Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Tuesday, 24 September 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
Region NCR Submenu
Latest News
News Headlines
Foto Releases
One Luzon
120129-ncr-partners

Parañaque City Mayor Florencio Bernabe, Jr. (second from left) is awarded a water-themed painting by Artist Ivan Acuña; the MWSI Special Partnership Award; and a plaque of recognition from Maynilad officials (from left) President and CEO Victorico P. Vargas, Chairman Manuel V. Pangilinan, Chief Operations Officer Herbert M. Consunji and Chief Finance Officer Randolph T. Estrellado during the 5th Anniversary Celebrations of the Maynilad Water Services Inc. which was held recently at the SM Mall of Asia. The Special Partnership Award was given in recognition of the contribution of the Parañaque City Government and Mayor Jun Bernabe for the continued expansion of MWSI water services in the city. (Photo By: Jun Budlat)
National Capital Region

PIA Press Release
Wednesday, January 25, 2012

Tagalog news: ‘Committed’ na aplikante prayoridad ng PNP

ni Domingo B. Natividad V

LUNGSOD NG QUEZON, Enero 25 (PIA) -- Mga aplikanteng ‘committed’ o sinsero sa pagpapatupad ng misyon ng Philippine National Police (PNP) ang binibigyang prayoridad ngayon ng pamunuan ng ahensiya.

Ito ang pahayag ni PNP Spokesperson Agrimero Cruz sa programang Talking Points sa DZRB-Radyo ng Bayan noong Martes. Aniya, nirepaso ang recruitment standard ng ahensiya at sinimulang ipatupad noong 2011 upang i-giya ito sa pag-recruit ng mga bagong pulis na may “commitment” o dedikasyon na ipatupad ang kanilang tungkulin.

Ito ay sa gitna ng hangarin ng PNP na madagdagan ang kasalukuyang bilang ng mga kagawad nito ng mahigit-kumulang 3,000 bagong recruit ngayong taon.

“Dati po, nangunguna sa recruitment (ng bagong kagawad ng PNP) ang agility… ngayon, inuuna na po ang ‘commitment’ (to serve the public)” sabi ni Cruz.

Aniya, ang pagbabago sa PNP recruitment standard ay ginagawa ng ahensiya upang iwasan na maulit ang nalalagay sa mga balita kung saan nasasangkot sa mga kriminalidad ang mga “rookie police” o baguhang pulis.

Punto pa ni Cruz, marapat lang na mapahuli sa lista ng recruitment requirements ang “agility o physical fitness” ng isang aplikante sa dahilang “napag-sasanayan po ito pagdating sa mahigit isang taong training ng mga bagong recruit.”

Pangawalang binibigyang halaga ng pulisiya sa bagong recruitment standard nito ang malinis na record ng mga nais maging pulis. Sabi ni Cruz, “ang commitment (to public service) ay dapat matched ng (malinis na) record.” Ibig sabihin, ang aplikante sa pagka-pulis ay walang masamang record gaya ng “(police) blotter kahit saan man bahagi ng bansa.”

Ayon pa kay Cruz, mahalaga rin sa recruitment standard ang “neuro-psychiatric exam” para masuri kung ang isang aplikante ay nasa tamang pag-iisip. Paliwanag pa niya, mahalaga ito dahil ang pulis ay nagdadala ng baril sa pagpapatupad ng kaniyang tungkulin.

Liban dito, mahalaga rin, aniya, ang scholastic record ng aplikante. Kuwento pa niya “kapag mataas ang kanilang marka sa mga pagsusulit na ibinibigay ng gubyerno tulad ng BAR, board examinations, or kaya Napolcom examinations, may premium po o added points sila” sa kanilang kandidatura sa pagka-pulis.

Nakasaad rin sa kwalipikasyon ng pagka-pulis ang sumusunod: Filipino citizen; 21-30 anyos; may tangkad na 5 feet and 4 inches (para sa lalake) at 5 feet and 2 inches (para sa babae); College graduate, (preferably graduate of BS in Criminology or allied courses); at nakapasa sa NAPOLCOM exam.

Para sa mga interesado, maaring makuha ang application form at karagdagang impormasyon ukol ditto sa website ng PNP, www.pnp.gov.ph. (RJB/ DBNV/ PIA-NCR)

 
Latest Stories
  • Tagalog news: Metro Manila mayors tutugunan ang hamon ng climate change (NCR)
  • “Gabi ng Parangal” culminates Microinsurance month (NCR)
  • DPWH chief bats for long term solutions vs flooding, disasters (NCR)
  • ‘Asenso P’que Job Fair 2012’ set on February 7 (NCR)
  • Marikina launches project for small entrepreneurs (NCR)
  • NAPOLCOM clarifies issue on non-release of 2011 police entrance, promotional exams (NCR)
  • Coast Guard to get P1.6 billion more for new equipment (NCR)
  • DENR, BFAR intensify drive vs. marine pollution (NCR)
  • DA says sugarcane 'outperforms' other crops in 2011 (NCR)
  • PNP extends condolences, financial assistance to families of bomb blast victims (NCR)
  • National Archives, kailangan ng bagong gusali (NCR)
  • DA, LBP extend initial P400M Loan to rice farmers (NCR)
  • Makati opens 'SMART' summer program on Feb. 13 (NCR)
  • Coast Guard to beef up sea, air assets (NCR)
  • Marikina to host third leg of Philippine Water Runs (NCR)

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines