Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Sunday, 22 September 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
Region NCR Submenu
Latest News
News Headlines
Foto Releases
One Luzon
120129-ncr-partners

Parañaque City Mayor Florencio Bernabe, Jr. (second from left) is awarded a water-themed painting by Artist Ivan Acuña; the MWSI Special Partnership Award; and a plaque of recognition from Maynilad officials (from left) President and CEO Victorico P. Vargas, Chairman Manuel V. Pangilinan, Chief Operations Officer Herbert M. Consunji and Chief Finance Officer Randolph T. Estrellado during the 5th Anniversary Celebrations of the Maynilad Water Services Inc. which was held recently at the SM Mall of Asia. The Special Partnership Award was given in recognition of the contribution of the Parañaque City Government and Mayor Jun Bernabe for the continued expansion of MWSI water services in the city. (Photo By: Jun Budlat)
National Capital Region

PIA Press Release
Tuesday, January 17, 2012

Tagalog news: Mahigit 1,000 Pantawid Pamilyang Pilipino benepisyaryo tanggal

ni Lucia F. Broño

QUEZON CITY, Enero 17 (PIA) -- Sa ulat ng Department of Social Welfare and Development ng National Capital Region (DSWD-NCR), mahigit na 1,000 benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino ang natanggal sa kanilang listahan noong December 31, 2011.

Ipinaliwanag ni DSWD-NCR Ma. Alicia S. Bonoan na ang mga natanggal ay yaong mga hindi sumunod sa kasunduan at mga pamilyang hindi naman talaga karapat dapat maging benepisyaryo dahil hindi sila nabibilang sa pinakamahirap sa mahihirap.

Sinabi rin niya na ang Grievance Redress System (GRS) ang itinalaga ng DSWD upang tumugon at mangasiwa sa mga reklamo at mga tanong mula sa publiko at mga benipisyaryo tungkol sa mga dapat at hindi dapat maisali sa programa.

“Ang aming tinanggal sa listahan ng mga benepisyaryo ay sumailalim ng panibagong pagtasa at masusing rebalidasyon upang matiyak na ang mga matatanggal ay hindi sumunod sa mga kondisyon na ibinigay at hindi totoong mahirap,” dagdag ni Bonoan.

Ang mga natanggal sa Metro Manila ayon sa mga nakita ng GRS ay mga pamilyang may matatag na hanapbuhay, hindi nabibilang sa talagang mahihirap, may mga pagdayang ginawa, double entry at ang iba naman ay umayaw dahil alam nilang hindi sila karapatdapat.

Sa ngayon, mga 63,682 na pamilya mula sa 17 lungsod at munisipyo sa National Capital Region ang kasalukuyang tumatanggap ng buwanang tulong na pera sa ilalim ng programang Pantawid. Nagkaroon ng karagdagang 4,929 na pamilya bago natapos ang taong 2011.

Ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program ay isang programa ng pamahalaan upang maiangat ang mga lubhang mahihirap sa kanilang kalagayan sa pamamagitan ng pagbibigay tulong pinansyal kapalit ang ilang kondisyon na nagsisigurong nakakapasok ng maayos sa paaralan ang mga anak at regular na natitingnan ang kanilang kalusugan upang makayanan nilang iangat ang kanilang pamilya sa dukha nilang kalagayan.

Mga pamilyang may mga anak na may edad mula 0 hanggang 14 ang puwedeng mabigyan kung sila ay natukoy ng National Household Targeting System for Poverty Reduction (NHTS-PR) at hindi naireklamo sa GRS. Limang taon naman silang mabibigyan ng buwanang tulong kapag nakasusunod sa ibinigay na mga kondisyon. (LFB/RJB/DSWD-NCR/PIA-NCR)

 
Latest Stories
  • Tagalog news: Metro Manila mayors tutugunan ang hamon ng climate change (NCR)
  • “Gabi ng Parangal” culminates Microinsurance month (NCR)
  • DPWH chief bats for long term solutions vs flooding, disasters (NCR)
  • ‘Asenso P’que Job Fair 2012’ set on February 7 (NCR)
  • Marikina launches project for small entrepreneurs (NCR)
  • NAPOLCOM clarifies issue on non-release of 2011 police entrance, promotional exams (NCR)
  • Coast Guard to get P1.6 billion more for new equipment (NCR)
  • DENR, BFAR intensify drive vs. marine pollution (NCR)
  • DA says sugarcane 'outperforms' other crops in 2011 (NCR)
  • PNP extends condolences, financial assistance to families of bomb blast victims (NCR)
  • National Archives, kailangan ng bagong gusali (NCR)
  • DA, LBP extend initial P400M Loan to rice farmers (NCR)
  • Makati opens 'SMART' summer program on Feb. 13 (NCR)
  • Coast Guard to beef up sea, air assets (NCR)
  • Marikina to host third leg of Philippine Water Runs (NCR)

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines