Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Sunday, 28 November 2021 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
Region R01 Submenu
Latest News
News Headlines
Foto Releases
One Luzon
PIA-1 Foto Gallery
PIA-1 on Facebook
120201-r1-stats3

STATISTICAL MEDIA APPRECIATION SEMINAR: In simple appreciation of the support extended to the Regional Development Council as lecturer during the "Statistical Appreciation Seminar for Media", a Certificate of Appreciation is awarded to Dr. Irenea Ubungen of the NSCB-1 (center) who discussed about the Regional Income Accounts, with DRD Jennilyne C. Role of PIA-1 (left) and Lily Grace Orcino (right) of NEDA-1. The event is spearheaded by the RDC-Development Communication Support Committee chaired by PIA held at NEDA office in San Fernando City. (captioned by: JCR/MHHerrera/photo by: Ricky Naungayan)
Ilocos Region

PIA Press Release
Monday, January 09, 2012

Tagalog News: Pagpapaigting ng serbisyo, pangmatagalang ekonomiya hamon sa mga kawani ng PGLU sa 2012

ni Miriam P. Aquino

SAN FERNANDO CITY, La Union, Jan. 9 (PIA) -- Pagpapaigting ng epektibong serbisyo publiko at pangmatagalang ekonomiya ang hamon sa lahat ng mga kawani ng Provincial Government (pamahalaang panlalawigan) ng La Union (PGLU) sa talumpati ng Punong Panlalawigan Manuel C. Ortega na binasa at inihayag ng kaniyang Lingkod Tagapagpaganap o Executive Assistant V na si Mario Eduardo C. Ortega na ginanap kamakailan sa kapitolyo ng probinsiya.

Ayon kay Rejene Flores ng Opisina ng Impormasyon at Turismong Panlalawigan (PITO), hangad ng punong panlalawigan na mas maging malalim pa ang pangakong pagsisilbi ng lahat ng kawani sa publiko nang sa gayon ay hindi lamang matustusan at maipagpatuloy pa ang mga nakaraang mga programa at proyekto, bagkus ay maisakatuparan pa ang mga nakaabang na mga plano para sa taong kasalukuyan.

Ang mga plano ay kinabibilangan ng pangkalahatang serbisyong-pangkalusugan, relokasyon ng garahe ng mga kagamitang de-motor sa probinsiya o Engineering motor pool upang mabigyang-daan ang ipapalit na modernong likhaing pansaka o modern farm demo, pagtatayo ng gusaling pampalakasan at ang pagpapasimula ng programang pabahay para sa mga kawani ng PGLU.

Sa talumpati ng punong panlalawigan, pinaalala niya na dapat ay laging nakatutok at aktibo sa kanilang mga trabaho ang mga kawani upang makapagbigay ng mas maayos at epektibong serbisyo publiko.

Sinigurado ng gobernador na tataas ang sahod ng lahat ng kawani at ito ay nakatakda ngayong taon bagama’t inaasahan ang napipintong pagbaba sa alokasyon ng pondo para sa probinsiya.

Tututukan, din aniya, ng PGLU ang lahat ng posibleng paraan upang makahingi ng tulong sa Home Development Mutual Fund at sa Government Service Insurance System na mapadali ang pagtapos sa kanilang proyektong pabahay para sa mga empleyado.

Buong loob ding ibinibigay ng mga Ortega ang kanilang buong suporta sa lahat ng mga gawaing personal man o pang-propesyonal ng mga kawani basta’t ang mga ito ay nakatuon sa marangal na layuning makapagdulot ng kapayapaan at kaayusan sa komunidad. (ANL/MPA-PIA 1 La Union kaakibat ang ulat mula sa PITO-PGLU)

 
Latest Stories
  • DSWD 1 marks its 61st anniversary celeb in February (R01)
  • 55 members of SEA-K in Santol receive capital assistance (R01)
  • DSWD-1’s partner agencies offer programs, services to 100 4Ps beneficiaries in Ilocos Sur (R01)
  • E-Trike Design contest aims to refurbish tricycle (R01)
  • Major PNP reform, accomplishments cited (R01)
  • Tagalog News: Patuloy ang mga programa para sa matatanda sa IN (R01)
  • OFWs treated fairly in Taiwan, says MECO chief (R01)
  • Tagalog News: Kaso ng illegal logging sa IN bumaba (R01)
  • Intensity 4 tremor hits Northern Luzon (R01)
  • Sports news: DBL holds basketball play-off in Dagupan (R01)
  • RDC-1 conducts 2012 ICT congress (R01)
  • Practice good governance in infra projects - Sec. Singson (R01)
  • Tagalog News: Caoayan, nagkamit ng 'Seal of Good Housekeeping” award (R01)
  • Tagalog News: Sapat na klasrum, fasilidad at edukasyon para sa lahat, tugon ng Ilocos Norte sa MDG (R01)
  • Ilocos Norte inches closer to achieving MDG targets for education (R01)

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines