Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Sunday, 28 November 2021 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
Region R01 Submenu
Latest News
News Headlines
Foto Releases
One Luzon
PIA-1 Foto Gallery
PIA-1 on Facebook
120201-r1-stats3

STATISTICAL MEDIA APPRECIATION SEMINAR: In simple appreciation of the support extended to the Regional Development Council as lecturer during the "Statistical Appreciation Seminar for Media", a Certificate of Appreciation is awarded to Dr. Irenea Ubungen of the NSCB-1 (center) who discussed about the Regional Income Accounts, with DRD Jennilyne C. Role of PIA-1 (left) and Lily Grace Orcino (right) of NEDA-1. The event is spearheaded by the RDC-Development Communication Support Committee chaired by PIA held at NEDA office in San Fernando City. (captioned by: JCR/MHHerrera/photo by: Ricky Naungayan)
Ilocos Region

PIA Press Release
Monday, January 09, 2012

Tagalog news: “Magtanim ng tabako, magtanim ng puno” kampanya sa Ilocos Sur

by Ben P. Pacris

VIGAN CITY, Ilocos Sur, Jan. 09 (PIA) –- Dahil sa epekto ng Climate Change sa bansa, pinaigting na ang kampanya ng “Magtanim ng Tabako. Magtanim ng Puno” sa Ilocos Sur.

Ang probinsya ang nangunguna sa pagproduce ng tabakong birhenya sa buong bansa, para mapreserba at maalagaan ang kalikasan.

Ito ang inihayag ni Jose Taclas Jr., tobacco specialist at broadcaster ng National Tobacco Administration (NTA) – Vigan Branch, sa kanyang konsultasyon sa mga nagtatanim ng tabako sa iba’t-ibang bayan sa unang distrito.

Ayon kay Taclas, pinag-utos ni NTA Administrator Edgar Zaragoza sa mga nagtatanim ng tabako lalo na ang mga nagpuputol ng kahoy na ginagamit sa pagpugon na dapat na rin silang magtanim ng puno.

“Magtanim nga tayo ng tabako para kumita ngunit dapat ding pangalagahan ang kalikasan lalo na ngayon na malaking pinsala na ang dulot ng pagbabago ng klima sa bansa," idiniin ng opisyal ng NTA .

Tumutulong na rin ang NTA at iba pang pribadong kompanya para sa tree planting program bilang tugon sa pambansang adhikain na pangangalaga sa mga kabundukan para maiwasan ang mga landslides, sinabi ng tobacco specialist.

Hinikayat pa ni Taclas ang mga nagtatanim ng tabako na gumamit ng takip sa ilong o mask, bota at damit na mahaba ang mangas sa mga taniman para hindi mahawa sa “green tobacco sickness” na dumadapo sa mga pananim na ito.

Ipinaalala din ni Taclas sa mga magsasaka na dapat sundin ang natutunan nilang pest management program sa paggamit ng tamang binhi, pataba at pestisidyo.

“Huwag na rin kayong magtanim ng tabako sa mga itinuturing na salty areas,” idinagdag niya bagama’t binibili ng mga trading centers pati mga reject na tabako.

Sinabi ng municipal NTA officer sa bayan ng San Juan na dapat sundin ng mga nagtatanim ng tabako ang Good Agricultural Practice para makapag-ani sila ng mga de-kalidad na tabako dahil ito ang kailangan sa pandaigdigang merkado.

Sa San Juan, ang pagtatanim ng tabako ang pangunahing hanap-buhay ng mga naninirahan dito.

Dahil dito, naglunsad ang Philip Morris at Fortune Tobacco Corp ng contract growing program para matulungan ang mga magsasaka na magtanim ng mga top quality tobacco.

Samantala, sinabi ni Benjamin Sarmiento, national chairman ng Federation of Tobacco Farmers of the Philippines at dating Alkalde ng San Juan, na nakatulong ang naturang kompanya sa mga kababayan niya dahil naglunsad pa sila ng Medical Mission at namigay ng mga computers sa mga eskuewelahan sa mga liblib na pook. (ANL/BPP-PIA 1 Ilocos Sur)

 
Latest Stories
  • DSWD 1 marks its 61st anniversary celeb in February (R01)
  • 55 members of SEA-K in Santol receive capital assistance (R01)
  • DSWD-1’s partner agencies offer programs, services to 100 4Ps beneficiaries in Ilocos Sur (R01)
  • E-Trike Design contest aims to refurbish tricycle (R01)
  • Major PNP reform, accomplishments cited (R01)
  • Tagalog News: Patuloy ang mga programa para sa matatanda sa IN (R01)
  • OFWs treated fairly in Taiwan, says MECO chief (R01)
  • Tagalog News: Kaso ng illegal logging sa IN bumaba (R01)
  • Intensity 4 tremor hits Northern Luzon (R01)
  • Sports news: DBL holds basketball play-off in Dagupan (R01)
  • RDC-1 conducts 2012 ICT congress (R01)
  • Practice good governance in infra projects - Sec. Singson (R01)
  • Tagalog News: Caoayan, nagkamit ng 'Seal of Good Housekeeping” award (R01)
  • Tagalog News: Sapat na klasrum, fasilidad at edukasyon para sa lahat, tugon ng Ilocos Norte sa MDG (R01)
  • Ilocos Norte inches closer to achieving MDG targets for education (R01)

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines