Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Friday, 22 June 2018 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
Region NCR Submenu
Latest News
News Headlines
Foto Releases
One Luzon
120129-ncr-partners

Parañaque City Mayor Florencio Bernabe, Jr. (second from left) is awarded a water-themed painting by Artist Ivan Acuña; the MWSI Special Partnership Award; and a plaque of recognition from Maynilad officials (from left) President and CEO Victorico P. Vargas, Chairman Manuel V. Pangilinan, Chief Operations Officer Herbert M. Consunji and Chief Finance Officer Randolph T. Estrellado during the 5th Anniversary Celebrations of the Maynilad Water Services Inc. which was held recently at the SM Mall of Asia. The Special Partnership Award was given in recognition of the contribution of the Parañaque City Government and Mayor Jun Bernabe for the continued expansion of MWSI water services in the city. (Photo By: Jun Budlat)
National Capital Region

PIA Press Release
Tuesday, January 10, 2012

Tagalog news: NEA binigyan ng karagdagang P1.108 billion pondo

ni Lucia F. Brono

QUEZON CITY,Enero 10 (PIA) -- Nagbigay ang Department of Budget and Management (DBM) ng karagdagang pondo sa National Electrification Administration (NEA) na nagkakahalaga ng P1.108 bilyon para sa dalawang pangunahing proyekto nito, ang ang Barangay Line Enhancement Project (BLEP) at ang Sitio Electrification Project (SEP).

Sinabi ng DBM na ang ibinigay na halaga ay batay sa ibinabang kautusan ng Pangulong Benigno Aquino III na pagandahin ang mga koneksyong elektrikal at maparami ang mga bahay na makakabitan ng kuryente sa mga kanayunan.

Sa kabuuang halaga, mapupunta ang P518.92 million sa BLEP para sa pagsasaayos ng serbisyong elektrikal ng sa mga 202 barangays, samantalang ang halagang P589.32 million ay mapupunta naman sa SEP upang makabitan na ng kuryente ang 833 sitios sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Limang taon (2011-2015) ang itinakda ng NEA para sa implementasyon ng dalawang proyekto na may layuning mapabuti ang koneksyon ng elektripikasyon ng 2,341 na mga barangay at mailawan ang abot sa 32,441 sitio sa buong bansa.

“Malaki ang maitutulong ng ibinaba na halagang P1.108-billion sa NEA. Gagamitin ito upang makabitan nila ng kuryente ang mga sitio at barangay na hindi pa nakatitikim ng mga kaginhawaang dulot nito. Makatutulong din ito sa pag-sasaayos ng paghahatid ng mga pangunahing serbisyo sa malalayong lugar at upang maiwasan o mabawasan na ang mga power disruptions at iba pang problema sa koneksyon,” pahayag ni Abad.

Nauna nang nabigyan ang NEA ng halagang P814 million noong huling quarter ng 2011 mula sa pondo ng Malampaya ng Department of Energy (DOE). Ang nasabing halaga ay ginugol upang makabitan ng kuryente ang abot sa 1,520 mga sitio, higit pa sa kanilang itinakdang bilang na 1,410.

“Ang paglagpas sa itinakdang bilang ng sitiong nalagyan ng kuryente ay nagpapatunay lamang na ang administrasyong Aquino kasama ang DOE at NEA ay muling pinagtibay ang kanilang layuning makabitan ng kuryente mula sa national grid ang mga wala at mapabuti ang mga koneksyon ng mga lugar na madalas magkabrown out,” dagdag ni Abad.

Sabi pa niya, “Atin pong nabibigyan ng ibayong lakas ang mga Filipino lalo na sa mga kanayunan kapag sila ay may magandang akses sa kuryente kaya’t nagiging kapakipakinabang na kasapi ng mga komunidad at ng sosyodad.”

Kaniya ring binigyang diin ang magandang resultang ibinigay nito sa mga residente ng sitio sa pamamagitan ng paglikha ng mga trabaho. Ilang residente na ang nabigyang trabaho nito bilang electrisyan at laborer. Tumaas na rin ang hiling para sa mga electrical supplies, kagamitan at serbisyong lohistiko at umakyat na ang industriya ng konstruksiyon.

Maganda rin ang pagtugon ng mga lokal na residente lalo pa nga at makakapakinig na sila ng radyo at makakapanood na sila ng telebisyon. Idinagdag pa ni Abad na ang elektripikasyon sa mga kanayunan ay tumutulong upang lalong maisaayos ng mga residente ang kanilang kabuhayan.

“Marami sa atin sa mga syudad ang binabalewala ang kuryente, pero sa mga residente ng mga lugar na walang kuryente, ito ay isang malaking hakbang sa kanilang pagpapabuti ng buhay at pagpapalakas ng kanilang pagtuntong sa ekonomiya. Maayos nang makakapag-aral sa gabi ang mga bata at ang mga magulang naman ay makakapagtrabaho kahit sa gabi,” pangwakas ni Abad. (RJB/LFB/PIA-NCR)

 
Latest Stories
  • Tagalog news: Metro Manila mayors tutugunan ang hamon ng climate change (NCR)
  • “Gabi ng Parangal” culminates Microinsurance month (NCR)
  • DPWH chief bats for long term solutions vs flooding, disasters (NCR)
  • ‘Asenso P’que Job Fair 2012’ set on February 7 (NCR)
  • Marikina launches project for small entrepreneurs (NCR)
  • NAPOLCOM clarifies issue on non-release of 2011 police entrance, promotional exams (NCR)
  • Coast Guard to get P1.6 billion more for new equipment (NCR)
  • DENR, BFAR intensify drive vs. marine pollution (NCR)
  • DA says sugarcane 'outperforms' other crops in 2011 (NCR)
  • PNP extends condolences, financial assistance to families of bomb blast victims (NCR)
  • National Archives, kailangan ng bagong gusali (NCR)
  • DA, LBP extend initial P400M Loan to rice farmers (NCR)
  • Makati opens 'SMART' summer program on Feb. 13 (NCR)
  • Coast Guard to beef up sea, air assets (NCR)
  • Marikina to host third leg of Philippine Water Runs (NCR)

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines