Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Thursday, 9 December 2021 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
Region R05 Submenu
Latest News
News Headlines
Foto Releases
120130-r5-hospital

Masbate Governor Rizalina Seachon-Lanete inspects the construction site of the new 200-bed capacity hospital. (PIA Masbate)
Bicol Region

PIA Press Release
Wednesday, January 11, 2012

Tagalog News: Suplay ng bigas sa Bikol, sapat hanggang Abril 2012

LUNGSOD NG LEGAZPI, Enero 11 (PIA) -- Kung pagbabasehan lamang ang paniniwalang kasaganahan para sa bagong taon ay maituturing ng mga Bikolano na sapat ang suplay ng kanilang bigas ngayong 2012.

Kaugalian sa ating bayan ang mag-impok nang sapat na pagkain lalo na sa pagharap sa susunod na taon at ito ay pinagtibay ng National Food Authority makaraang gawin ang pagkumpirma sa sapat na suplay ng bigas na aabot pa hanggang sa unang anim na buwan ng 2012.

Ang impormasyong ito ay inilahad sa programang panradyo ng PIA tatlong araw bago ang bagong taon, ayon kay Edwin Ataiza, NFA Bicol chief of operations division.

Ayon kay Atienza, 255,000 sako ng bigas ang nasa bodega ng ahensya. Karagdagan pa dito ang 1, 623,000 na sako ng palay na maaaring umabot sa 1,055,000 sako ng bigas o di kaya’y 1,310,000 sako na aabot sa 144 araw o 4.8 buwan.

Sapat na sapat ang suplay ng bigas sa kada lalawigan, ang Albay ay may 86, 522 bags; Camarines Norte 30,285; Camarines Sur 50,000; Catanduanes 30,505; Masbate 17,455; at Sorsogon 40,233.

Sa kasalukuyang stock ng bigas, 49 porsiyento o 125,000 bags ay imported rice galing Thailand at Vietnam. Ang nalalabi ay galing sa rice procurement program ng ahensya.

Iginiit din ni Ataiza na sa mga huling buwan ng 2011, ang NFA ay nagbigay sa kanilang accredited retailers ng 9,000 sako kada araw na ang ibig sabihin ay may sapat na commercial rice sa pamilihan. Tumaas naman sa 15,000 sako ang naipamigay sa kasagsagan ng demand para sa NFA rice.

Ibinebenta ang NFA rice sa halagang P25 kada kilo sa mga retailers at P27 naman sa mga suki. Alinsunod sa utos ng Pangulo, ay walang pagbabago sa presyo ng bigas noong nakaraang holiday season. Naniniwala ang Presidente na dagdag pasakit lamang sa mga mamamayan ang pagtaas sa presyo ng bigas.

Malaki ang makukuhang bigas ng NFA Bicol sa taong 2012 dahil sa kanilang zero implementation.

Naniniwala si Ataiza na ang rehiyon ay “self-sufficient” sa bigas dahil sa patuloy na agresibong productivity programs ng Department of Agriculture kasama na ang distribution of certified seeds at introduction of submerging rice variety na nararapat sa mga binabahang lupang sakahan. Ang National Irrigation Administration naman ay patuloy sa pagsasaayos ng mga kagamitang pang irigasyon.

Ang NFA ay bumibili ng palay sa halagang P17 kada kilo at 30 sentimos na “incentive” para sa farmer’s cooperative, 20 centavos naman sa pagpapatuyo at 20 sentimos sa pagdala sa mga buying station na umaabot sa P17.70 kada kilo.

Ang ahensya ay nagbibigay-laya sa mga magsasaka na pumili kung aling “buying price” ang mas mataas, mapagobyerno man o pribado.

Sa ilalim ng Corn Procurement Program, ang ahensya ay bumibili ng puting mais sa halagang P13 kada kilo at P12.30 naman kada kilo para sa dilaw na mais.

Ninanais ng NFA na panatilihin ang farm-gate price upang makapagbigay sa mga magsasaka ng sapat na ROI o Return on Investment.

Sinabi rin ni Ataiza na ang kasalukuyang supply ng bigas ay angkop sa Food Security Outlook ng ahensya lalo na sa panahon ng kalamidad o emerhensya. Ang higit sa isang milyong sakong nakaimpok na bigas ay higit pa sa 400,000 - 500,000 sakong kinakailangan upang masiguro ang food security ng populasyon. (MAL/SAA-PIA V/Albay)

 
Latest Stories
  • 8 LGUs in Bicol cited as best eco-waste management implementers (R05)
  • 751 beneficiaries receive livelihood support in 2011 from DOLE (R05)
  • CamSur town, Minalabac inaugurates birthing facility (R05)
  • 9 LGUs in Albay receive Seal of Good Housekeeping Award (R05)
  • 9 LGUs in Albay receive Seal of Good Housekeeping Award (R05)
  • CamSur town, Minalabac inaugurates birthing facility (R05)
  • Bayan Muna, Gabriela launch scholarship program at CSC (R05)
  • Casiguran town hosts leadership training for student leaders (R05)
  • Rice Self Sufficiency program on track - Alcala (R05)
  • Stakeholders meet with GSIS Prexy (R05)
  • Casiguran town hosts leadership training for student leaders (R05)
  • Rice Self Sufficiency program on track - Alcala (R05)
  • Legazpi is next wave city for BPO (R05)
  • Tagalog news: Bagong sistema kailangan sundin ng mga aplikante sa Napolcom exams (R05)
  • CSC receives P1.5M from BFAR for inland fishery development (R05)

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines