Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Thursday, 9 December 2021 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
Region R05 Submenu
Latest News
News Headlines
Foto Releases
120130-r5-hospital

Masbate Governor Rizalina Seachon-Lanete inspects the construction site of the new 200-bed capacity hospital. (PIA Masbate)
Bicol Region

PIA Press Release
Monday, January 09, 2012

Tagalog News: P43.1M ipinagkaloob sa Masbate LGUs na magaling sa “Housekeeping”

ni Ernie A. Delgado

LUNGSOD NG MASBATE, Enero 9 (PIA) -– Pinagkalooban ng Department of the Interior and Local Government ng dagdag na pondo ang Masbate bilang gantimpala sa magaling na pamumuno ng ilang local government units (LGUs) sa lalawigan.

Sa kanyang sulat sa mga LGUs petsa Enero 3, ipinaalam ni DILG Masbate provincial director Renato Alaurin na paghahatian ang P43.1 milyon ng isang dosenang LGUs na nakakuha sa tinatawag na “DILG Seal of Good Housekeeping.”

Ayon kay Alaurin, pinakamalaking bahagi ng P43.1 milyon ang ipinagkaloob sa pamahalaan ni Masbate City Mayor Socrates Tuason na tatanggap ng P20 milyon.

Halagang P15 milyon naman ang matatanggap ng pamahalaang panlalawigan.

Ang ibang nakahati nila ay ang bayan ng Cataingan na tatanggap ng P1 milyon; Cawayan, P1 milyon; Placer, P1 milyon; Claveria, P900,000; Baleno, P800,000; Mobo, P800,000; Dimasalang, P700,000; Monreal, P700,000; Palanas, P700,000; at Esperanza, P500,000.

Ayon kay DILG regional director Blandino Maceda, ang mga naturang halaga ay magsisilbing dagdag na panggastos sa Annual Investment Program ng LGUs.

Kabilang sa mga proyektong maaring paglaanan ay rural electrification, farm-to-market roads, at mga local na kalsadang nakadugtong sa highway, local economic enterprises, at flood control.

Sa liderato ni Secretary Jesse Robredo, itinatag ng DILG ang Local Government Support Fund upang gantimpalaan ang mga LGUs na mapapatunayang magaling ang pamumuno. (MAL/EAD-PIA Masbate)

 
Latest Stories
  • 8 LGUs in Bicol cited as best eco-waste management implementers (R05)
  • 751 beneficiaries receive livelihood support in 2011 from DOLE (R05)
  • CamSur town, Minalabac inaugurates birthing facility (R05)
  • 9 LGUs in Albay receive Seal of Good Housekeeping Award (R05)
  • 9 LGUs in Albay receive Seal of Good Housekeeping Award (R05)
  • CamSur town, Minalabac inaugurates birthing facility (R05)
  • Bayan Muna, Gabriela launch scholarship program at CSC (R05)
  • Casiguran town hosts leadership training for student leaders (R05)
  • Rice Self Sufficiency program on track - Alcala (R05)
  • Stakeholders meet with GSIS Prexy (R05)
  • Casiguran town hosts leadership training for student leaders (R05)
  • Rice Self Sufficiency program on track - Alcala (R05)
  • Legazpi is next wave city for BPO (R05)
  • Tagalog news: Bagong sistema kailangan sundin ng mga aplikante sa Napolcom exams (R05)
  • CSC receives P1.5M from BFAR for inland fishery development (R05)

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines