Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Tuesday, 17 September 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
Region NCR Submenu
Latest News
News Headlines
Foto Releases
One Luzon
120129-ncr-partners

Parañaque City Mayor Florencio Bernabe, Jr. (second from left) is awarded a water-themed painting by Artist Ivan Acuña; the MWSI Special Partnership Award; and a plaque of recognition from Maynilad officials (from left) President and CEO Victorico P. Vargas, Chairman Manuel V. Pangilinan, Chief Operations Officer Herbert M. Consunji and Chief Finance Officer Randolph T. Estrellado during the 5th Anniversary Celebrations of the Maynilad Water Services Inc. which was held recently at the SM Mall of Asia. The Special Partnership Award was given in recognition of the contribution of the Parañaque City Government and Mayor Jun Bernabe for the continued expansion of MWSI water services in the city. (Photo By: Jun Budlat)
National Capital Region

PIA Press Release
Friday, January 06, 2012

Tagalog News: Shabu laboratory sa Alabang nadiskubre ng PDEA, 5 Intsik arestado

ni Lucia F. Broño

QUEZON CITY, Enero 6 (PIA) -- Nadiskubre ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang sekretong shabu laboratoryo sa isang ekslusibong subdibisyon sa Ayala, Alabang kaninang madaling araw.

Mga limang operator na Intsik ng nasabing laboratory ang maagap na nahuli ng mga elemento ng PDEA na nagtangka sanang tumakas.

Kinilala ni PDEA director general Undersecretary Jose S. Gutierrez Jr. ang mga ito na sina: Ken Ming Chao, alias Lam Tse Kin, 49; Lam Ka Chun, 51; Choi Yiu Kit, 33; Choi Yiu Chun, 33; at Kwok Chi Keung, 42.

Sinabi ni Gutierrez na halos isang taong minamatyagan ng mga tauhan ng PDEA ang nasabing grupo hanggang sa lumipat sila sa isang ektaryang propiedad sa Acacia Avenue sa Alabang ng Hulyo noong nakaraang taon.

Sa bisa ng isang search warrant, sinalakay ng mga elemento ng PDEA National Capital Region sa pamumuno ni Pedrito Magsino ang bahay sa 504 Acacia Avenu, Ayala, Alabang sa lungsod ng Muntinlupa kaninang alas 4:30 a.m. Kanilang natagpuan ang mga drum na naglalaman ng mga essential na kemikal, high-end laboratory na mga kagamitan, at mga shabu.

“Batay sa mga kagamitang aming natagpuan, nakakagawa ang pasilidad ng 10 kilong shabu sa bawat production cycle sa loob ng dalawa hanggang tatlong araw,” pahayag ni Gutierrez.

Sinabi rin niyang patuloy pa rin ang kanilang imbentaryo sa mga kagamitan at mga kemikal na kanilang natagpuan upang matiyak ang dami at halaga ng mga nakuha nilang ebidensiya. Aalamin din nila kung paano nakuha ng mga suspek ang mga kemikal dahil kailangan pa ng mga ito ng permiso ng PDEA.

Sa ngayon, kanila ng kinukumpleto ang mga kinakailangang dokumento upang maisampa na ang kaso laban sa mga naarestong Intsik sa kanilang pagsuway sa Republic Act 9165, o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, Section 8 (Manufacturing), Section 11 (Possession), at Section 12 (Possession of Equipment for the Manufacture of Dangerous Drugs). (PIA-NCR/RJB/LFB)

 
Latest Stories
  • Tagalog news: Metro Manila mayors tutugunan ang hamon ng climate change (NCR)
  • “Gabi ng Parangal” culminates Microinsurance month (NCR)
  • DPWH chief bats for long term solutions vs flooding, disasters (NCR)
  • ‘Asenso P’que Job Fair 2012’ set on February 7 (NCR)
  • Marikina launches project for small entrepreneurs (NCR)
  • NAPOLCOM clarifies issue on non-release of 2011 police entrance, promotional exams (NCR)
  • Coast Guard to get P1.6 billion more for new equipment (NCR)
  • DENR, BFAR intensify drive vs. marine pollution (NCR)
  • DA says sugarcane 'outperforms' other crops in 2011 (NCR)
  • PNP extends condolences, financial assistance to families of bomb blast victims (NCR)
  • National Archives, kailangan ng bagong gusali (NCR)
  • DA, LBP extend initial P400M Loan to rice farmers (NCR)
  • Makati opens 'SMART' summer program on Feb. 13 (NCR)
  • Coast Guard to beef up sea, air assets (NCR)
  • Marikina to host third leg of Philippine Water Runs (NCR)

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines