Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Wednesday, 21 November 2018 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
Region NCR Submenu
Latest News
News Headlines
Foto Releases
One Luzon
120129-ncr-partners

Parañaque City Mayor Florencio Bernabe, Jr. (second from left) is awarded a water-themed painting by Artist Ivan Acuña; the MWSI Special Partnership Award; and a plaque of recognition from Maynilad officials (from left) President and CEO Victorico P. Vargas, Chairman Manuel V. Pangilinan, Chief Operations Officer Herbert M. Consunji and Chief Finance Officer Randolph T. Estrellado during the 5th Anniversary Celebrations of the Maynilad Water Services Inc. which was held recently at the SM Mall of Asia. The Special Partnership Award was given in recognition of the contribution of the Parañaque City Government and Mayor Jun Bernabe for the continued expansion of MWSI water services in the city. (Photo By: Jun Budlat)
National Capital Region

PIA Press Release
Tuesday, January 10, 2012

Tagalog news: Shooting ng “Bourne Legacy” bukas kasado na

ni Lucy F. Bronio

QUEZON CITY, Enero 10 (PIA) -- Ipinahayag ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Francis Tolentino na kasado na ang isang buwang shooting ng sikat na pelikulang Bourne Legacy sa iba’t ibang parte ng Metro Manila na sisimulan bukas.

“Bukas na. . . handa na ang production team magshoot bukas,” pahayag ni Tolentino sa isang panayam.

Sinabi rin ni Tolentino na ang unang location shooting ay gagawin sa San Andres at Remedios Circle sa Malate, Manila pero hindi niya tiyak kung ilang oras at ilang araw.

Kasama sa lugar na pagshoshootingan ang Navotas fishport, EDSA-Taft Rotonda, Ramon Magsaysay Blvd, Rizal Avenue at Marikina City public market.

“Tuwing may shooting, magpapalabas po kami ng traffic advisory, 2 araw bago ang shoot,” aniya pa.

Una rito, nagpahayag ang MMDA na kanilang lilinisin ang ang kapaligiran ng EDSA- Rotonda.

Kanilang aalisin ang lahat ng iligal na pinagkakakitaan dito upang maging maayos at kaayaaya ang lugar para sa mga “car chase” na eksenang kukuhanan ng “Bourne production” at nang hindi maging kahiyahiya sa ibang bansa.

Samantala, sinabi ni Jun Juban, ang Philippine pointman ng produksyon na mga 40 hanggang 45 na araw ang shooting sa bansa ng “Bourne Legacy.”

Sinabi rin niyang aabutin ng 20 hanggang 25 minuto sa pelikula ang mga eksenang kukuhanan sa Metro Manila at isasalarawan naman ang kagandahan ng Palawan.

Ang kalidad ng mga pelikulang gawa sa Pilipinas at ang Filipino hospitality ay ang mga mabigat na dahilan kung bakit pinili ng production team na magshooting sa Pilipinas.

Una rito, marami na ang may intensiyong mag-extra sa nasabing pelikula dahil sa mga inilabas sa internet na nangangailangan ang production team ng maraming extra. Subalit hanggang ngayon ay wala namang malinaw kung talagang mangangailangan ang nasabing produksyon.

Natuwa naman ang marami sa balitang lilinisin ang mga lugar sa kamaynilaan na kabilang sa shooting location.

Ang "Bourne Legacy” ay pang apat sa serye at dating kinatatampukan ni Mat Damon. Tampok naman sa seryeng ito si Jeremy Renner at Rachel Weisz na pareho nang nasa ating bansa. (LFB/RJB/PIA-NCR)

 
Latest Stories
  • Tagalog news: Metro Manila mayors tutugunan ang hamon ng climate change (NCR)
  • “Gabi ng Parangal” culminates Microinsurance month (NCR)
  • DPWH chief bats for long term solutions vs flooding, disasters (NCR)
  • ‘Asenso P’que Job Fair 2012’ set on February 7 (NCR)
  • Marikina launches project for small entrepreneurs (NCR)
  • NAPOLCOM clarifies issue on non-release of 2011 police entrance, promotional exams (NCR)
  • Coast Guard to get P1.6 billion more for new equipment (NCR)
  • DENR, BFAR intensify drive vs. marine pollution (NCR)
  • DA says sugarcane 'outperforms' other crops in 2011 (NCR)
  • PNP extends condolences, financial assistance to families of bomb blast victims (NCR)
  • National Archives, kailangan ng bagong gusali (NCR)
  • DA, LBP extend initial P400M Loan to rice farmers (NCR)
  • Makati opens 'SMART' summer program on Feb. 13 (NCR)
  • Coast Guard to beef up sea, air assets (NCR)
  • Marikina to host third leg of Philippine Water Runs (NCR)

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines