Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Saturday, 21 September 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
Region NCR Submenu
Latest News
News Headlines
Foto Releases
One Luzon
120129-ncr-partners

Parañaque City Mayor Florencio Bernabe, Jr. (second from left) is awarded a water-themed painting by Artist Ivan Acuña; the MWSI Special Partnership Award; and a plaque of recognition from Maynilad officials (from left) President and CEO Victorico P. Vargas, Chairman Manuel V. Pangilinan, Chief Operations Officer Herbert M. Consunji and Chief Finance Officer Randolph T. Estrellado during the 5th Anniversary Celebrations of the Maynilad Water Services Inc. which was held recently at the SM Mall of Asia. The Special Partnership Award was given in recognition of the contribution of the Parañaque City Government and Mayor Jun Bernabe for the continued expansion of MWSI water services in the city. (Photo By: Jun Budlat)
National Capital Region

PIA Press Release
Wednesday, January 25, 2012

Tagalog news: Panawagan ni PNoy sa bagong hepe ng Coast Guard: Katapatan at dedikasyon sa serbisyo

MANILA, Enero 25 (PIA) -– Katapatan at dedikasyon sa serbisyo. Ito ang mga naging panawagan ni Pangulong Benigno S. Aquino III sa bagong pinuno ng Philippine Coast Guard sa ginanap na change of command ceremony kahapon sa Headquarters ng Coast Guard sa Maynila.

Ayon kay Pangulong Aquino, buo ang kanyang kumpiyansa sa bagong talagang hepe ng Coast Guard na si Rear Admiral Edmund Tan kapalit ni Admiral Ramon Liwag.

“Kay Admiral Tan, naitalaga ka sa isang napakahalagang katungkulan dahil sa tiwalang kaya mong paglingkuran nang buong katapatan at dedikasyon ang sambayanang Pilipino,” wika ng Pangulo.

Pinaalalahanan din ng Pangulo si Tan na huwag kaliligtaan ang kapakanan at pangangailangan ng kanyang mga tauhan sapagkat sila ang magiging katuwang nito sa pagtupad ng kanyang sinumpaang tungkulin.

inuri naman ni Pangulong Aquino ang buong Coast Guard dahil sa katatagan ng organisasyon laban sa mga banta ng terorismo, iligal na droga, pagpupuslit ng armas, human trafficking, iligal na pangingisda, pang-aabuso sa maritime environment, transnational crimes, at iba pang mga pagsubok sa seguridad ng bansa.

"Anumang ragasa ng pagsubok-mula man sa masasamang elemento, hanggang sa mga sungit ng kalikasan-talagang hindi nagpatinag ang Coast Guard,” dagdag pa ng Pangulo.

Siniguro naman ni Pangulong Aquino na patuloy ang pamahalaan sa pagpapataas ng antas ng kakayahan, gamit at iba pang pangangailangan hindi lamang ng Coast Guard, kundi sa lahat ng mga nangagalaga sa seguridad ng bansa.

Samantala, pinasalamatan ng Pangulo si Admiral Liwag sa kanyang husay at dedikasyon sa pagtaguyod ng kaligtasan at kapakanan ng bawat ordinaryong Pilipino, lalung-lalo na aniya sa panahon ng pagsubok.

“Magmula nang humalili ka bilang kapitan ng Coast Guard, wala kang sinayang na panahon para masiguro ang organisasyong ito ay tumatahak lamang sa daang matuwid,” wika ni Pangulong Aquino.

Pinuri rin ng Pangulo ang naging adhikain ni Liwag na mapangalagaan ang ating teritoryong pandagat na kinilala maging ng ibang bansa.

Bago pa man nagtapos ang talumpati, nagpahayag naman ang Pangulo ng pananalig sa bagong talagang pinuno ng Coast Guard na patuloy nitong itataguyod ang kaligtasan ng bawat Pilipino-may sakuna man o wala, sa karagatan man o sa kapatagan.

“Kasama ninyo akong maglalayag, sa payapang dagat man o sa dambuhalang daluyong ng mga pagsubok, at sama-sama nating ihahatid ang ating bayan sa isang maunlad, matiwasay, at kapakipakinabang na bukas,” pagsiguro naman ng Pangulo.

Si Rear Admiral Tan ay ang ika-24 Commandant ng Philippine Coast Guard. Siya ay tubong Dumaguete City at miyembro ng Philippine Military Academy ‘Mapitagan’ Class of 1980. (PCG/RJB/JEG-PIA-NCR)

 
Latest Stories
  • Tagalog news: Metro Manila mayors tutugunan ang hamon ng climate change (NCR)
  • “Gabi ng Parangal” culminates Microinsurance month (NCR)
  • DPWH chief bats for long term solutions vs flooding, disasters (NCR)
  • ‘Asenso P’que Job Fair 2012’ set on February 7 (NCR)
  • Marikina launches project for small entrepreneurs (NCR)
  • NAPOLCOM clarifies issue on non-release of 2011 police entrance, promotional exams (NCR)
  • Coast Guard to get P1.6 billion more for new equipment (NCR)
  • DENR, BFAR intensify drive vs. marine pollution (NCR)
  • DA says sugarcane 'outperforms' other crops in 2011 (NCR)
  • PNP extends condolences, financial assistance to families of bomb blast victims (NCR)
  • National Archives, kailangan ng bagong gusali (NCR)
  • DA, LBP extend initial P400M Loan to rice farmers (NCR)
  • Makati opens 'SMART' summer program on Feb. 13 (NCR)
  • Coast Guard to beef up sea, air assets (NCR)
  • Marikina to host third leg of Philippine Water Runs (NCR)

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines