Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Thursday, 9 December 2021 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
Region R05 Submenu
Latest News
News Headlines
Foto Releases
120130-r5-hospital

Masbate Governor Rizalina Seachon-Lanete inspects the construction site of the new 200-bed capacity hospital. (PIA Masbate)
Bicol Region

PIA Press Release
Tuesday, January 10, 2012

Tagalog news: Pagdiriwang ng Pista ng Nazareno dinagsa ng mga deboto

ni Edna A Bagadiong

VIRAC, Catanduanes, Enero 10 (PIA) -- Dinagsa ng mga deboto mula sa iba’t-ibang sulok ng lalawigan ang taunang prosisyon at misa na isinagawa sa bayan ng Virac bilang pakikiisa sa kapistahan ng Poong Nazareno tuwing Enero 9, 2012.

Ang Itim na Nazareno na kilala rin bilang Poong Hesus ay ang gataong imahen si Hesus na may pasan pasan na krus na nakalagak sa Simbahan ng Quiapo sa Maynila, Pilipinas mula pa noong 1787.

Simula umaga ay hinigpitan na ang seguridad sa mga lugar na dadaanan ng prosisyon at nagpatupad rin ng rerouting scheme sa ilang mga kakalsadahan sa bayan ng Virac.

Nagpakalat rin ng mga kapulisan ang Philippine National Police (PNP) sa mga lugar na dinaanan ng prosisyon upang matiyak ang seguridad ng mga lumahok sa pagdiriwang.

Bukod sa mga deboto ay may ilan ring opisyal na dumalo sa prosisyon at misa na ginanap sa Nazareno Chapel na matatagpuan sa San Roque, Virac, Catanduanes.

Bago pa man ang kapistahan ng Nazareno, ilang araw ding nagdaos ng misa sa Nazareno Chapel tuwing hapon bilang paghahanda na rin sa kapistahan.

Sa kabuuan, wala naming naitalang krimen kaalinsunod ng pagdiriwang at pangkalahatang nagging mapayapa ang buong pagdiriwang. (MAL/EAB, PIA Catanduanes)

 
Latest Stories
  • 8 LGUs in Bicol cited as best eco-waste management implementers (R05)
  • 751 beneficiaries receive livelihood support in 2011 from DOLE (R05)
  • CamSur town, Minalabac inaugurates birthing facility (R05)
  • 9 LGUs in Albay receive Seal of Good Housekeeping Award (R05)
  • 9 LGUs in Albay receive Seal of Good Housekeeping Award (R05)
  • CamSur town, Minalabac inaugurates birthing facility (R05)
  • Bayan Muna, Gabriela launch scholarship program at CSC (R05)
  • Casiguran town hosts leadership training for student leaders (R05)
  • Rice Self Sufficiency program on track - Alcala (R05)
  • Stakeholders meet with GSIS Prexy (R05)
  • Casiguran town hosts leadership training for student leaders (R05)
  • Rice Self Sufficiency program on track - Alcala (R05)
  • Legazpi is next wave city for BPO (R05)
  • Tagalog news: Bagong sistema kailangan sundin ng mga aplikante sa Napolcom exams (R05)
  • CSC receives P1.5M from BFAR for inland fishery development (R05)

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines