Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Sunday, 28 November 2021 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
Region R01 Submenu
Latest News
News Headlines
Foto Releases
One Luzon
PIA-1 Foto Gallery
PIA-1 on Facebook
120201-r1-stats3

STATISTICAL MEDIA APPRECIATION SEMINAR: In simple appreciation of the support extended to the Regional Development Council as lecturer during the "Statistical Appreciation Seminar for Media", a Certificate of Appreciation is awarded to Dr. Irenea Ubungen of the NSCB-1 (center) who discussed about the Regional Income Accounts, with DRD Jennilyne C. Role of PIA-1 (left) and Lily Grace Orcino (right) of NEDA-1. The event is spearheaded by the RDC-Development Communication Support Committee chaired by PIA held at NEDA office in San Fernando City. (captioned by: JCR/MHHerrera/photo by: Ricky Naungayan)
Ilocos Region

PIA Press Release
Friday, January 20, 2012

Tagalog News: 4Ps susi sa pagkamit ng MDG target

ni Carlo P. Canares

LAOAG CITY, Jan. 20 (PIA) -- Magandang programa ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps upang maabot ang mga Millennium Development Goals (MDGs) sa Ilocos Norte, ayon sa opisyal ng Kagawaran ng Kagalingang Panlipunan at Pagpapaunlad (Department of Social Welfare and Development).

Sinabi ni Lilian Rin, Provincial Social Welfare and Development Officer, “malaking tulong ang programa para maabot ang ‘Edukasyon para sa Lahat (Universal Primary Education), Pagbabawas ng kagutoman (Eradicating Hunger), Pagalis ng diskriminasyon sa kababaihan (Promoting Gender and Equality), Pagbabawas ng dami ng namamatay na mga bata (Reducing Child Mortality), at, Pagpapabuti ng kalusugan ng buntis (Improving Maternal Health Care).”

Ang 4Ps ay programa ng DSWD na nagbibigay ng insentibo sa mga mahihirap na pamilya upang labanan ang mga problema na dulot ng kahirapan.

Ayon kay Rin, mayroon labindalawang bayan at isang lungsod ang napili sa lalawigan para sa programa ngayong taon.

Ito ay ang Laoag City at mga bayan ng Bacarra, Dingras, Sarrat, Dumalneg, Vintar, Piddig, Badoc, Solsona, Pasuquin, Pagudpud, Paoay at Burgos.

“Ito ang mga bayan kung saan nagkaroon na ng pagpupulong sa mga komunidad, oryentasyon ukol sa programa at pagpaparehistro ng mga benipisyaryo,” sabi ni Rin.

Upang maabot ang MDGs ay mayroon mga kondisyon na kailangan sundin ang mga benipisyaryo.

Paliwanag ni Rin, ang mga bata o anak sa isang pamilya ay nararapat na palagian pumapasok sa paaralan o sakali man na hindi makapasok ay kailangan na hindi bababa sa 85 porsyento ang kabuoang mga araw ng ipinasok ng mga ito. Bukod dito ay kailangan sila na regular na nagpapatingin o tsek-ap sa Rural Health Unit at kumpleto ang bakuna.

Ang mga buntis naman ay kinakailangan na regular ang pagpapatingin sa Rural Health Unit upang masiguro ang kaligtasan ng ina at sanggol.

At ang mga magulang ay kinakailangan dumalo sa ‘Good Parenting, Parent Effectiveness’ na mga klase.

Bilang insentibo ay bibigyan bawat buwan ng P300 ang bawat bata upang makapag-aral (hindi hihigit sa tatlong bata sa bawat pamilya) at P500 para sa gastusin sa kalusugan ng ina at mga anak.

“Limang taon ang itatagal ng programa at inaasahan na magiging maganda ang resulta sa mga pamilya at maabot na din ang MDGs sa Ilocos Norte,” sabi ni Rin. (ANL/CPC-PIA 1 Ilocos Norte)

 
Latest Stories
  • DSWD 1 marks its 61st anniversary celeb in February (R01)
  • 55 members of SEA-K in Santol receive capital assistance (R01)
  • DSWD-1’s partner agencies offer programs, services to 100 4Ps beneficiaries in Ilocos Sur (R01)
  • E-Trike Design contest aims to refurbish tricycle (R01)
  • Major PNP reform, accomplishments cited (R01)
  • Tagalog News: Patuloy ang mga programa para sa matatanda sa IN (R01)
  • OFWs treated fairly in Taiwan, says MECO chief (R01)
  • Tagalog News: Kaso ng illegal logging sa IN bumaba (R01)
  • Intensity 4 tremor hits Northern Luzon (R01)
  • Sports news: DBL holds basketball play-off in Dagupan (R01)
  • RDC-1 conducts 2012 ICT congress (R01)
  • Practice good governance in infra projects - Sec. Singson (R01)
  • Tagalog News: Caoayan, nagkamit ng 'Seal of Good Housekeeping” award (R01)
  • Tagalog News: Sapat na klasrum, fasilidad at edukasyon para sa lahat, tugon ng Ilocos Norte sa MDG (R01)
  • Ilocos Norte inches closer to achieving MDG targets for education (R01)

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines