Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Friday, 20 September 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
Region NCR Submenu
Latest News
News Headlines
Foto Releases
One Luzon
120129-ncr-partners

Parañaque City Mayor Florencio Bernabe, Jr. (second from left) is awarded a water-themed painting by Artist Ivan Acuña; the MWSI Special Partnership Award; and a plaque of recognition from Maynilad officials (from left) President and CEO Victorico P. Vargas, Chairman Manuel V. Pangilinan, Chief Operations Officer Herbert M. Consunji and Chief Finance Officer Randolph T. Estrellado during the 5th Anniversary Celebrations of the Maynilad Water Services Inc. which was held recently at the SM Mall of Asia. The Special Partnership Award was given in recognition of the contribution of the Parañaque City Government and Mayor Jun Bernabe for the continued expansion of MWSI water services in the city. (Photo By: Jun Budlat)
National Capital Region

PIA Press Release
Wednesday, January 11, 2012

Tagalog News: PNoy, kumpiyansa sa bagong pinuno ng Air Force

ni Jell E. Guzman

QUEZON CITY, Enero 11 (PIA) –- Nagpahayag ng kumpiyansa si Pangulong Benigno S. Aquino III sa bagong talagang pinuno ng Philippine Air Force na si Major General Lauro Catalino Dela Cruz.

Sa ginanap na change of command ceremony Martes ng umaga, Enero 10 sa Villamor Air Base, lungsod ng Pasay, sinabi ng Pangulo na tiwala siya na mas marami pang tagumpay ang makakamit ng Air Force sa pamumuno ni Dela Cruz.

“Tiwala akong sa bagong pinuno ng Philippine Air Force na lalo pang titibay ang dedikasyon ng inyong hanay sa pagsisilbi nang tapat sa sambayanan at patuloy na isasapuso ng mga sundalong Pilipino ang makatwirang paninindigan,” wika ni Pangulong Aquino.

Tiniyak din ng Pangulo na makakaasa ang Hukbong Himpapawid sa tuloy-tuloy na modernisasyon sa kanilang hanay upang mas mapabuti pa ang kanilang pagbibigay serbisyo-publiko.

Pinasalamatan din ni Pangulong Aquino ang dating pinuno ng Air Force na si Lt. Gen. Oscar Rabena sa mga repormang ipinatupad nito noong panahon ng kanyang panunungkulan.

“Nagpapasalamat tayo sa repormang pinangunahan ni Heneral Rabena upang bigyang liwanag at paigtingin ang tuwid na pamamahala sa Air Force,” wika ng Pangulo.

Binanggit ng Pangulo ang pagsasaayos ni Rabena ukol sa pabahay para sa mga miyembro ng Air Force maging ang pagpapa-unlad ng mga pasilidad ng bawat base militar sa bansa.

Pinuri din ng Pangulo ang ginawang pag-aangat ng kalidad ng edukasyong pang militar upang maging mas epektibo ang bawat opisyal at miyembro ng Hukbong Himpapawid sa pagtupad ng kanilang mga tungkulin.

“Sa pamamagitan naman ng pinasinayaang Philippine Air Force Core Values Program sa liderato ni Heneral Rabena, pinabuti natin ang sistema upang ganap na matugunan ang pangangailangan ng Air Force at maitaguyod ang integridad, kahusayan, at propesyunalismo sa inyo pong hanay,” dagdag pa ni Pangulong Aquino.

Samantala, pinasalamatan naman ng bagong talagang pinuno ng Air Force ang Pangulo sa tiwalang ipinagkaloob sa kanya.

Ayon kay Dela Cruz, kumpiyansa ang buong hanay ng Air Force na tuloy-tuloy ito sa pagiging matatag, tama, at matuwid.

Pinangako naman ni Dela Cruz na patuloy niyang itataas ang antas ng kaalaman at kahusayan ng bawat miyembro ng Hukbong Himpapawid upang higit pang panglingkuran ang taumbayan lalo na sa panahon ng panangailangan.

“Kahit saan, kahit kalian ay hahanapin namin kayo,” wika ni Dela Cruz.

Gayundin, taimtim na nangako si Heneral Dela Cruz na patuloy ang Hukbong Himpapawid sa pagiging bagwis pangkapayapaan. (AFP/RJB/JEG-PIA NCR)

#

 
Latest Stories
  • Tagalog news: Metro Manila mayors tutugunan ang hamon ng climate change (NCR)
  • “Gabi ng Parangal” culminates Microinsurance month (NCR)
  • DPWH chief bats for long term solutions vs flooding, disasters (NCR)
  • ‘Asenso P’que Job Fair 2012’ set on February 7 (NCR)
  • Marikina launches project for small entrepreneurs (NCR)
  • NAPOLCOM clarifies issue on non-release of 2011 police entrance, promotional exams (NCR)
  • Coast Guard to get P1.6 billion more for new equipment (NCR)
  • DENR, BFAR intensify drive vs. marine pollution (NCR)
  • DA says sugarcane 'outperforms' other crops in 2011 (NCR)
  • PNP extends condolences, financial assistance to families of bomb blast victims (NCR)
  • National Archives, kailangan ng bagong gusali (NCR)
  • DA, LBP extend initial P400M Loan to rice farmers (NCR)
  • Makati opens 'SMART' summer program on Feb. 13 (NCR)
  • Coast Guard to beef up sea, air assets (NCR)
  • Marikina to host third leg of Philippine Water Runs (NCR)

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines