Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Tuesday, 7 December 2021 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
Region R01 Submenu
Latest News
News Headlines
Foto Releases
One Luzon
PIA-1 Foto Gallery
PIA-1 on Facebook
120201-r1-stats3

STATISTICAL MEDIA APPRECIATION SEMINAR: In simple appreciation of the support extended to the Regional Development Council as lecturer during the "Statistical Appreciation Seminar for Media", a Certificate of Appreciation is awarded to Dr. Irenea Ubungen of the NSCB-1 (center) who discussed about the Regional Income Accounts, with DRD Jennilyne C. Role of PIA-1 (left) and Lily Grace Orcino (right) of NEDA-1. The event is spearheaded by the RDC-Development Communication Support Committee chaired by PIA held at NEDA office in San Fernando City. (captioned by: JCR/MHHerrera/photo by: Ricky Naungayan)
Ilocos Region

PIA Press Release
Sunday, January 15, 2012

Patuloy na implementasyon ng mga programang naaayon sa 10-Point Action Plan, layunin ng PRO1 ngayong 2012

ni Miriam P. Aquino

SAN FERNANDO CITY, La Union, Enero 15 (PIA) – Bilang suporta sa 10-point Action Plan o sampung puntong plano na gagampanan ng mga kapulisan ng bansa base sa direktiba ng kanilang punong Direktor Heneral Nicanor A. Bartolome, hinimok ng punong direktor panrehiyon uno na si punong tagapamahala o Police Chief Superintendent (PCSupt) Franklin Jesus B. Bucayu ang kaniyang mga tauhan na ipagpatuloy ang pagpapakita ng pamamaraan sa pag-iimplementa ng mga pangunahing programa partikular ang kagalingang pampropesyunal o Professional Competency, panghuhuli batay sa karapatan o Rights-Based Policing, at epektibo at mahusay na operasyon o Operational Effectiveness and Efficiency.

“Lahat ng ito’y dapat nating gampanan nang naaayon sa ating pangkalahatang pagpaplano tungo sa positibong pagbabago, sistematikong pagganap ng pamamahala o Performance Governance System at ang pinagsanib na programang pagbabago o Integrated Transformation Program (PGS-ITP), o ang Patrol 2030,” ito ang tinuran ni Bucayu bilang mensahe sa naganap na pagbibigay-pugay at pagtanggap sa bagong taon o New Year’s call na inihanda ng kaniyang mga pangunahing opisyal at iba’t-ibang pinuno ng mga yunit na sumasailalim sa kaniyang pamumuno bilang isa nang taunang tradisyon na ginanap kamakailan sa kampo Florendo.

Sa talumpati ni Bucayu ay ibinahagi niya ang naisin na maging mabunga pa ang taong 2012 at kaniya ring pinuri ang lahat ng kaniyang mga tauhan sa buong rehiyon sa kanilang mga kontribusyon kung kaya”t naging matagumpay ang lumipas nang taon 2011.

Tinuran din niya ang mga katagang nagmula sa labi ng punong direktor ng kapulisan na nagbanggit sa kabuuang tagumpay ng kapulisan ng nagdaang taon na nagdulot ng pagbabago sa buhay ng mga mamamayan.

“Salubungin natin ang bagong taon ng may bagong sigla at bagong pag-asa. Dahil ako ay naniniwala na ang ating mga nasimulang mabubuting gawain ay magbubunga ng pinapangarap nating pagbabago para sa ating organisasyon at para sa buong bayan,” sabi ni Bucayu.

Hinimok din niya ang kaniyang mga tauhan lalu na ang mga pamprobinsiyang tagapamanihala, ang mga hepe ng kapulisan at iba pang mga pinuno o namumuno ng mga yunit upang pasidhiin pa ang operasyon at dagdagan pa ang mga nakatalagang pulis sa bawat lugar na kinakailangan at siguraduhin ang tapat at mabuting implementasyon ng pinagsama-samang sistema sa pagpapatrulya ng kapulisan o Police Integrated Patrol System.

Pinaalalahanan din niya ang lahat ng mga hepe na magsilbing mabubuting halimbawa at inspirasyon sa kanilang mga tauhan at nasasakupan.

Ang nasabing pagtitipon ay pinangunahan ng command group na sina PCSupt. Roman A. Felix, ang kinatawang tagapangasiwa ng administrasyon, ang nakatataas na tagapamanihala o PSSupt Mansue N. Lukban, kinatawang tagapangasiwa ng operasyon at si PSSupt. Ferdinando G. Sevilla, ang hepe ng opisina ng patnugot-kawani sa rehiyon.

Ang iba pang mga punong tauhan na tumanggap sa punong panrehiyon ay kinabibilangan ng mga hepe ng dibisyon ng PRO1, ang apat na direktor ng probinsiya, ang puno ng batalyong panrehiyon na namamahala at nagmimintina ng kaligtasan ng publiko, ang hepe ng pang-alalay na pangkat ng punong-himpilang pampook, ang mga kasapi ng kaniyang espesyal at personal na mga kawani, ang mga pinuno ng panrehiyong alalay na pangkat sa pambayan o nasyunal na kapulisan, at ang mga hepe ng himpilan ng pulis sa siyudad o lungsod at ng mga himpilan ng kapulisan sa mga pangunahing antas o class “A” na mga munisipyo dito sa rehiyon. (JCR/MPA-PIA 1 La Union)

 
Latest Stories
  • DSWD 1 marks its 61st anniversary celeb in February (R01)
  • 55 members of SEA-K in Santol receive capital assistance (R01)
  • DSWD-1’s partner agencies offer programs, services to 100 4Ps beneficiaries in Ilocos Sur (R01)
  • E-Trike Design contest aims to refurbish tricycle (R01)
  • Major PNP reform, accomplishments cited (R01)
  • Tagalog News: Patuloy ang mga programa para sa matatanda sa IN (R01)
  • OFWs treated fairly in Taiwan, says MECO chief (R01)
  • Tagalog News: Kaso ng illegal logging sa IN bumaba (R01)
  • Intensity 4 tremor hits Northern Luzon (R01)
  • Sports news: DBL holds basketball play-off in Dagupan (R01)
  • RDC-1 conducts 2012 ICT congress (R01)
  • Practice good governance in infra projects - Sec. Singson (R01)
  • Tagalog News: Caoayan, nagkamit ng 'Seal of Good Housekeeping” award (R01)
  • Tagalog News: Sapat na klasrum, fasilidad at edukasyon para sa lahat, tugon ng Ilocos Norte sa MDG (R01)
  • Ilocos Norte inches closer to achieving MDG targets for education (R01)

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines