Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Thursday, 9 December 2021 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
Region R05 Submenu
Latest News
News Headlines
Foto Releases
120130-r5-hospital

Masbate Governor Rizalina Seachon-Lanete inspects the construction site of the new 200-bed capacity hospital. (PIA Masbate)
Bicol Region

PIA Press Release
Friday, January 06, 2012

Tagalog News: Turismo prayoridad ngayon ng pamahalaang bayan ng Pto. Diaz

ni Bennie A. Recebido

LUNGSOD NG SORSOGON, Jan 6 (PIA) –- Pagsusulong ng turismo ang prayoridad ngayon ng pamahalaang lokal ng Prieto Diaz, Sorsogon dahilan sa mayamang potensyal pangturismo ng bayang ito.

Ayon kay Prieto Diaz municipal Mayor Jocelyn Lelis na sa ilalim ng kanyang administrasyon nais niyang malinang at mapaganda pa ang mga lugar pangturismo sa kanyang bayan kung kaya’t hiniling nito sa pamahalaang probinsyal sa pamamagitan ni Sorsogon Governor Raul R. Lee na mapaglaanan din ngkaukulang pondo ang mga imumungkahi niyang programang pangturismo doon.

Matatandaang nagkaroon na ng inisyal na pagbabaha-bahagi ng P350 milyong pondong inutang ng pamahalaang probinsyal ng Sorsogon upang isulong ang mga proyekto at programamng magdadala ng kaunlaran sa lalawigan.

Sinabi ni Lelis na positibo siyang mabibigyang-pansin ng provincial government ang kanilang bayan kahit pa nga kabilang ito sa 5th class municipality.

Partikular niyang pinangalanan ang Sabang Beach at Nagsurok Cave sa mga destinasyong pangturismo ng Pto. Diaz na nais niyang malinang at mapaganda pa nang sa gayon ay dayuhin ito ng mas marami pang mga turista.

Maliban sa dalawang lugar, isa din ang Pto. Diaz sa mga piling priority wetlands sa bansa at sanktwaryo ng halos ay 408 na uri ng mga dumadayong ibon mula sa iba’t-ibang mga bansa sa Asya. Partikular na dinadayo ng mga ibong ito ang mga barangay ng Sabang, Diamante, Rizal, at Quidolog.

Dagdag pa niya na tiyak ding masisiyahan ang mga turista sa mga makikita nilang sea grasses at mangrove plantation sa nasabing bayan.

Ang bayan ng Prieto Diaz ay may 23 mga barangay kung saan ang ilang mga pangalan nito ay hango sa yamang-mineral tulad ng Diamante, Tupaz, Perlas, at iba pa. (www.bicol.da.gov.ph /BAR-PIA Sorsogon)

 
Latest Stories
  • 8 LGUs in Bicol cited as best eco-waste management implementers (R05)
  • 751 beneficiaries receive livelihood support in 2011 from DOLE (R05)
  • CamSur town, Minalabac inaugurates birthing facility (R05)
  • 9 LGUs in Albay receive Seal of Good Housekeeping Award (R05)
  • 9 LGUs in Albay receive Seal of Good Housekeeping Award (R05)
  • CamSur town, Minalabac inaugurates birthing facility (R05)
  • Bayan Muna, Gabriela launch scholarship program at CSC (R05)
  • Casiguran town hosts leadership training for student leaders (R05)
  • Rice Self Sufficiency program on track - Alcala (R05)
  • Stakeholders meet with GSIS Prexy (R05)
  • Casiguran town hosts leadership training for student leaders (R05)
  • Rice Self Sufficiency program on track - Alcala (R05)
  • Legazpi is next wave city for BPO (R05)
  • Tagalog news: Bagong sistema kailangan sundin ng mga aplikante sa Napolcom exams (R05)
  • CSC receives P1.5M from BFAR for inland fishery development (R05)

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines