Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Thursday, 9 December 2021 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
Region R05 Submenu
Latest News
News Headlines
Foto Releases
120130-r5-hospital

Masbate Governor Rizalina Seachon-Lanete inspects the construction site of the new 200-bed capacity hospital. (PIA Masbate)
Bicol Region

PIA Press Release
Thursday, January 05, 2012

Tagalog News: Sapat ang suplay ng bigas hanggang Hunyo --NFA

ni Reyjun Villamonte

DAET, Camarines Norte, Enero 5 (PIA) -- Siniguro ng National Food Authority (NFA) na sapat ang supply ng bigas sa lalawigan ng Camarines Norte mula Enero hanggang Hunyo ngayong taon.

Ito ay sa kabila ng mga nagdaang bagyo at tag-ulan. Hindi gaanong naapektuhan at naging maganda naman ang produksiyon ng palay sa lalawigan.

Ito ang mga naging pahayag ni Provincial Manager Jose Danilo Nieves ng National Food Authority dito. Ayon sa kanya, may nakalaan na 102,400 bags ng palay na magtatagal hanggang kalahating taon sa kanilang warehouse, at 27,000 bags ng bigas.

Ayon pa kay Nieves, target na magagamit ngayong taon ang 77,000 bags ng bigas na magtatagal hanggang Hunyo at siniguro din na hindi ito magkukulang dahil patuloy pa rin ang mga magsasaka na nakikipag-ugnayan sa kanilang tanggapan para sa produksiyon ng palay na kanilang ipagbibili.

Ang bilihan ngayon ng palay sa tanggapan ng National Food Authority ay P17 bawat kilo at may dagdag pa itong insentibo sa mga magsasaka sa mga magbebenta ng palay sa kanilang tanggapan, dagdag pa ni Nieves.

Ang NFA rice ngayon ay mabibili pa rin sa halagang P27 bawat kilo na matatagpuan sa mga bigasang bayan sa palengke, Tindahan Natin, mga barangay at sa mga parokya.

Patuloy rin ang kanilang price monitoring at wala pang naitatalang pagtataas sa presyo ng bigas sa mga pangunahing bilihin. (MAL/RBM/ROV, PIA Camarines Norte)

 
Latest Stories
  • 8 LGUs in Bicol cited as best eco-waste management implementers (R05)
  • 751 beneficiaries receive livelihood support in 2011 from DOLE (R05)
  • CamSur town, Minalabac inaugurates birthing facility (R05)
  • 9 LGUs in Albay receive Seal of Good Housekeeping Award (R05)
  • 9 LGUs in Albay receive Seal of Good Housekeeping Award (R05)
  • CamSur town, Minalabac inaugurates birthing facility (R05)
  • Bayan Muna, Gabriela launch scholarship program at CSC (R05)
  • Casiguran town hosts leadership training for student leaders (R05)
  • Rice Self Sufficiency program on track - Alcala (R05)
  • Stakeholders meet with GSIS Prexy (R05)
  • Casiguran town hosts leadership training for student leaders (R05)
  • Rice Self Sufficiency program on track - Alcala (R05)
  • Legazpi is next wave city for BPO (R05)
  • Tagalog news: Bagong sistema kailangan sundin ng mga aplikante sa Napolcom exams (R05)
  • CSC receives P1.5M from BFAR for inland fishery development (R05)

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines