Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Sunday, 28 November 2021 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
Region R01 Submenu
Latest News
News Headlines
Foto Releases
One Luzon
PIA-1 Foto Gallery
PIA-1 on Facebook
120201-r1-stats3

STATISTICAL MEDIA APPRECIATION SEMINAR: In simple appreciation of the support extended to the Regional Development Council as lecturer during the "Statistical Appreciation Seminar for Media", a Certificate of Appreciation is awarded to Dr. Irenea Ubungen of the NSCB-1 (center) who discussed about the Regional Income Accounts, with DRD Jennilyne C. Role of PIA-1 (left) and Lily Grace Orcino (right) of NEDA-1. The event is spearheaded by the RDC-Development Communication Support Committee chaired by PIA held at NEDA office in San Fernando City. (captioned by: JCR/MHHerrera/photo by: Ricky Naungayan)
Ilocos Region

PIA Press Release
Wednesday, January 18, 2012

Tagalog News: Fil-am Doctors mula Chicago tutulong sa mga mahihirap sa Ilocos Sur

by Ben P. Pacris

VIGAN CITY, Jan. 18 (PIA) -- Naglunsad ang mga Filipino- American doctors na kasapi ng Philippine Medical Association of Chicago, USA ng Medical Mission mula Enero 18 hanggang Enero 20 sa Gabriela Silang General Hospital sa Heritage City kabilang na ang bayan ng Sta. Maria, San Esteban at Sta. Catalina para masilbihan ang mga itinuturing na mga pinakamahirap sa mga mahihirap sa lalawigan ng Ilocos Sur.

Ayon kay Bokal Jeremias Singson, chairman ng Committee on Health, malaking tulong ito para sa mga mahihirap nating mga kababayan lalo na sa panahong ito na mahirap ang buhay.

Sa pakikipagtulungan ng pamahalaan ng probinsiya at Provincial Health Office, inialay ng mga dalubhasang manggagamot ang libreng operasyon sa mga may katarata at mga may bingot o cleft-palate, kabilang na ang mga may sakit sa bato, apdo at atay. Pinamunuan ni Dr. Eduard Hernaez, tubong San Nicolas, San Esteban, ang naturang asosasyon na may 100 miyembro.

“Mantakin mo kung magkano sana ang singil sa mga major at minor surgery ngunit sa pamamagitan ng medical mission walang gastos ang mga kababayan libre pa ang gamot pati reading glasses sa mga may katarata,” ayon kay Bokal Singson.

“Lahat ng gastos ng asosasyon sa hotel at accommodations pati pagkain nila ay sila na mismo ang gumastos dahil nag-ambagan din ang mga miyembro nila para sa mga gamot at iba pang kailangan sa medical mission,” idinagdag niya.

Puntirya ng medical mission na tulungan ang mga mahihirap na pamilya, lalo na sa mga naninirahan sa mga liblib na pook kabilang na sa mga bulubundukin kung saan malayo ang mga ospital, sinabi ni Bokal Singson.

Noong nakaraang Disyembre, bago mag-Pasko, nagpatupad din ang Ilocos Surian’s Association of Hawaii, USA na pinamumunuan ni Danilo Villaruz, tubong Rancho sa Santa, ng Medical Mission sa bayan ng Sinait, Cabugao at Santa na nasilbihan ang mahigit na 3,000 mahihirap na pamilya.

Nagpamigay pa sila ng grocery items tulad ng bigas, sardinas, at noodles bilang Christmas gifts sa mga dukhang kababayan sa mga coastal barangays. (ANL/BPP-PIA 1 Ilocos Sur)

 
Latest Stories
  • DSWD 1 marks its 61st anniversary celeb in February (R01)
  • 55 members of SEA-K in Santol receive capital assistance (R01)
  • DSWD-1’s partner agencies offer programs, services to 100 4Ps beneficiaries in Ilocos Sur (R01)
  • E-Trike Design contest aims to refurbish tricycle (R01)
  • Major PNP reform, accomplishments cited (R01)
  • Tagalog News: Patuloy ang mga programa para sa matatanda sa IN (R01)
  • OFWs treated fairly in Taiwan, says MECO chief (R01)
  • Tagalog News: Kaso ng illegal logging sa IN bumaba (R01)
  • Intensity 4 tremor hits Northern Luzon (R01)
  • Sports news: DBL holds basketball play-off in Dagupan (R01)
  • RDC-1 conducts 2012 ICT congress (R01)
  • Practice good governance in infra projects - Sec. Singson (R01)
  • Tagalog News: Caoayan, nagkamit ng 'Seal of Good Housekeeping” award (R01)
  • Tagalog News: Sapat na klasrum, fasilidad at edukasyon para sa lahat, tugon ng Ilocos Norte sa MDG (R01)
  • Ilocos Norte inches closer to achieving MDG targets for education (R01)

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines