Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Tuesday, 17 September 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
Region NCR Submenu
Latest News
News Headlines
Foto Releases
One Luzon
120129-ncr-partners

Parañaque City Mayor Florencio Bernabe, Jr. (second from left) is awarded a water-themed painting by Artist Ivan Acuña; the MWSI Special Partnership Award; and a plaque of recognition from Maynilad officials (from left) President and CEO Victorico P. Vargas, Chairman Manuel V. Pangilinan, Chief Operations Officer Herbert M. Consunji and Chief Finance Officer Randolph T. Estrellado during the 5th Anniversary Celebrations of the Maynilad Water Services Inc. which was held recently at the SM Mall of Asia. The Special Partnership Award was given in recognition of the contribution of the Parañaque City Government and Mayor Jun Bernabe for the continued expansion of MWSI water services in the city. (Photo By: Jun Budlat)
National Capital Region

PIA Press Release
Friday, January 27, 2012

Tagalog News: Motorcycle lane sa EDSA, ipapatupad na sa Peb. 14

ni Lucia F. Broño

QUEZON CITY, Enero 27 (PIA) -- Matapos ang matagumpay na pagpapatupad ng motorcycle lane sa Commonwealth Avenue at Macapagal Boulevard, kasunod na ring ipatutupad ito ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa 24 kilometrong kahabaan ng Epifanio Delos Santos Avenue (EDSA) simula sa Pebrero 14.

Ipinahayag ngayong umaga ni MMDA Spokesperson Atty. Alu Dorotan sa ginanap na Communication News and Exchange (CNEX) forum sa Philippine Information Agecy (PIA), na sa huling ginanap na Metro Manila Council (MMC) meeting, pinirmahan ng 17 mayor ng Metro Manila (MM) ang resolusyon ng pagpapatupad nito.

Kasalukuyan nang inihahanda ang EDSA para sa implementasyon ng motorcycle lane. Naglalagay na ang mga tauhan ng MMDA ng mga signages upang maipaalam sa mga tao lalo na sa mga motorista ang babagtasing lane ng mga motorosiklista.

Una rito, nagpahayag si MMDA Assistant General Manager for Planning TinaVelaso na tuloy tuloy na ang mga ginagawang preparasyon para sa implementasyon.

Itinalagang motorcycle lane ang 4th lane ng EDSA mula sa sidewalk. Ang unang dalawang lane ay para sa city buses at ang pangatlong lane ay para naman sa mga provincial buses.

Niliwanag ni Velasco na ‘designated’ at hindi ‘dedicated’ ang lane para sa mga motorsiklo kung kaya ito ay maaari ring gamitin ng ibang klase ng sasakyan. Maaari namang umalis sa motorcycle lane ang mga motorsiklista bandang 100 na metro kung sila ay liliko.

Ang mga patakaran na ipinatutupad sa implementasyon ng blue lane sa Commonwealth Avenue at Macapagal Avenue ay siya ring ipatutupad sa EDSA.

Ang motorcycle lane ay unang ipinatupad ng MMDA noong Oktubre 17 ng nakaraang taon upang maiwasan ang mga aksidenteng nagagaganap bunsod ng palipat-lipat na ginagawa ng mga naka-motor sa gitna ng mga rumaragasang bus. (LFB/RJB/PIA-NCR)

 
Latest Stories
  • Tagalog news: Metro Manila mayors tutugunan ang hamon ng climate change (NCR)
  • “Gabi ng Parangal” culminates Microinsurance month (NCR)
  • DPWH chief bats for long term solutions vs flooding, disasters (NCR)
  • ‘Asenso P’que Job Fair 2012’ set on February 7 (NCR)
  • Marikina launches project for small entrepreneurs (NCR)
  • NAPOLCOM clarifies issue on non-release of 2011 police entrance, promotional exams (NCR)
  • Coast Guard to get P1.6 billion more for new equipment (NCR)
  • DENR, BFAR intensify drive vs. marine pollution (NCR)
  • DA says sugarcane 'outperforms' other crops in 2011 (NCR)
  • PNP extends condolences, financial assistance to families of bomb blast victims (NCR)
  • National Archives, kailangan ng bagong gusali (NCR)
  • DA, LBP extend initial P400M Loan to rice farmers (NCR)
  • Makati opens 'SMART' summer program on Feb. 13 (NCR)
  • Coast Guard to beef up sea, air assets (NCR)
  • Marikina to host third leg of Philippine Water Runs (NCR)

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines