Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Sunday, 28 November 2021 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
Region R05 Submenu
Latest News
News Headlines
Foto Releases
120130-r5-hospital

Masbate Governor Rizalina Seachon-Lanete inspects the construction site of the new 200-bed capacity hospital. (PIA Masbate)
Bicol Region

PIA Press Release
Wednesday, January 11, 2012

Tagalog News: Regular na sahod at working hours para sa mga bus drivers, sisimulan na sa Enero 16 – LTFRB

LUNGSOD NG LEGAZPI, Enero 11 (PIA) -- Simula Enero 16 ay makakatanggap na ng regular na sahod at magtatrabaho na lamang ng walong oras sa isang araw ang mga drayber ng bus, utos ng Land Transportation Franchising & Regulatory Board (LTFRB).

Ayon sa isang miyembro ng LTFRB na si Atty Manuel Iway, ang pagbibigay ng regular na sahod sa halip na porsyento sa nakukuhang kita sa isang araw, ay nasasaad sa memorandum circular na kanilang pinalabas noong Enero 3.

Ang bagong batas na ito ay kaayon sa pagsusumikap ng gobyerno na makapagbigay ng magandang serbisyo sa publiko sa pamamagitan ng pagpapaunlad ng kalagayan ng mga empleyado ng public utility vehicles.

Ayon pa kay Iway, ang nasabing circular ay base sa ginawang memorandom of agreement ng Department of Labor and Employment, Department of Transportation and Communications, at Metropolitan Manila Development Authority.

Dagdag pa niya, kasama rin sa circular ang compensation package na naglalayong makapagbigay ng bus drivers security of tenure at mga benepisyong saklaw ng Social Security System, Pag-ibig Fund, at Philippine Health Corp.

Sa ilalim ng bagong patakaran ng LTFRB, ang mga drayber at konduktor ay magtatrabaho na lamang sa loob ng walong oras sa isang araw upang masiguro na sila ay may sapat na pahinga habang nasa trabaho.

Ang kanilang sahod ay kailangan ding “above minimum wage,” ayon pa sa nasabing batas. Sa kasalukuyan ay nasa P389 to P426 per day sa Metro Manila. At gaya ng ibang empleyado, sila rin ay makakatanggap na ng 13th month pay bonus.

Ayon pa kay Iway, nilalayon nila na sa pag-alis ng sistemang komisyon ay maaalis na rin ang pagkukumpitisyon ng mga drayber sa paghanap ng pasahero na siyang nagiging sanhi ng una unahan at bara bara sa pagmamaneho.

Ang mga kumpanya ng bus ay binigyan ng LTFRB ng anim na buwan upang maipasa ang kanilang compliance reports kasama na ang listahan ng sahod ng kanilang mga empleyado.

Ang mga kumpanyang hindi makakapagpasa ng kinakailangang ulat ay makakaharap sa pagkansela ng kanilang prangkisa, dagdag pa ni Iway. (MAL/LTFRB V)

 
Latest Stories
  • 8 LGUs in Bicol cited as best eco-waste management implementers (R05)
  • 751 beneficiaries receive livelihood support in 2011 from DOLE (R05)
  • CamSur town, Minalabac inaugurates birthing facility (R05)
  • 9 LGUs in Albay receive Seal of Good Housekeeping Award (R05)
  • 9 LGUs in Albay receive Seal of Good Housekeeping Award (R05)
  • CamSur town, Minalabac inaugurates birthing facility (R05)
  • Bayan Muna, Gabriela launch scholarship program at CSC (R05)
  • Casiguran town hosts leadership training for student leaders (R05)
  • Rice Self Sufficiency program on track - Alcala (R05)
  • Stakeholders meet with GSIS Prexy (R05)
  • Casiguran town hosts leadership training for student leaders (R05)
  • Rice Self Sufficiency program on track - Alcala (R05)
  • Legazpi is next wave city for BPO (R05)
  • Tagalog news: Bagong sistema kailangan sundin ng mga aplikante sa Napolcom exams (R05)
  • CSC receives P1.5M from BFAR for inland fishery development (R05)

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines