Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Thursday, 9 December 2021 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
Region R05 Submenu
Latest News
News Headlines
Foto Releases
120130-r5-hospital

Masbate Governor Rizalina Seachon-Lanete inspects the construction site of the new 200-bed capacity hospital. (PIA Masbate)
Bicol Region

PIA Press Release
Tuesday, January 10, 2012

Tagalog news: Sorsogon City mayroon nang hygiene clinic para sa mga “GRO”

ni Bennie A. Recebido

LUNGSOD NG SORSOGON, Enero 10 (PIA) –- Isa sa mga ipinagmamalaki ngayon bilang best practice ng lungsod ng Sorsogon ay ang pagkakatatag ng Hygiene Clinic na magbibigay proteksyon sa mga kababaihang naghahanap-buhay sa mga bar lalo na sa gabi.

Ayon kay Officer-In-Charge at Senior Medical Technologist Rosanna Jordan, ang hygiene clinic ay ang kauna-unahang itinayo sa lungsod ng Sorsogon na poprotekta sa kapakanan ng mga kababaihang hindi naiiwasang maging “guest relations officer” (GRO) sa lungsod.

Aniya, lahat ng mga may ganitong uri ng trabaho ay dapat na sumailaliim sa isang check-up sa nasabing kilnika upang maisyuhan ito ng yellow card.

Abiso ni Jordan sa mga lalaking mahilig mamasyal sa mga bar na mas maiging hanapin sa mga GRO ang inisyung yellow card kung saan nakasaad doon kung kailan sila huling ineksamin at kung nagpositibo ito o hindi sa anumang virus o sakit. Nakalagay din sa yellow card ang larawan ng nagmamay-ari nito at pirmado ito ng City MedTech.

Sinabi ni Jordan na sakaling mapatunayan sa check-up na may karamdaman o positibo sa mga sexually transmitted disease ang GRO ay aabisuhan itong magpahinga na muna sa kanilang trabaho at sumailalim sa kaukulang gamutan upang muling maibalik sa tamang kondisiyon ang kanilang pangangatawan.

Kung sakali naman umanong malala na ang sakit nito ay ire-refer sila sa mas mabisang ospital upang doon magpagamot o di kaya’y tuluyan na silang patitigilin sa ganitong uri ng gawain.

Subalit nanawagan pa rin si Jordan na mas mainam pa ring maghanap ang mga ito ng ibang regular na mapagkakakitaan.

Samantala, sinabi naman ni Sorsogon City Police OIC Chief Edgardo Ardales na huhulihin at sasampahan nila ng kaukulang kaso ang mag kalalakihang mahuhuling nakikipagtalik sa mga GRO, sapagkat aniya’y protektado ang mga GRO ng batas. Sa ganitong mga pagkakataon ay kinukunsidera silang biktima ng isang pagsasamantala o pang-aabuso.

May mga regular ding tauhan ang City Social Welfare and Development Office na bumibisita sa mga bar upang hikayatin ang mga ito na regular na magpasuri lalo na ngayon na mayroon nang hygience clinic ang lungsod. (MAL/FBTumalad/BARecebido, PIA Sorsogon)

 
Latest Stories
  • 8 LGUs in Bicol cited as best eco-waste management implementers (R05)
  • 751 beneficiaries receive livelihood support in 2011 from DOLE (R05)
  • CamSur town, Minalabac inaugurates birthing facility (R05)
  • 9 LGUs in Albay receive Seal of Good Housekeeping Award (R05)
  • 9 LGUs in Albay receive Seal of Good Housekeeping Award (R05)
  • CamSur town, Minalabac inaugurates birthing facility (R05)
  • Bayan Muna, Gabriela launch scholarship program at CSC (R05)
  • Casiguran town hosts leadership training for student leaders (R05)
  • Rice Self Sufficiency program on track - Alcala (R05)
  • Stakeholders meet with GSIS Prexy (R05)
  • Casiguran town hosts leadership training for student leaders (R05)
  • Rice Self Sufficiency program on track - Alcala (R05)
  • Legazpi is next wave city for BPO (R05)
  • Tagalog news: Bagong sistema kailangan sundin ng mga aplikante sa Napolcom exams (R05)
  • CSC receives P1.5M from BFAR for inland fishery development (R05)

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines