Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Thursday, 9 December 2021 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
Region R05 Submenu
Latest News
News Headlines
Foto Releases
120130-r5-hospital

Masbate Governor Rizalina Seachon-Lanete inspects the construction site of the new 200-bed capacity hospital. (PIA Masbate)
Bicol Region

PIA Press Release
Thursday, January 05, 2012

Tagalog News: Gun owners sa Masbate tahimik at maingat ang pagsalubong sa 2012

LUNGSOD NG MASBATE, Enero 5 (PIA) -- Wala ni isa man ang natamaan ng ligaw na bala sa kasagsagan ng pagsalubong ng mga Masbatenyos sa Bagong Taon.

Maliban sa isang insidente ng pamamaril sa lungsod ng Masbate na nag-ugat sa away sa kapirasong lupa, walang naitala ang pulisya na insidente ng pagpapaulan ng bala mula sa tinatayang libo-libong baril na nasa kamay ng mga sibilyan, pulis at militar sa lalawigan.

Matapos pangunahan ang seremonya ng pagtanggal ng silyo sa mga baril ng mga hepe ng municipal police stations kahapon, tiniyak ni Supt. Jeffrey Fernandez, ang deputy provincial director for administration, na walang alagad ng batas sa lalawigan ang nagpaputok ng baril sa pagdiriwang ng pagpasok ng taong 2012.

Pinuri ni Supt. Fernandez ang aniya’y pagsunod ng kanyang mga tauhan sa direktiba ng pamunuan ng Philippine National Police laban sa indiscriminate firing, gayundin ang mga sibilyan dahil sa zero incident ng indiscriminate firing.

Sa kaugnay na balita, kinumpirma ngayon ng mga otoridad sa kalusugan na anim kabilang ang dalawang bata ang kabuuang bilang ng nasaktan dahil sa paputok sa paghiwalay ng taong 2011 at 2012.

Sa isang belated report na ipinalabas ng Provincial Health Office, ang anim na bahagyang nasugatan dahil sa kwitis, whistle bomb, piccolo at pla-pla ay naitala sa lungsod ng Masbate at mga bayan ng Baleno at Mobo.

Walang ibinigay na datus na mapagkukumparahan subalit sa memorya ng mamamayan, ito na ang pinakamaliit na naitalang bilang ng firecracker injuries sa lalawigan sa maraming taon.

Bukod sa mahigit sa kalahati ng suplay ng paputok sa lungsod ang kinumpiska at inilublob sa tubig ng pulisya dahil sa paglabag sa mga alituntunin, ipinapalagay ng mga nagtinda ng paputok na matumal ang bentahan dahil sa umiwas na ang marami sa peligro na kaakibat ng pagpapaputok.

Para naman sa mga superstitious, ang zero incident ng indiscriminate firing at konting bilang ng mga firecracker injuries ay tanda na magniningning ang bituin ng Masbate sa taong 2012. (MAL/EADelgado, PIA Masbate)

 
Latest Stories
  • 8 LGUs in Bicol cited as best eco-waste management implementers (R05)
  • 751 beneficiaries receive livelihood support in 2011 from DOLE (R05)
  • CamSur town, Minalabac inaugurates birthing facility (R05)
  • 9 LGUs in Albay receive Seal of Good Housekeeping Award (R05)
  • 9 LGUs in Albay receive Seal of Good Housekeeping Award (R05)
  • CamSur town, Minalabac inaugurates birthing facility (R05)
  • Bayan Muna, Gabriela launch scholarship program at CSC (R05)
  • Casiguran town hosts leadership training for student leaders (R05)
  • Rice Self Sufficiency program on track - Alcala (R05)
  • Stakeholders meet with GSIS Prexy (R05)
  • Casiguran town hosts leadership training for student leaders (R05)
  • Rice Self Sufficiency program on track - Alcala (R05)
  • Legazpi is next wave city for BPO (R05)
  • Tagalog news: Bagong sistema kailangan sundin ng mga aplikante sa Napolcom exams (R05)
  • CSC receives P1.5M from BFAR for inland fishery development (R05)

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines