Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Thursday, 24 August 2017 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
Region R03 Submenu
Latest News
News Headlines
Foto Releases
One Luzon
Special Issues
120130-r3-presscon

Press Conference of the groundbreaking of $50 million Philippine Academy for Aviation Training (PAAT) in Holiday Inn, Clark Freeport Zone, Pampanga on January 24, 2012 with Clark Development Corporation President Felipe Antonio Remollo, Regional Business Leader of CAE Kevin Speed, Cebu Pacific President and CEO Lance Gokongwei, and Canada’s Parliamentary Secretary to the Ministry of Foreign Affairs Deepak Obhrai. (Photo by Roel Lazaro PIA 3)
Central Luzon Region

PIA Press Release
Monday, January 30, 2012

Tagalog News: 7th ID Commander, may bagong misyon sa Western Visayas

ni Lyndon Plantilla

CABANATUAN CITY, Nueva Ecija, Enero 30 (PIA) -- Ipinarating ni 7th Infantry Division (7th ID) Commander Major General Jolly Mabanta ang kanyang pasasalamat sa tulong at kooperasyong kanyang tinanggap mula sa kanyang mga tauhan at sa mga mamamayan ng Nueva Ecija.

Si General Mabanta ay naatasang pamunuan ang 3rd Infantry Division sa Western Visayas. Hahalili sa kanya ang dating commander ng 802nd Brigade ng Philippine Army na si Brigadier General Allan Luga.

Ayon kay Mabanta, umaasa siya na sa bagong posisyon at lugar na kanyang pamumunuan ay matagpuan din niya ang katulad na pakikipagtulungan at pagkakaisa na nakita at naranasan niya sa Kaugnay Division ng AFP.

Bagaman sa maikling panahon ng pamumuno sa7th ID, sinabi ni Mabanta na naging produktibo ang kanyang pagkakatalaga sa naturang dibisyon at ang pagkakatalaga niya sa Western Visayas ay parte ng mga palagiang pagbabago sa AFP.

Sa ilalim ng panunungkulan ni General Mabanta, maraming beses nakisalamuha ang 7th ID sa mga mamamayan.

Kabilang na rito ang paglahok sa mga programa ng pamahalaan gaya ng National Greening Program kung saan may ilang mga sundalo ang sinanay sa pagtatanim at pagpaparami ng kawayan.

Nilalayon nitong makatulong ang 7th ID sa pagpapalaganap ng kaalaman sa mga kanayunan para magamit sa mga proyektong pangkabuhayan.

Sinuportahan din ni General Mabanta ang pagkakaroon ng isang tanggapan sa 7th ID para sa army reservists (gaya ng mga lider-negosyante, inhinyero, guro at mga miyembro ng media) para lumawak ang papel ng mga sibilyan sa community development.

Noong nakaraang linggo, nagkaroon ng konsultasyon sa pagitan ng 7th ID at ng mga lokal na pamahalaan, mga lider-simbahan, media at samahan ng mga mamamayan tulad ng mga magsasaka hinggil sa kanilang internal peace and security plan.

Naniniwala si General Mabanta na hindi lang aksyong militar ang kailangan sa pagpapalaganap ng kapayapaan at kaunlaran kundi pati ang partisipasyon ng lahat ng sektor sa lipunan.

Magpapalabas ng anunsyo ang 7th ID kung kailan gaganapin ang change of command ceremonies para kay General Mabanta. (WLB/LDRP PIA-3)

 
Latest Stories
  • Tagalog News: Libreng operasyon sa mata, ipagkakaloob sa mga may katarata, pugita (R03)
  • DOH gives free cataract operation to Bulakeños (R03)
  • Tagalog News: ‘A Day of Prayer,’ isinagawa sa Bulacan (R03)
  • ‘A Day of Prayer’ for Bulacan’s future (R03)
  • Tagalog News: CSC 3 patuloy na tumatanggap ng mga nominasyon para sa 2012 Search for Outstanding Public Officials and Employees (R03)
  • CSC 3 continues to accept nominations for the 2012 Search for Outstanding Public Officials and Employees (R03)
  • San Fernando to celebrate 11th Cityhood anniversary (R03)
  • Information saves lives (R03)
  • Tagalog News: Kabataang lumabag sa curfew, dadalhin sa Kanlungan Center (R03)
  • Youth curfew violators to stay overnight in Kanlungan Center (R03)
  • PNoy proclaims Feb. 3 a holiday in Bulacan (R03)
  • Tagalog News: Peb. 3, idineklara ni PNoy bilang isang non-working day sa Bulacan (R03)
  • Tagalog News: 7th ID Commander, may bagong misyon sa Western Visayas (R03)
  • 7th ID Commander gets new assignment in Western Visayas (R03)
  • Tagalog News: CSC 3 tumatanggap na ng mga aplikasyon para sa unang Career Service Paper and Pencil tests ngayong taon (R03)

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines