Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Thursday, 9 December 2021 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
Region R05 Submenu
Latest News
News Headlines
Foto Releases
120130-r5-hospital

Masbate Governor Rizalina Seachon-Lanete inspects the construction site of the new 200-bed capacity hospital. (PIA Masbate)
Bicol Region

PIA Press Release
Friday, January 06, 2012

Tagalog News: Truckload na tabla nasabat sa Masbate

LUNGSOD NG MASBATE, Enero 8 (PIA)—- Isang trak na puno ng tabla ang nasabat kamakalawa ng pulisya sa lungsod ng Masbate kaugnay na rin ng pinaigting na kampanya para mahinto ang problema pagtotroso sa lalawigan.

Bagama’t may ipinakitang permit sa pagputol mula sa Department of Environment and Natural Resources, sinamsam ng mga kaanib ng pulis ng Masbate City ang trak at ang laman nitong mga gemelina flitches dahil mas marami ito sa nakasaad sa naturang permiso.

Ayon kay city chief of police Supt. Rodolfo Abella, 2,120 board feet lamang ang may permiso subalit 2,791 board feet ang hinakot ng truck.

Papasok na sa city proper ang truck na minamaneho ng isang Ronald Cos nang mamataan ng patrol team ni SPO1 George Burgos bandang alas 11 ng umaga nang Myerkules.

Ang nagpahakot ng troso na nakilala sa pangalang Dante Lerit at ang drayber at pitong pahinante nito ay nakakulong ngayon matapos sampahan ng City Prosecution Office ng kasong kriminal sa paraan ng inquest proceedings.

Isinisisi sa deforestation ang mga natural na kalamidad na sunod-sunod na sumalanta sa iba’t ibang dako ng bansa kaya inuutos ng Pangulong Benigno Aquino sa Anti-Illegal Logging Task Force ang pag-usig sa mga lumabag sa forestry code. (MAL/EAD-PIA Masbate)

 
Latest Stories
  • 8 LGUs in Bicol cited as best eco-waste management implementers (R05)
  • 751 beneficiaries receive livelihood support in 2011 from DOLE (R05)
  • CamSur town, Minalabac inaugurates birthing facility (R05)
  • 9 LGUs in Albay receive Seal of Good Housekeeping Award (R05)
  • 9 LGUs in Albay receive Seal of Good Housekeeping Award (R05)
  • CamSur town, Minalabac inaugurates birthing facility (R05)
  • Bayan Muna, Gabriela launch scholarship program at CSC (R05)
  • Casiguran town hosts leadership training for student leaders (R05)
  • Rice Self Sufficiency program on track - Alcala (R05)
  • Stakeholders meet with GSIS Prexy (R05)
  • Casiguran town hosts leadership training for student leaders (R05)
  • Rice Self Sufficiency program on track - Alcala (R05)
  • Legazpi is next wave city for BPO (R05)
  • Tagalog news: Bagong sistema kailangan sundin ng mga aplikante sa Napolcom exams (R05)
  • CSC receives P1.5M from BFAR for inland fishery development (R05)

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines