Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Thursday, 9 December 2021 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
Region R05 Submenu
Latest News
News Headlines
Foto Releases
120130-r5-hospital

Masbate Governor Rizalina Seachon-Lanete inspects the construction site of the new 200-bed capacity hospital. (PIA Masbate)
Bicol Region

PIA Press Release
Friday, January 06, 2012

Tagalog News: Pagtatayo ng Climate Change Academy, isang tagumpay

LUNGSOD NG LEGAZPI, Enero 6 (PIA) -- Inilahad ng Center for Initiatives and Research on Climate Change Adaptation (CIRCA) ang kanilang Top 25 Achievements para sa taong 2011 sa patuloy na pagtaguyod ng mga programa para matugunan ang mga hamon at epekto ng pagbabago ng klima.

Ang pagpapasinaya ng Climate Change Academy na itinayo sa Bicol University noong nakaraang Nobyembre 25 ang siyang tinuturing na pinakamalaking proyektong naisagawa.

Ayon kay CIRCA director Nong Rangasa, ang CCA ay gantimpala ng kanilang matatag na paniniwala na makapagbigay ng kaukulang serbisyo sa kabila nang hirap, maliit na sahod, at kakulangan lalo na sa kanilang kinakailangang, logistical support.

“Looking at the academy, we can proudly say that this is the product of the sweat of our brows,” aniya Rangasa.

Kasama sa ginawang inauguration ng gusali ng CCA ay ang 1st National Media Conference on Climate Change Adaptation, na dinaluhan ni Pangulong Benigno Aquino III.

Sa taong 2010 ay matagumpay na isinagawa ang mga pagsasanay na naglalayong mapaunlad ang kakayanan ng mga barangay officials sa pagsasagawa ng Barangay Contingency plan na ayon sa Disaster Risk Reduction at Climate Change Adaptation advocacy na sinimulan ni Albay Governor Joey Salceda.

Ito ay ginawa sa 100 barangay na nasasakop ng munisipalidad ng Manito, Bacacay, at Rapu-Rapu. Gayundin, ang Higher Education Institutions (HEI) ay nagbigay ng kaukulang pagsasanay sa mga tagapagsanay bilang bahagi ng paghahanda sa pagsama ng Climate Change sa kurikulum ng mga paaralan sa lalawigan ng Albay at buong probinsya ng Bikol.

Ang pakikipagtulungan naman sa iba’t ibang kawani ng gobyerno at LGU mapalokal at international man, kasama na ang United Nations System at League of provinces, cities, and municipalities of the Philippines, ay patuloy na napatatag sa pamamagitan ng summits, assemblies, at fora na naisagawa noong nakaraang taon.

Gayunpaman, iginiit ni Rangasa ang hamon na lampasan ang kanilang mga nagawa para sa 2011. Sa kasalukuyan ay inihahanda ang mga plano para sa Climate Change Adaptation at Disaster Risk Reduction upang patuloy na makapagbigay ng kaukulang serbisyo ang CIRCA di lamang sa lalawigan ng Albay kundi pati na rin sa buong bansa, dagdag pa ni Rangasa.(MAL/SAA-PIA V Albay)

 
Latest Stories
  • 8 LGUs in Bicol cited as best eco-waste management implementers (R05)
  • 751 beneficiaries receive livelihood support in 2011 from DOLE (R05)
  • CamSur town, Minalabac inaugurates birthing facility (R05)
  • 9 LGUs in Albay receive Seal of Good Housekeeping Award (R05)
  • 9 LGUs in Albay receive Seal of Good Housekeeping Award (R05)
  • CamSur town, Minalabac inaugurates birthing facility (R05)
  • Bayan Muna, Gabriela launch scholarship program at CSC (R05)
  • Casiguran town hosts leadership training for student leaders (R05)
  • Rice Self Sufficiency program on track - Alcala (R05)
  • Stakeholders meet with GSIS Prexy (R05)
  • Casiguran town hosts leadership training for student leaders (R05)
  • Rice Self Sufficiency program on track - Alcala (R05)
  • Legazpi is next wave city for BPO (R05)
  • Tagalog news: Bagong sistema kailangan sundin ng mga aplikante sa Napolcom exams (R05)
  • CSC receives P1.5M from BFAR for inland fishery development (R05)

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines