Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Tuesday, 24 September 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
Region NCR Submenu
Latest News
News Headlines
Foto Releases
One Luzon
120129-ncr-partners

Parañaque City Mayor Florencio Bernabe, Jr. (second from left) is awarded a water-themed painting by Artist Ivan Acuña; the MWSI Special Partnership Award; and a plaque of recognition from Maynilad officials (from left) President and CEO Victorico P. Vargas, Chairman Manuel V. Pangilinan, Chief Operations Officer Herbert M. Consunji and Chief Finance Officer Randolph T. Estrellado during the 5th Anniversary Celebrations of the Maynilad Water Services Inc. which was held recently at the SM Mall of Asia. The Special Partnership Award was given in recognition of the contribution of the Parañaque City Government and Mayor Jun Bernabe for the continued expansion of MWSI water services in the city. (Photo By: Jun Budlat)
National Capital Region

PIA Press Release
Tuesday, January 17, 2012

Tagalog News: Amnesty para sa SSS loan penalty, ilulunsad sa Abril

ni Jerome Carlo R. Paunan

QUEZON CITY, Jan. 17 (PIA) -- Ipapatupad ng Social Security System simula Abril 2 hanggang Setyembre 30 ang amnesty program para sa limang milyong delingkwenteng miyembro nito.

Sa programang Talking Points na ginanap sa Philippine Information Agency, sinabi ni Assistant Vice President for Lending and Asset Management Ma. Luz Generoso na maaaring matulungan ng nasabing amnesty program ang mga delingkwenteng mangungutang na SSS member na employed, self-employed at voluntary ang membership.

Ang miyembro ng SSS na may utang ay maituturing na delingkwente kapag hindi ito nakapaghulog ng anim na buwang monthly amortization, ani Generoso.

Dagdag niya, sakop ng naturang amnesty ang matagal nang hindi nababayarang salary, emergency, calamity, educational, privatization fund at stock investment loan ng mga miyembro na sa kanilang pinakahuling datos ay umabot na sa P80 bilyon.

Naunang inaprubahan ng Pangulong Benigno S. Aquino III ang loan penalty condonation program noong Oktubre 13, 2011 bilang tulong sa mga miyembro ng SSS.

Gayunpaman, sinabi ni Generoso na hindi tulad ng ibang condonation program ng SSS, ang kondisyon na ipatutupad dito ay nakasalalay sa dahilan ng pagkaantala sa pagbabayad ng umutang.

Aniya, abswelto sa 100 porsyentong multa ang mga umutang na miyembro na kinaltasan ng amortization at loan payment ng kanilang employer subalit hindi naman ini-remit sa SSS.

Dagdag pa ng opisyal, kailangan din na hindi bababa sa tatlong buwang kontribusyon sa loob ng anim na buwan ang naihulog ng mga mag-aaplay bago ang mismong buwan ng kanilang aplikasyon para sa loan amnesty.

Gayundin, kailangan din nilang magpakita ng proof of deducted loan amortization gaya ng company certification, payola, pay slip o notarized affidavit.

Ang Talking Points ay sumasahimpapawid sa PTV4 at Radyo ng Bayan tuwing Martes at Huwebes.(RJB/JCP-PIA NCR)

 
Latest Stories
  • Tagalog news: Metro Manila mayors tutugunan ang hamon ng climate change (NCR)
  • “Gabi ng Parangal” culminates Microinsurance month (NCR)
  • DPWH chief bats for long term solutions vs flooding, disasters (NCR)
  • ‘Asenso P’que Job Fair 2012’ set on February 7 (NCR)
  • Marikina launches project for small entrepreneurs (NCR)
  • NAPOLCOM clarifies issue on non-release of 2011 police entrance, promotional exams (NCR)
  • Coast Guard to get P1.6 billion more for new equipment (NCR)
  • DENR, BFAR intensify drive vs. marine pollution (NCR)
  • DA says sugarcane 'outperforms' other crops in 2011 (NCR)
  • PNP extends condolences, financial assistance to families of bomb blast victims (NCR)
  • National Archives, kailangan ng bagong gusali (NCR)
  • DA, LBP extend initial P400M Loan to rice farmers (NCR)
  • Makati opens 'SMART' summer program on Feb. 13 (NCR)
  • Coast Guard to beef up sea, air assets (NCR)
  • Marikina to host third leg of Philippine Water Runs (NCR)

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines