Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Thursday, 19 September 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
Region NCR Submenu
Latest News
News Headlines
Foto Releases
One Luzon
120129-ncr-partners

Parañaque City Mayor Florencio Bernabe, Jr. (second from left) is awarded a water-themed painting by Artist Ivan Acuña; the MWSI Special Partnership Award; and a plaque of recognition from Maynilad officials (from left) President and CEO Victorico P. Vargas, Chairman Manuel V. Pangilinan, Chief Operations Officer Herbert M. Consunji and Chief Finance Officer Randolph T. Estrellado during the 5th Anniversary Celebrations of the Maynilad Water Services Inc. which was held recently at the SM Mall of Asia. The Special Partnership Award was given in recognition of the contribution of the Parañaque City Government and Mayor Jun Bernabe for the continued expansion of MWSI water services in the city. (Photo By: Jun Budlat)
National Capital Region

PIA Press Release
Monday, January 09, 2012

Tagalog news:PNP: Mga buntis, bata huwag na sumama sa prusisyon ni Hesus Nazareno

ni Domingo B. Natividad V

LUNGSOD NG QUEZON, Enero 9 -- Hinikayat ni Philippine National Police (PNP) Director-General Nicanor Bartolome ang mga buntis at bata na huwag sumama sa prusisyon ng Itim ng Nazareno para maka-iwas na maipit sa alon ng mga tao na gustong makalapit sa poon.

Sa isang panayam, nanawagan si Bartolome na “huwag na sana sumama ang mga bata, mga mahihina ang pangangatawan, mga buntis lalong-lalo na.”

Sa ginawang misa kasi sa Quirino grandstand kaninang madaling araw, may mga namataan ang kapulisan na mga bata at buntis na maaring madisgrasya sa gitgitan ng mga tao sa prusisyon.

Ipagbabawal rin ng kapulisan ang mga naka-inom at mga lasing sa pagsali sa prusisyon. Paliwanag ni Bartolome, ang mga sasali ay hindi dapat naka-inom “dahil nagkakaroon ng pagkaka-iba sa disposisyon ng tao (ang pag-inom ng alak).”

Liban dito, pina-alalahan ni Bartolome ang mga deboto sa mga ipinagbabawal. Aniya, “dapat huwag na sila magdala ng mga bawal gaya ng mga deadly weapon.”

Aarestuhin naman ng PNP at sasampahan ng kaso ang sinumang magdadala ng paputok. “Iyong mga paputok o fireworks, bawal din po,” sabi niya.

Naki-usap din ang PNP chief na huwag nang magdala ng cellphones ang mga deboto dahil liban sa takaw-mata ito sa mga masasamang loob, maari din itong makasanhi ng injury sa ibang tao dahil sa matigas na bagay ito.

Inaasahang aabot sa pito hanggang walong milyon ang mga debotong sasali sa prusisyon ng poong Nazareno mula sa Quirino grandstand hanggang sa makarating ito sa simbahan ng Quiapo, Maynila. (RJB/ DBNV/ PIA-NCR)

 
Latest Stories
  • Tagalog news: Metro Manila mayors tutugunan ang hamon ng climate change (NCR)
  • “Gabi ng Parangal” culminates Microinsurance month (NCR)
  • DPWH chief bats for long term solutions vs flooding, disasters (NCR)
  • ‘Asenso P’que Job Fair 2012’ set on February 7 (NCR)
  • Marikina launches project for small entrepreneurs (NCR)
  • NAPOLCOM clarifies issue on non-release of 2011 police entrance, promotional exams (NCR)
  • Coast Guard to get P1.6 billion more for new equipment (NCR)
  • DENR, BFAR intensify drive vs. marine pollution (NCR)
  • DA says sugarcane 'outperforms' other crops in 2011 (NCR)
  • PNP extends condolences, financial assistance to families of bomb blast victims (NCR)
  • National Archives, kailangan ng bagong gusali (NCR)
  • DA, LBP extend initial P400M Loan to rice farmers (NCR)
  • Makati opens 'SMART' summer program on Feb. 13 (NCR)
  • Coast Guard to beef up sea, air assets (NCR)
  • Marikina to host third leg of Philippine Water Runs (NCR)

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines