Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Monday, 23 September 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
Region NCR Submenu
Latest News
News Headlines
Foto Releases
One Luzon
120129-ncr-partners

Parañaque City Mayor Florencio Bernabe, Jr. (second from left) is awarded a water-themed painting by Artist Ivan Acuña; the MWSI Special Partnership Award; and a plaque of recognition from Maynilad officials (from left) President and CEO Victorico P. Vargas, Chairman Manuel V. Pangilinan, Chief Operations Officer Herbert M. Consunji and Chief Finance Officer Randolph T. Estrellado during the 5th Anniversary Celebrations of the Maynilad Water Services Inc. which was held recently at the SM Mall of Asia. The Special Partnership Award was given in recognition of the contribution of the Parañaque City Government and Mayor Jun Bernabe for the continued expansion of MWSI water services in the city. (Photo By: Jun Budlat)
National Capital Region

PIA Press Release
Monday, January 16, 2012

Tagalog news:DILG pinalakas ang lokal na konseho para sa proteksyon ng mga bata

ni Lucia F. Bronio

QUEZON CITY, Enero 16 (PIA) - - Pumirma nooong nakaraang linggo si Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Jesse Robredo at ang World Vision Development Foundation ng isang Memorandum of Agreement (MOA) na naglalayong palakasin ang mga Local Council for the Protection of Children o LCPC.

“Pumirma tayo sa isang kasunduan upang matulungan tayong mapanatili ang kaligtasan ng mga bata at masiguro kung mabisa at gumagana ang mga LCPC na siyang naatasang magbigay ng isang mapagkalingang kapaligiran, magtatanggol at magpapatibay ng kapakanan ng mga bata,” paliwanag ni DILG Secretary Robredo.

Nakapaloob sa MOA na makikipag-ugnayan ang World Vision sa DILG sa pagsusulong at pagpapatupad ng mga pagsasanay ng mga Barangay Council for the Protection of Children (BCPC) sa mga World Vision assisted areas. Kanila ring tutulungan ang DILG sa implementasyon ng mga proyekto, kasama na rito ang logistical at technical na ayuda.

Sa kabilang dako, ang DILG naman ang bubuo ng isang program of activities at magbibigay ng resource persons sa mga pagsasagawa ng LCPC capability training activities ng World Vision at makikipagtulungan sa pagmonitor ng mga BCPC kung saan mayroong programa ang World Vision.

Ang World Vision ay isang organisasyon na nakatuon sa pangangalaga, pagsusulong ng karapatan, pagpapagaan ng mga paghihirap ng mga bata, mga pamilya at mga komunidad lalong lalo na yaong nasa mga depressed at disaster-affected areas.

Sinabi rin ni Secretary Robredo na ang DILG at World Vision ay magkapareho ang bisyon na maisulong ang pinakamabuti para sa mga bata sa pamamagitan ng paglikha ng isang kapaligiran kung saan ang kanilang kapakanan ay napapangalagaan at naisusulong ang kanilang buong potensiyal.

Samantala, ang LCPC ay konsehong itinatatag sa probinsiyal, lungsod, munisipyo at barangay na nagsisilbing umbrella organization para sa lahat ng mga may kinalaman sa mga isyu ng mga bata . Sila ay nakikipag-ugnayan at nagbibibigay ulat sa Council for the Welfare of Children (CWC) na siya namang pangkalahatang namamahala sa lahat ng patungkol sa mga bata at nagbaba sa mga lokal na pamahalaan ng mga batas pambata.

Sa 2010 LCPC Functionality Monitoring Report ng National Barangay Operations Office na nasa ilalim ng DILG, abot sa 36,527 mula sa 43,739 mga lokal na pamahalaan ang may organisadong LCPC na kinabibilangan ng mga probinsiya, munisipyo, lungsod at mga barangay. Mga 85% naman ng organizadong mga LCPC ang sinasabing gumagana o talagang nagtatrabaho.

Sa balidasyon ng Presidential Search for Child-Friendly Cities and Municipalities na taunang isinasasagawa sa pangunguna ng CWC kung saan namomonitor ang functionality ng mga LCPC, marami pa ring kakulangan upang ganap na gumana ang mga LCPC. Ang pagsali ng nga non-government organizations upang isulong ang kapakanang pambata ay malaki ang maitutulong tungo sa pagsusulong at pagbibigay karagdagang opurtunidad tungo sa makabuluhan at masayang pamumuhay ng ating mga kabataan. (LFB/RJB/PIA-NCR)

 
Latest Stories
  • Tagalog news: Metro Manila mayors tutugunan ang hamon ng climate change (NCR)
  • “Gabi ng Parangal” culminates Microinsurance month (NCR)
  • DPWH chief bats for long term solutions vs flooding, disasters (NCR)
  • ‘Asenso P’que Job Fair 2012’ set on February 7 (NCR)
  • Marikina launches project for small entrepreneurs (NCR)
  • NAPOLCOM clarifies issue on non-release of 2011 police entrance, promotional exams (NCR)
  • Coast Guard to get P1.6 billion more for new equipment (NCR)
  • DENR, BFAR intensify drive vs. marine pollution (NCR)
  • DA says sugarcane 'outperforms' other crops in 2011 (NCR)
  • PNP extends condolences, financial assistance to families of bomb blast victims (NCR)
  • National Archives, kailangan ng bagong gusali (NCR)
  • DA, LBP extend initial P400M Loan to rice farmers (NCR)
  • Makati opens 'SMART' summer program on Feb. 13 (NCR)
  • Coast Guard to beef up sea, air assets (NCR)
  • Marikina to host third leg of Philippine Water Runs (NCR)

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines