Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Tuesday, 17 September 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
Region NCR Submenu
Latest News
News Headlines
Foto Releases
One Luzon
120129-ncr-partners

Parañaque City Mayor Florencio Bernabe, Jr. (second from left) is awarded a water-themed painting by Artist Ivan Acuña; the MWSI Special Partnership Award; and a plaque of recognition from Maynilad officials (from left) President and CEO Victorico P. Vargas, Chairman Manuel V. Pangilinan, Chief Operations Officer Herbert M. Consunji and Chief Finance Officer Randolph T. Estrellado during the 5th Anniversary Celebrations of the Maynilad Water Services Inc. which was held recently at the SM Mall of Asia. The Special Partnership Award was given in recognition of the contribution of the Parañaque City Government and Mayor Jun Bernabe for the continued expansion of MWSI water services in the city. (Photo By: Jun Budlat)
National Capital Region

PIA Press Release
Thursday, January 19, 2012

Tagalog News: Quadruplex na kabahayan itatayo para sa mga biktima ni ‘Sendong’

QUEZON CITY, Enero 19 (PIA) -– Mga quadruplex na kabahayan ang hindi kalaunan ay itatayo sa Calanaan, Cagayan de Oro City sa pagtutulungan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD),Habitat for Humanity at ng lokal na pamahalaan ng Cagayan de Oro para sa mga pamilyang biktima ng nakaraang bagyong ‘Sendong.’

Naganap kamakalawa ang pirmahan ng tripartite agreement sa pagitan ng DSWD, Habitat for Humanity at ni Cagayan de Oro Mayor Vicente Emano.

Isusunod na dito ang paglipat ng halagang P203 milyon ng DSWD sa Habitat for Humanity na siyang mangangasiwa sa pagtatayo ng nasabing mga kabahayan.

Sa 9.4 na ektarya na unang natukoy na permanent relocation site itatayo ang mga bahay na quadruplex. Apat na pamilya ang titira sa bawat 40 quadro per metro na estraktura.

Kahapon sa harapan nina DSWD-X Regional Director Araceli F. Solamillo, Cagayan de Oro Mayor Vicente Emano, at mga kinatawan ng Habitat for Humanity at National Housing Authority ay ginanap ang “Padugo.”

Ito ay a isang lokal na ritwal kung saan ang isang lugar na pagtatayuan ng bagong estraktura ay pinapatuluan ng dugo ng hayop para iadya sa kapahamakan ang bagong maninirahan.

Sa Enero 25 naman gagawin ang ground breaking ceremony.

Kasalukuyan nang tumitingin ang DSWD kung sino sa mga evacuees ang maaring makatulong sa konstruksiyon sa pamamagitan ng kanilang ‘cash for work program.

Samantala, nagpahayag na ang San Miguel Corporation na sila ay magbibigay ng P500 milyon para sa konstruksyon ng 5,000 na kabahayan.

12 bunkhouses naman ang malapit ng matapos na kasalukuyang ginagawa ng 52nd Engineering Brigade ng Armed Forces of the Philippines sa Lumbia, Cagayan de Oro. Mga 120 pamilya ang puwedeng tumira dito.

Mayroon ding 230 bunkhouses na kasalukuyang ginagawa sa Lumbia na maaaring tirhan ng 350 na pamilya.

Nakikipag-ugnayan na rin ang DSWD sa Project Compassion para sa construction ng karagdagang bunkhouses sa na puwede namang tirhan ng 150 na mga pamilya. (LFB/RJB/PIA-NCR)

 
Latest Stories
  • Tagalog news: Metro Manila mayors tutugunan ang hamon ng climate change (NCR)
  • “Gabi ng Parangal” culminates Microinsurance month (NCR)
  • DPWH chief bats for long term solutions vs flooding, disasters (NCR)
  • ‘Asenso P’que Job Fair 2012’ set on February 7 (NCR)
  • Marikina launches project for small entrepreneurs (NCR)
  • NAPOLCOM clarifies issue on non-release of 2011 police entrance, promotional exams (NCR)
  • Coast Guard to get P1.6 billion more for new equipment (NCR)
  • DENR, BFAR intensify drive vs. marine pollution (NCR)
  • DA says sugarcane 'outperforms' other crops in 2011 (NCR)
  • PNP extends condolences, financial assistance to families of bomb blast victims (NCR)
  • National Archives, kailangan ng bagong gusali (NCR)
  • DA, LBP extend initial P400M Loan to rice farmers (NCR)
  • Makati opens 'SMART' summer program on Feb. 13 (NCR)
  • Coast Guard to beef up sea, air assets (NCR)
  • Marikina to host third leg of Philippine Water Runs (NCR)

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines