Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Sunday, 28 November 2021 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
Region R01 Submenu
Latest News
News Headlines
Foto Releases
One Luzon
PIA-1 Foto Gallery
PIA-1 on Facebook
120201-r1-stats3

STATISTICAL MEDIA APPRECIATION SEMINAR: In simple appreciation of the support extended to the Regional Development Council as lecturer during the "Statistical Appreciation Seminar for Media", a Certificate of Appreciation is awarded to Dr. Irenea Ubungen of the NSCB-1 (center) who discussed about the Regional Income Accounts, with DRD Jennilyne C. Role of PIA-1 (left) and Lily Grace Orcino (right) of NEDA-1. The event is spearheaded by the RDC-Development Communication Support Committee chaired by PIA held at NEDA office in San Fernando City. (captioned by: JCR/MHHerrera/photo by: Ricky Naungayan)
Ilocos Region

PIA Press Release
Wednesday, January 11, 2012

Tagalog News: Residente sa mga barangay malapit sa dagat sa Ilocos Sur naalarma

by Ben P. Pacris

STA. CATALINA, Ilocos Sur, Jan. 11 (PIA) -- Dahil sa trahediyang dulot ng Bagyong “Sendong” sa Cagayan de Oro City na ikinamatay ng mahigit na 1,000 katao at nasirang mga kabahayan naalarma na rin ang mga naninirahan sa mga barangay na malapit sa dagat.

Ayon kay Punong Barangay Mariano Rafanan ng Tamorong, isa sa mga pinaka-mahirap na barangay dito, natatakot na ang mga residente dahil unti- unti nang nilalamon ng alon ang kanilang barangay. “Nakakatakot na ang tinatawag nilang storm surge dahil lalamunin ng dagat ang mga kabahayan dito kapag may malakas na bagyo,” idinagdag ni Rafanan.

Dahil unti-unting lumalapit ang alon ng dagat sa kanilang mga tahanan, hiniling ng punong barangay sa pamahalaang bayan na pinamunuan ni Mayor Carlos Asuncion na magtayo ng sea wall para may depensa sila sa kalamaidad.

Pati ang mga naninirahan sa mga karatig-barangay sa Cabittaogan at Subec, naalarma na rin dahil sa epekto na ng pagbabago ng klima lalo na sa mga coastal barangays. “Idi adda sadiay ti dalluyon ti baybay, ngem itan nilapunosnan dagiti kataltalonan.”

Noon doon pa ang dagat ngunit ngayon nilamon na ng alon ang mga pananim dito, idiniin ng isang nagtatanim ng cauliflower.

Problema pa ang sapat na pundo para maitayo ang mga flood control projects sa mga coastal barangays ngunit sisikapin naming hihingi ng tulong kay Gov. Chavit Singson at Congressman Ryan Singson,” sinabi ni Mayor Asuncion.

Nagbabala pa ang alkalde sa mga nagtatanim ng repolyo, cauliflower at sibuyas na sumunod na rin sa organic farming na ikinakampanya ng Department of Agriculture para mapangalagaan ang kapaligiran at para na rin sa kalusugan ng mga mamamayan.

Samantala, hiniling ni Santa Vice- Mayor Jesus Bueno Jr, presidente ng Liga ng mga Bise Alkalde sa lalawigan, ang tulong ng national government para maglunsad ng resettlement program sa mga naninirahan sa Bucalag, Tabucolan at Pasungol sa naturang bayan dahil nanganganib sila kung may darating na malakas na bagyo. (ANL/BPP-PIA 1 Ilocos Sur)

 
Latest Stories
  • DSWD 1 marks its 61st anniversary celeb in February (R01)
  • 55 members of SEA-K in Santol receive capital assistance (R01)
  • DSWD-1’s partner agencies offer programs, services to 100 4Ps beneficiaries in Ilocos Sur (R01)
  • E-Trike Design contest aims to refurbish tricycle (R01)
  • Major PNP reform, accomplishments cited (R01)
  • Tagalog News: Patuloy ang mga programa para sa matatanda sa IN (R01)
  • OFWs treated fairly in Taiwan, says MECO chief (R01)
  • Tagalog News: Kaso ng illegal logging sa IN bumaba (R01)
  • Intensity 4 tremor hits Northern Luzon (R01)
  • Sports news: DBL holds basketball play-off in Dagupan (R01)
  • RDC-1 conducts 2012 ICT congress (R01)
  • Practice good governance in infra projects - Sec. Singson (R01)
  • Tagalog News: Caoayan, nagkamit ng 'Seal of Good Housekeeping” award (R01)
  • Tagalog News: Sapat na klasrum, fasilidad at edukasyon para sa lahat, tugon ng Ilocos Norte sa MDG (R01)
  • Ilocos Norte inches closer to achieving MDG targets for education (R01)

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines