Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Thursday, 9 December 2021 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
Region R05 Submenu
Latest News
News Headlines
Foto Releases
120130-r5-hospital

Masbate Governor Rizalina Seachon-Lanete inspects the construction site of the new 200-bed capacity hospital. (PIA Masbate)
Bicol Region

PIA Press Release
Saturday, January 14, 2012

Tagalog News: Awtoridad at mga network company nagbabala laban sa iligal na mga SIM card

ni Bennie A. Recebido

LUNGSOD NG SORSOGON, Enero 14 (PIA) - Pinag-iingat ang publiko laban sa mga binebentang SIM card na ginagamit sa mga cellular phones. Ito ang paalalang ibinigay ng isang telecom network card distributor dito sa Sorsogon.

Sa paalala, inihayag nitong dapat mag-ingat ang publiko sa mga pinagbebentahan ng SIM card sapagkat maaari umanong ang mga ito ay gumagawa ng illegal bypass o international call re-selling.

Sila ay mga operators na gumagamit ng mga pre-paid SIM card para makatawag ang mga nasa abroad dito sa Pilipinas ng hindi na dumadaan sa legal na switching facilities ng mga licensed carriers o service providers.

Maging ang mga kinauukulan ay mahigpit ang panawagan na huwag pagbentahan ng mga SIM card ang mga nakikilalang bypass operators. Mas mainam umanong umiwas na lamang na madamay sa mga aksyong legal na maaaring gawin ng mga kinauukulan laban sa mga bypass operators.

Sakaling umanong makaenkwentro ng ganitong insidente ay makipagtulungan sa mga awtoridad na masugpo ito sa pamamagitan ng agarang pagreport sa tanggapan ng partikular na network provider na ginamit o sa pinakamalapit na pulisya.

Binigyang-diin din ng telecom network card distributor na dahil sa mga illegal bypass operators o international call re-selling ay maaaring bumababa ang kalidad ng mga tawag kapag dumadaan ito sa kanila. (BAR-PIA Sorsogon)

 
Latest Stories
  • 8 LGUs in Bicol cited as best eco-waste management implementers (R05)
  • 751 beneficiaries receive livelihood support in 2011 from DOLE (R05)
  • CamSur town, Minalabac inaugurates birthing facility (R05)
  • 9 LGUs in Albay receive Seal of Good Housekeeping Award (R05)
  • 9 LGUs in Albay receive Seal of Good Housekeeping Award (R05)
  • CamSur town, Minalabac inaugurates birthing facility (R05)
  • Bayan Muna, Gabriela launch scholarship program at CSC (R05)
  • Casiguran town hosts leadership training for student leaders (R05)
  • Rice Self Sufficiency program on track - Alcala (R05)
  • Stakeholders meet with GSIS Prexy (R05)
  • Casiguran town hosts leadership training for student leaders (R05)
  • Rice Self Sufficiency program on track - Alcala (R05)
  • Legazpi is next wave city for BPO (R05)
  • Tagalog news: Bagong sistema kailangan sundin ng mga aplikante sa Napolcom exams (R05)
  • CSC receives P1.5M from BFAR for inland fishery development (R05)

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines