Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Tuesday, 7 December 2021 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
Region R01 Submenu
Latest News
News Headlines
Foto Releases
One Luzon
PIA-1 Foto Gallery
PIA-1 on Facebook
120201-r1-stats3

STATISTICAL MEDIA APPRECIATION SEMINAR: In simple appreciation of the support extended to the Regional Development Council as lecturer during the "Statistical Appreciation Seminar for Media", a Certificate of Appreciation is awarded to Dr. Irenea Ubungen of the NSCB-1 (center) who discussed about the Regional Income Accounts, with DRD Jennilyne C. Role of PIA-1 (left) and Lily Grace Orcino (right) of NEDA-1. The event is spearheaded by the RDC-Development Communication Support Committee chaired by PIA held at NEDA office in San Fernando City. (captioned by: JCR/MHHerrera/photo by: Ricky Naungayan)
Ilocos Region

PIA Press Release
Sunday, January 01, 2012

Tagalog Feature: Provincial Capitol ng Ilocos Norte dinadagsa ng mga turista

ni Cherry Joy Discaya

LAOAG CITY, Jan. 1 (PIA) -- Mistulang Luneta sa dami ng tao ang paligid ng Provincial Capitol ng Ilocos Norte pagsapit ng gabi sa pagdagsa ng mga lokal na turista.

Naglalakihan at naggagandahan kasi ang tanawin sa paligid nito, lalong-lalo na ang pagningning ng mga ilaw na nakasabit sa lahat ng sulok ng kapitolyo.

Ang kapitolyo mismo ay maituturing nang agaw-pansin sa pagkakaroon nito ng dim-spot light na nakatutok sa kabuuan nito pagsapit ng gabi. Nakakaengganyo itong pagmasdan.

Sa mga puno naman, may mga nakasabit ding korteng ibon na malalaki na siyang nagsisilbing ilaw sa palibot ng kapitolyo. Sila ang nagbibigay liwanag sa kabuuan nito.

Sino naman ang hindi maaaliw sa mga higanteng halaman na ang mga dahon nito ay umiilaw, nakapuwesto ito sa magkabilang gilid ng kapitolyo. Mga higanteng halaman na para bang nananahon ng kulay lilac na diyamante sa kislap.

Hindi ka din maliligaw ng oras habang namamasyal ka dito sapagkat may built-in giant clock na hinulma gamit ang ‘garden soil’ at ‘bermuda’ glass. Sa paligid nito’y may mga bulaklak na eksakto para sa picture taking.

Ang kambal naman sa ‘fountain’ sa harap ng kapitolyo na may sukat halos dalawampung talampakan (20 feet) ay nakakapagparelaks sa buong katauhan sa tunog na agos ng masagang tubig nito.

At nalulula naman ang mga tao sa higanteng ‘Christmas Tree’ na tinatayang may sukat na mahigit-kumulang dalawampu’t anim na talampakan (26 feet), dinesenyuhan ito ng mga bulaklak na korteng poinsettia at nakabitan ng mga ilaw na mistulang naghuhulugan.

Lahat ng bumibisita dito ay kakikitaan ng galak at pagkamangha sa larawan ng kapitolyo. Karamihan sa kanila ay nangunguha ng litrato.

“Hindi mo talaga maiiwasang hindi tumigil at kumuha ng picture kapag napadaan ka dito, maliban sa maliwanag dahil sa dami ng ilaw, napaka-relaxing at maluwang ang paligid, tamang-tama para sa bonding ng pamilya,” patunay ni Jennifer Ramos sa kanyang pamamasyal kasama ang kanyang pamilya.

Kung tutuusin, hindi lamang ang Provincial Capitol ng Ilocos Norte ang kakikitaan ng malaking pagbabago, kung hindi pati na din ang mga programa na nakakapagpabuti sa ekonomiya partikular na ang turismo ng probinsya. Ito ay sa pamumuno ni Gob. Imelda “Imee” R. Marcos. (JCR/CJD-PIA 1 Ilocos Norte)

 
Latest Stories
  • DSWD 1 marks its 61st anniversary celeb in February (R01)
  • 55 members of SEA-K in Santol receive capital assistance (R01)
  • DSWD-1’s partner agencies offer programs, services to 100 4Ps beneficiaries in Ilocos Sur (R01)
  • E-Trike Design contest aims to refurbish tricycle (R01)
  • Major PNP reform, accomplishments cited (R01)
  • Tagalog News: Patuloy ang mga programa para sa matatanda sa IN (R01)
  • OFWs treated fairly in Taiwan, says MECO chief (R01)
  • Tagalog News: Kaso ng illegal logging sa IN bumaba (R01)
  • Intensity 4 tremor hits Northern Luzon (R01)
  • Sports news: DBL holds basketball play-off in Dagupan (R01)
  • RDC-1 conducts 2012 ICT congress (R01)
  • Practice good governance in infra projects - Sec. Singson (R01)
  • Tagalog News: Caoayan, nagkamit ng 'Seal of Good Housekeeping” award (R01)
  • Tagalog News: Sapat na klasrum, fasilidad at edukasyon para sa lahat, tugon ng Ilocos Norte sa MDG (R01)
  • Ilocos Norte inches closer to achieving MDG targets for education (R01)

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines