PIA Press Release Thursday, January 26, 2012Tagalog News: Caoayan, nagkamit ng 'Seal of Good Housekeeping” awardby Ben P. PacrisCAOAYAN, Ilocos Sur, Jan. 26 (PIA) -- Nagkamit ng “Seal of Good Housekeeping Award" ang maliit na bayan ng Caoayan--lupang pinagmulan ng dating Presidente Elpidio Quirino--dahil sa pagtupad ng pamahalaang lokal sa "transparency and accountability policy" ni Presidente Bengno Aquino III alinsunod sa "matuwid na daan." Pinarangalan ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang pamahalaang lokal ng Caoayan dahil sa maayos at malinis na pamamalakad ng mga proyekto at programa, na pangunahing batayan sa pagpili na naturang parangal. “Lahat ng programa at proyekto ng municipal government--pati mga expenditures at procurement process--ay bukas sa publiko para maiwasan ang katiwalian at ang hindi makatarungang paggastos ng pondo ng munisipiyo,” ayon kay Mayor Germelina “Germy” Singson–Goulart. Kabilang sa mga proyekto ng lokal na pamahalaan ang “One Barangay, One Product” tulad ng “abel” (loom weaving), at pagpapatayo ng modernong Municipal Building o “Balay ti Ili” na may mga modernong kagamitan para sa iba’t-ibang ahensiya ng gobyerno. Ang tatlong palapag na gusali ay mayroong Senior Citizens Center. Matatapos ang bagong munisipiyo sa Nobyembre, sabay sa pista ng bayan. (RDA/ANL/BPP-PIA 1 Ilocos Sur) |