Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Saturday, 21 September 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
Region NCR Submenu
Latest News
News Headlines
Foto Releases
One Luzon
120129-ncr-partners

Parañaque City Mayor Florencio Bernabe, Jr. (second from left) is awarded a water-themed painting by Artist Ivan Acuña; the MWSI Special Partnership Award; and a plaque of recognition from Maynilad officials (from left) President and CEO Victorico P. Vargas, Chairman Manuel V. Pangilinan, Chief Operations Officer Herbert M. Consunji and Chief Finance Officer Randolph T. Estrellado during the 5th Anniversary Celebrations of the Maynilad Water Services Inc. which was held recently at the SM Mall of Asia. The Special Partnership Award was given in recognition of the contribution of the Parañaque City Government and Mayor Jun Bernabe for the continued expansion of MWSI water services in the city. (Photo By: Jun Budlat)
National Capital Region

PIA Press Release
Friday, January 13, 2012

Tagalog News: Maagang registration day sa Enero 28 – layuning lahat makapag-aral

by Lucia F.Brono

QUEZON CITY, Enero 11 (PIA) - - Ipinahayag ng Department of Education (DepEd) ang isang maagang “Registration Day” sa Enero 28, 2012 sa lahat ng pampublikong paaralan sa elementarya at high school sa buong bansa para sa School Year (S.Y.) 2012-2013.

Kasama sa mga magpaparehistro ang mga papasok ng pre-school, grade one, at first year high school. Isinama rin na magpaparehistro sa taong ito ang mga batang may kapansanan at out-of-school na mga bata at mga kabataan.

Pagdidiin ni Secretary of Education Bro. Armin A. Luistro FSC, “Isinantabi namin ang araw na ito para sa maagang registration ng mga out-of-school children, out-of-school–youth, mga bata at kabataang may mga kapansanan.”

Determinado ang pamahalaan na lahat ng mga mag-aaral ay makapag-aral kaugnay ng pagsisikap nitong matugunan ang pangalawa sa 8 layunin (universal primary education) na nakasaad sa United Nations Millenium Development Goal (MDG) 2000-2015 kung saan ang Pilipinas ay isa sa 189 bansang nakapirma.

Pahayag ni Secretary Luistro, “Matibay ang hangarin ng Pilipinas na matugunan ang mithiin ng universal basic education at Education for All. Layunin ng maagang rehistrasyon na makuha ang lahat ng limang taong bata na mag enrol sa kindergarten at ang mga anim na taon na magpatala naman sa grade one upang maihanda na ang lahat ng pangangailangan tungo sa maayos na pag-aaral.”

Isinasabay na rin sa rehistrasyon ang mga out-of school children, out-of-school youth, at mga indigenous na kabataan upang mabigyan sila ng tugma o tamang education intervention.

“Mandato ng estado na lahat ng Filipino, may kapansanan man o wala ay kailangang makapag-aral at ito ang isa sa layunin ng maagang rehistrasyon,” paliwanag ni Secreetary Luistro.

Kaugnay nito, kaniyang inatasan ang lahat ng tanggapan ng DepEd na ihanda na ang Three-Year Catch Up Plan ng Basic Education mula S.Y. 2012-2013 to S.Y. 2014-2015 upang matugunan ang lumalaking bilang ng mga mag-aaral.

“Aming hihingin ang tulong at cooperasyon ng mga opisyales ng mga lokal na pamahalaan, civil society organizations, parents teachers associations at business sector upang makamit namin ang aming layuning makapag-aral ang lahat ng mga kabataan at matugunan ang kanilang mga pangangailangan bago magbukas ang klase sa Hunyo,” ani Secretary Luistro.

Una rito, malaking tulong ang nakukuha ng DepEd sa komunidad sa pamamagitan ng “Brigada Eskuwela” na libreng naglilinis at nagsasaayos ng kapaligiran at gusali ng mga pampublikong paaralan bago magpasukan. Ang hinihinging panibagong tulong ay malaki ang magagawa para sa mga kabataang wala sa loob ng paaralan dahil sa mga kadahilanang hindi nila kontrolado at matagal na ring panahong hindi matugunan ng pamahalaan. (LFB/RJB-PIA NCR)

 
Latest Stories
  • Tagalog news: Metro Manila mayors tutugunan ang hamon ng climate change (NCR)
  • “Gabi ng Parangal” culminates Microinsurance month (NCR)
  • DPWH chief bats for long term solutions vs flooding, disasters (NCR)
  • ‘Asenso P’que Job Fair 2012’ set on February 7 (NCR)
  • Marikina launches project for small entrepreneurs (NCR)
  • NAPOLCOM clarifies issue on non-release of 2011 police entrance, promotional exams (NCR)
  • Coast Guard to get P1.6 billion more for new equipment (NCR)
  • DENR, BFAR intensify drive vs. marine pollution (NCR)
  • DA says sugarcane 'outperforms' other crops in 2011 (NCR)
  • PNP extends condolences, financial assistance to families of bomb blast victims (NCR)
  • National Archives, kailangan ng bagong gusali (NCR)
  • DA, LBP extend initial P400M Loan to rice farmers (NCR)
  • Makati opens 'SMART' summer program on Feb. 13 (NCR)
  • Coast Guard to beef up sea, air assets (NCR)
  • Marikina to host third leg of Philippine Water Runs (NCR)

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines