Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Sunday, 28 November 2021 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
Region R01 Submenu
Latest News
News Headlines
Foto Releases
One Luzon
PIA-1 Foto Gallery
PIA-1 on Facebook
120201-r1-stats3

STATISTICAL MEDIA APPRECIATION SEMINAR: In simple appreciation of the support extended to the Regional Development Council as lecturer during the "Statistical Appreciation Seminar for Media", a Certificate of Appreciation is awarded to Dr. Irenea Ubungen of the NSCB-1 (center) who discussed about the Regional Income Accounts, with DRD Jennilyne C. Role of PIA-1 (left) and Lily Grace Orcino (right) of NEDA-1. The event is spearheaded by the RDC-Development Communication Support Committee chaired by PIA held at NEDA office in San Fernando City. (captioned by: JCR/MHHerrera/photo by: Ricky Naungayan)
Ilocos Region

PIA Press Release
Tuesday, January 24, 2012

Ilocano News: Vigan Langgonisa, May Sangkap na Kultura ng mga Ilokano

VIGAN CITY, Jan 24 (PIA) -- Ang Vigan Langgonisa, na itinuturing ding “One Town, One Product” (OTOP) at isa sa mga “best selling” products ng Heritage City na isang makasaysayang pook na dinadagsa ng mga turista, ay may sangkap na kultura at tradisyon ng mga Ilokano.

Ayon kay Esperanza Tacata, isa sa mga tindera ng Vigan Langgonisa sa Gov. Evaristo “Titong” Singson Commercial Complex na nagsisilbing public market ng siyudad, na mula pa sa kanyang lola namana niya ang negosyong ito.

“Manipud lelang daydi lelang ko nagtitinnawidan ti pulimi daytoy panagaramidan ken panaglako ti langgonisa,” (Mula lola ng lola ko minana ng aming angkan ang paggawa at pagtitinda ng langgonisa), idiniin ni Nana Esperanza na taga Pantay Daya sa Vigan.

Sa dating Ciudad Fernandina nagmumula ang mga orihinal na gumagawa ng langgonisa lalo na sa Barangay Pagpartian na lugar ng mga ninuno ni Nana Esperanza. Pati ang kanyang kabiyak ay natuto na ring gumawa at magtimpla ng masarap at hanap-hanaping Vigan Langgonisa.

Sinabi ng Biguenang maglalanggonisa na ang kanyang stall sa ikalawang palapag ng public market, ang Imelda Tacata’s Langgonisa ay pag-aari ng kanyang anak na nasa Amerika . Marami ang naitulong ng negosyong ito sa aming pamilya para gumanda ang pamumuhay, idinagdag niya sa pakikipanayam sa kanya habang dinudumog ng mga customers ang kanyang tinda.

“Naging popular na ang produktong ito ng Vigan kaya pati mga turista ay pumupunta na sa mismong tindahan para dito na bumili,” sinabi ni Nana Esperanza habang nagtitimbang pa ng karneng baboy na itinitinda niya maliban sa langgonisa.

Sinabi niya na ang Vigan langgonisa ay kakaiba sa mga langgonisa na gawa sa ibang bayan o lalawigan “ngunit ngayon dumadami na ang nagtitinda at kung sino-sino na ang gumagawa ng langgonisa ngunit marami pa ring humahanap ang orihinal na sarap o kalidad.”

Sa issue ng “botcha” o double dead na karne ng baboy, sinabi niya na hindi sila nababahala dahil ang mga baboy mula sa lalawigan ang pinagkukunan nila ng karne na sangkap nila sa paggawa ng langgonisa at hindi iyong galing sa ibang lugar.

Samantala, inihayag ni Mayor Eva Marie Singson Medina na dapat maprotektahan ang industriya ng langgonisa sa siyudad dahil sa banta ng “botcha” na mula sa Tarlac o Pampanga o Bulacan na ipinag-utos sa nabuong task Force na magmanman at alerto sa mga pumapasok na karne sa Heritage City. (ANL/BPP-PIA 1 Ilocos Sur)

 
Latest Stories
  • DSWD 1 marks its 61st anniversary celeb in February (R01)
  • 55 members of SEA-K in Santol receive capital assistance (R01)
  • DSWD-1’s partner agencies offer programs, services to 100 4Ps beneficiaries in Ilocos Sur (R01)
  • E-Trike Design contest aims to refurbish tricycle (R01)
  • Major PNP reform, accomplishments cited (R01)
  • Tagalog News: Patuloy ang mga programa para sa matatanda sa IN (R01)
  • OFWs treated fairly in Taiwan, says MECO chief (R01)
  • Tagalog News: Kaso ng illegal logging sa IN bumaba (R01)
  • Intensity 4 tremor hits Northern Luzon (R01)
  • Sports news: DBL holds basketball play-off in Dagupan (R01)
  • RDC-1 conducts 2012 ICT congress (R01)
  • Practice good governance in infra projects - Sec. Singson (R01)
  • Tagalog News: Caoayan, nagkamit ng 'Seal of Good Housekeeping” award (R01)
  • Tagalog News: Sapat na klasrum, fasilidad at edukasyon para sa lahat, tugon ng Ilocos Norte sa MDG (R01)
  • Ilocos Norte inches closer to achieving MDG targets for education (R01)

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines