound lane)

6. P. Burgos/Taft Ave (Freedom Triangle-northbound lane)

7. Villegas/N.A. Lopez

8. 25th Street/Bonifacio Drive (southbound)

Bukod pa rito, mula alas-5:00 a.m.ng Enero 9 ay isasara sa daloy ng trapiko ang southbound lane ng Quezon Blvd. (Quiapo), mula Andalucia/Fugoso hanggang Plaza Miranda at maging ang España/P. Campa/Lerma. (RJB/JCP-PIA NCR)

 
Latest Stories
  • Tagalog news: Metro Manila mayors tutugunan ang hamon ng climate change (NCR)
  • “Gabi ng Parangal” culminates Microinsurance month (NCR)
  • DPWH chief bats for long term solutions vs flooding, disasters (NCR)
  • ‘Asenso P’que Job Fair 2012’ set on February 7 (NCR)
  • Marikina launches project for small entrepreneurs (NCR)
  • NAPOLCOM clarifies issue on non-release of 2011 police entrance, promotional exams (NCR)
  • Coast Guard to get P1.6 billion more for new equipment (NCR)
  • DENR, BFAR intensify drive vs. marine pollution (NCR)
  • DA says sugarcane 'outperforms' other crops in 2011 (NCR)
  • PNP extends condolences, financial assistance to families of bomb blast victims (NCR)
  • National Archives, kailangan ng bagong gusali (NCR)
  • DA, LBP extend initial P400M Loan to rice farmers (NCR)
  • Makati opens 'SMART' summer program on Feb. 13 (NCR)
  • Coast Guard to beef up sea, air assets (NCR)
  • Marikina to host third leg of Philippine Water Runs (NCR)

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines