Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Thursday, 9 December 2021 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
Region R05 Submenu
Latest News
News Headlines
Foto Releases
120130-r5-hospital

Masbate Governor Rizalina Seachon-Lanete inspects the construction site of the new 200-bed capacity hospital. (PIA Masbate)
Bicol Region

PIA Press Release
Tuesday, January 10, 2012

Tagalog news: Mga programang naisakatuparan ng pamahalaang bayan ng Daet, inilahad

ni Rosalita Base-Manlangit

DAET, Camarines Norte, Enero 10 (PIA) -– Inilahad ni Punong Bayan Tito Sarion ng Daet ang kanyang mga nagawa sa nakalipas na isa't kalahating taong panunungkulan sa harap ng miyembro ng Sanguniang Bayan sa isinagawang sesyon kahapon sa gusali ng pamahalaang bayan.

Mariing inihayag ni Sarion ang mga nagawa sa pabahay, turismo, pampalakasan at kalusugan, kultura, pakikipag-ugnayan para sa sister cities, kalikasan, land use plan, pagpapalawak ng serbisyo sa kalusugan, edukasyon at scholarship, pagbibigay trabaho, livelihood, social services, katahimikan at kaayusan, paghahanda sa kalamidad, inprastraktura at iba pa.

Sinabi ni Sarion sa mid-term ng kanyang ikalawang termino bilang punong ehekutibo ng bayan ng Daet ay naibahagi na at ang taong 2012 ay panibagong dedikasyon ng kanyang administrayon upang ipagpatuloy ang mga programa at proyekto na makakatugon sa pangangailangan ng kanyang nasasakupan.

Aniya, sa kalahating termino sa panunungkulan ay naging puno ang pakikibaka at determinasyon na malagpasan ang pagsubok upang maibigay ang ipinangako para sa bayan ng Daet.

Ngayong taon ay kanyang idinedeklara ang Visit Daet Balikbayan year, isang natatanging paraan na makakaangat ang bayan sa pamamagitan ng isang taong puno ng mga gawain kung saan bawat buwan ay may aktibidad upang bigyang pugay ang Overseas Filipino Waorkers, Migrants at iba pa na nakatira sa ibang bansa.

Ang Visit Daet ay hindi lamang sa mga balikbayan, turista o turismo kundi maging ang paghikayat sa iba't-ibang sektor na magtulungan sa pagsusulong at pag preserba ng bayan ng Daet sa pamamagitan ng pangangalaga sa kalikasan, edukasyon na may disiplina at magandang pag-uugali upang mapanatili ang kaayusan at katahimikan.

Ito rin ay magsisilbing daan na magkaroon ng dahilan upang bisitahin ang bayan ng Daet upang makita ang mga magaganda at makukulay na mga gawain at ganon din ang mga magagandang lugar, tanawin at mga makasaysayang lugar.

Inilahad niya ang mga walong parangal na natanggap kabilang ang Philippine Narcotic Enforcement Officers Association, 2011 Gawad Pamana ng Lahi, Seal of Good Housekeeping, benepisyaryo ng “Champions for Education”, best Public Employment Service Office (PESO), outstanding Brigada Eskuwela sa rehiyon, plague of recognition mula sa Presidential Commission on Urban Poor para sa Urban Poor at Socialized housing at isa sa Best LGUs practicing BPLS Reforms.

Ganon din inilatag niya ang kalagayan ng mga kasalukuyang proyekto ang pagtatayo ng Daet Central Terminal Complex, pagtatayo ng government center at legislative hall, Material Recovery Facility (MRF), Daet Multi-Purpose Center, proyektong pabahay at iba pa.

Iniulat rin ang mga proyekto, programa at iba pang gagawin ngayong taon kabilang ang implementasyon ng Electronic Busines Permits at Licensing System, environment and solid waste management, disaster risk reduction and management, solar electrification, pagtatag ng Millennium Development Goals (MDG) Council at iba pa. (RBM/PIA Camarines Norte).

 
Latest Stories
  • 8 LGUs in Bicol cited as best eco-waste management implementers (R05)
  • 751 beneficiaries receive livelihood support in 2011 from DOLE (R05)
  • CamSur town, Minalabac inaugurates birthing facility (R05)
  • 9 LGUs in Albay receive Seal of Good Housekeeping Award (R05)
  • 9 LGUs in Albay receive Seal of Good Housekeeping Award (R05)
  • CamSur town, Minalabac inaugurates birthing facility (R05)
  • Bayan Muna, Gabriela launch scholarship program at CSC (R05)
  • Casiguran town hosts leadership training for student leaders (R05)
  • Rice Self Sufficiency program on track - Alcala (R05)
  • Stakeholders meet with GSIS Prexy (R05)
  • Casiguran town hosts leadership training for student leaders (R05)
  • Rice Self Sufficiency program on track - Alcala (R05)
  • Legazpi is next wave city for BPO (R05)
  • Tagalog news: Bagong sistema kailangan sundin ng mga aplikante sa Napolcom exams (R05)
  • CSC receives P1.5M from BFAR for inland fishery development (R05)

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines