Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Sunday, 22 September 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
Region NCR Submenu
Latest News
News Headlines
Foto Releases
One Luzon
120129-ncr-partners

Parañaque City Mayor Florencio Bernabe, Jr. (second from left) is awarded a water-themed painting by Artist Ivan Acuña; the MWSI Special Partnership Award; and a plaque of recognition from Maynilad officials (from left) President and CEO Victorico P. Vargas, Chairman Manuel V. Pangilinan, Chief Operations Officer Herbert M. Consunji and Chief Finance Officer Randolph T. Estrellado during the 5th Anniversary Celebrations of the Maynilad Water Services Inc. which was held recently at the SM Mall of Asia. The Special Partnership Award was given in recognition of the contribution of the Parañaque City Government and Mayor Jun Bernabe for the continued expansion of MWSI water services in the city. (Photo By: Jun Budlat)
National Capital Region

PIA Press Release
Friday, January 27, 2012

Tagalog News: Estero Blitz II gagawin sa Pebrero

ni Lucy F. Broño

Quezon City, Enero 27 (PIA) -- Muling isasagawa ang paglilinis ng mga ilog, kanal at iba pang dinadaanan ng maruruming tubig sa Metro Manila. Pangungunahan ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Francis Tolentino ang Estero Blitz II.

Ang isang buwang estero blitz II ay sisimulan sa a-tres ng Pebrero at ang unang lugar na lilinisin ay ang Sta Cruz creek at isusunod ang Makati Diversion Channel.

Pahayag ni Tolentino,” Magsasagawa kami ng pagliinis ng mga estero tuwing ikaapat na buwan upang deretso ang daloy ng tubig sa mga estero at kanal at nang maiwasan ang mga madalas na pagbaha tuwing babagsak ang malalakas na ulan.”

Sinabi rin ni Tolentino na kasabay ng paglilinis ay magkakaroon din ng mga pagtuturo tungkol sa waste management at misyon medical sa mga karatig na lugar.

Nananawagan din siya sa publiko na ayusin ang pagtatapon ng mga basura. Magsegregate at huwag magtatapon kung saan saan kahit gaano man ito kaliit sapagkat unti-unti nitong babarahan ang mga daluyan ng tubig.

Hinihimok naman niya ang pakikilahok ng mga taong bayan, opisyales ng mga barangay at mga Flood Control Zone Alliances upang maayos at mabilis na maisagawa ang Estero Blitz II.

Kaniya naming pinapurihan ang mga lungsod ng Muntinlupa, Las Piñas, Makati at Quezon City sa pagbabawal ng paggamit ng mga plastic packaging na materyales upang mabawasan ang pagdami ng mga basurang hindi nabubulok.

Ang unang isang buwang paglilinis ng mga estero ay ginanap noong Agosto kaya’t tinawag na August Estero Blitz. Matagumpay na natanggal nito ang ang abot sa 7,383 metro kubikong basura at burak kaya’t madaling humuhupa ang mga pagbaha sa kamaynilaan. Nakita ito noong pananalasa ng bagyong Pedring noong nakaraang Setyembre kung saan kaagad nawala ang bahasa CAMANAVA, España, Tripa Gallina, sa mababang lugar ng San Juan at iba pang madalas bahaing mga lugar.

Ang Estero Blitz ay proyekto ng MMDA na masigasig na pinangungunahan ni Chairman Francis Tolentino sa tulong ng mga lokal na pamahalaan at iba pang ahensiya ng pamahalaan. (LFB/RJB/PIA-NCR)

 
Latest Stories
  • Tagalog news: Metro Manila mayors tutugunan ang hamon ng climate change (NCR)
  • “Gabi ng Parangal” culminates Microinsurance month (NCR)
  • DPWH chief bats for long term solutions vs flooding, disasters (NCR)
  • ‘Asenso P’que Job Fair 2012’ set on February 7 (NCR)
  • Marikina launches project for small entrepreneurs (NCR)
  • NAPOLCOM clarifies issue on non-release of 2011 police entrance, promotional exams (NCR)
  • Coast Guard to get P1.6 billion more for new equipment (NCR)
  • DENR, BFAR intensify drive vs. marine pollution (NCR)
  • DA says sugarcane 'outperforms' other crops in 2011 (NCR)
  • PNP extends condolences, financial assistance to families of bomb blast victims (NCR)
  • National Archives, kailangan ng bagong gusali (NCR)
  • DA, LBP extend initial P400M Loan to rice farmers (NCR)
  • Makati opens 'SMART' summer program on Feb. 13 (NCR)
  • Coast Guard to beef up sea, air assets (NCR)
  • Marikina to host third leg of Philippine Water Runs (NCR)

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines